Sean's POV"Thank you at sumama ka samin nila mama't papa sa dinner. I really appreciated it." Nakangiting tumango lang ako kay Chloe saka sumakay ng kotse ko. Inimbitahan kasi nila ako mag hapunan dito sa bahay nila.
Pag dating ko sa hotel ay agad akong dumiretsyo sa kwarto ko ng madaanan ko ang kwarto ni Alexa. Tinignan ko ang relong pambisig ko. Alas-dose na kaya naisipan kong wag nalang siyang katukin.
Inilapag ko sa kama ang suit ko. Papasok na sana ako sa cr ng may kumatok sa pintuan.
"Casey? Ano ginagawa mo dito?" Tanong ko pag kabukas ng pinto. Ini-wagayway niya ang cellphone niya sa mukha ko.
"Gusto ko lang ipakita sayo 'to. Alam mo ba na nasa club si Alexa ngayon?" Kunot noo kong kinuha ang iPhone niya para titigan yung picture.
"Yung nanliligaw sakin nag post sa snapchat account niya. Nagulat lang ako ng makita may kasamang iba yung baby mo hahaha." Halatang aksidenteng nasama lang sa litrato si Alexa sa picture. Parang photobomb ang dating. Nakaupo 'to sa bar counter at nakahawak sa mukha ng isang lalaki. Naka harap din ang lalaki sa kanya habang nakatitig sa kanya.
"Thanks Cas." Binalik ko ang cellphone niya at aalis na sana ako ng mag salita siya.
"Don't tell me you'll going to fetch her?" Nakangising tanong niya.
"Oo. Susunduin ko ang best friend ko." Diniinan ko ang best friend paano ba naman kasi binibigyan na naman niya ng ibang kulay ang pag kakaibigan namin.
"Ewan ko sa inyo. Nasa harapan niyo na pero parang 'di niyo pa rin nakikita." Umiling na lang ako saka tumalikod. Minsan talaga may pag kaweird yang sekretarya ko tss.
Halos mag ka-haba ang leeg ko dito sa loob ng club. Ang daming tao at ang lakas ng tugtog. "Alex." Tawag ko sa kanya na kakaalis lang ng dance floor.
Pinigilan ko siya na iinom sana ng alak. Gulat na tumingin siya sakin.
"S-Sean? Ano ang g-ginagawa mo dito?""Hindi ba dapat ako ang mag tanong sayo niyan? What are you doing here?"
"Chill lang dude. We're just having fun. Di ba Alexa." Ngumisi ito ng parang aso saka ipinatong ang kamay sa balikat ni Alex.
"Alex let's go. It's already 12:30 in the morning." Pinipigilan ko ang inis ko sa bwisit na lalaking 'to. Bakit niya dinala si Alex dito.
"Sean. Mamaya na okay. Ang saya pa kaya dito." Natatawang saad nito saka tinungga ang kupita niya. Napangiwi siya sa lasa.
"Shit Alex! You already drunk. Let's go." Hinawakan ko siya sa palapulsuhan pero binawi niya ang kamay niya.
"Hindi pa ako lasing *hik*" Tss hindi daw pero sinisinok na siya. Tipsy na rin ito.
"Ito, inom ka nalang Sean." Sabay abot ng alak sakin ni Nico na kumag.
"No thanks. Halika ka na Alexa." Hinatak ko na siya palayo ng ng pumigil sa balikat ko.
"Dude, ako ang nag dala sa kanya dito kaya ako ang mag hahatid sa kanya." Malamig pero ma-awtoridad na sabi ni Nico.
"Do you think I let you to do that after you brought her here and got her drunk. No way." Tinabig ko ang kamay niya saka tuluyang hinatak palabas ng club si Alex.
Nilingon ko siya sa passenger seat. Nakatulog na pala ito. Yan na nga ba ang sinasabi ko e. Iinom-inom hindi naman pala kaya.
Pag dating namin sa hotel ay binigay ko ang susi ng kotse ko sa valet at binuhat ko si Alex papasok.Dahan-dahan ko siyang hiniga sa kama niya. Hinawi ko ang buhok na humarang sa mukha niya.
"Sean. Sean." Natawa ako ng mag salita siya habang tulog. Aalis na sana ako ng may tumunog kaya muli akong napalingon.Binuksan ko ang shoulder bag niya at kinuha ang cellphone niya dun. Nakita ko ang pangalan ng tumatawag sa screen. I declined the call and put it back inside her bag. Good thing 'di na siya tumawag ulit.
"Gago na Nico 'yun ha. Kapal ng mukha niya't tumawag pa. Ano balak niya at hinayaan niyang malasing si Alexa." Bulong ko sa sarili ko.
"Sean?" Napatingin ako sa kanya kaya naupo ako sa tabi niya.
"Si N-Nico *hik*" Nahilamos ko ang kamay ko sa mukha ko.
"Matulog ka na Alex. Bukas nalang tayo mag-usap." Tumayo na ako pero nanlaki ang mata ko ng nauna pa siyang lumaba ng kwarto sakin kaya hinabol ko siya.
Pasakay na siya ng elevator ng maagap kong nahawakan ang braso niya. "Saan ka pupunta? Lasing ka na." Hindi ko na napigilan tumaas ang boses ko sa inis. Kaya hindi siya pwedeng malasing dahil makulit talaga siya tulad nalang nung graduation namin nung college nag sayaw siya ng nag sayaw nun. Nakakahiya.
"May *hik* nakalimutan akong s-sabihin kay *hik* Nic- *hik* o" fvck Nico na naman.
"No. Babalik ka na sa kwarto mo." Hinila ko siya pabalik sa kwarto niya pero nag papabigat siya kaya humarap ako sa kanya at binuhat siya. Nabigla siya sa ginawa ko kaya nag pumiglas siya.
"Ibaba mo ako *hik* Sean." Pag dating sa loob ng kwarto ay inupo ko siya sa kama. Nagulat ako ng yumuko siya at biglang humikbi.
"Hey Alex, I'm sorry. I didn't mean to scold you. I'm sorry." Lumuhod ako sa harapan niya at inangat ang baba niya para tumingin siya sakin.
Umiling lang siya at lalo pang naiyak. Nataranta ako kaya niyakap ko siya. "Shh... Stop crying Alex. If I only knew that you will come to that bastard, di nalang sana ako sumama kay Chloe." Hinagod ko ang likuran niya.
Kumalas ako at hinarap siya sakin. Pinahid ko ang luha niya at nginitian siya. " Sean." Tawag niya sakin at mapungay ang mata niya. Napalunok ako dahil ang lapit pala ng mukha namin.
May tumulong luha sa mata niya kaya muli kong pinahid 'yun. "Hush now. I'm here." Hindi ko alam at kinabig ko ang batok niya saka inilapat ang mga labi ko sa kanya. Iginalaw ko ang labi ko ngunit di siya tumutugon kaya lalo ko pang pinag buti.
I kiss her gently. Ilang sandali pa ay tumugon na rin siya. Puno ng pag-iingat at lambing ko siyang hinalikan. Nag katitigan kami at hindi ko mapigilang mapa-ngiti pero bigla akong napa tayo.
"Acckk... Acckk..." Shit! Tama ang iniisip niyo, sinukahan lang naman niya ako saka tuluyang bumagsak sa kama at humilik.
----------------------------------
AN:
Not Edited. Not Reviewed.Hey guys, whoa!! Anyare sa kanila? Hahaha... Galawang breezy ba? Sorry, alam ko hahaha...
*Teaser to next chapter*
Start of big changes in their lives!Comment and votes are big help.
Thanks for reading!
Lovelots~Shystrego
BINABASA MO ANG
I Fell In Love with My Bestfriend(On Going)
General FictionSean and Alexa have been best friends since they were five, so they couldn't possibly be right for one another...or could they? When it comes to love, life and making the right choices, these two are their own worst enemies. ©All Rights Reserved