Chapter 6

11 2 1
                                    




Alexa's POV

"Good morning Phillipines!" Masigla akong bumangon mula sa kama. Maaga talaga akong gumising ngayon dahil aalis kami ni Sean ngayon pero hindi niya pa alam hahaha... Naguluhan ba kayo? Ganito kasi 'yun, buong mag hapon siyang makikipag meeting ngayon kaya naisipan ko na yayain muna siyang mamasyal kahit saglit lang bago yung meetings niya.

Mabilis akong naligo at nagbihis dahil ayokong masayang yung oras na mag kakasama kami. Kaya pagkatapos kong mag ayos ay pumunta na ako sa kwarto niya na katabi lang ng akin. "Sean. Sean. Sean." Sunod-sunod akong kumatok sa pintuan pero 'di niya binubuksan. Inilabas ko mula sa bulsa ng pants ko ang cellphone ko saka tinawagan siya.

Ring

Ring

Ring

Ring

"Sean. Sean Kyle Castillo!" Sigaw ko sa habang kinakatok yung pintuan niya. Muli kong tinipa ang cellphone ko para i-text siya.

To: Sean

Ipis! Gisiiiiiiiiiiiiing na! Nandito ako sa labas kaya bilisan mo at buksan mo ang pinto.

Pinidot ko ang send button at muling kumatok sa pinto. "Hay! Kainis talaga 'tong ipis na 'to. Tulog mantika kahit kailan." Inis na sinipa ko ang ibaba ng pinto ng may maisip ako. Mabilis akong sumakay ng elevator. Nang dumating ito sa lobby ay agad akong pumunta sa reception.

"Good morning ma'am. What can I do for you." Nakangiting bati ng receptionist sakin.

"Uhm, can you please help me? I went to my best friend's room beside mine to wake him up but he didn't open it. I also called and texted him but still no response. I'm just worried about him. Can I have a keycard to his room?"

"What is the name of your best friend and his room number ma'am?" Tanong niya sakin habang pumipindot sa keyboard.

"Sean Kyles Castillo and he's in room 306." Tumingin siya sa screen ng computer saka pumindot sa keyboard.

"Ma'am, I want to apologize but we can't give you an access for you to get in on Mr. Castillo's room. I need to verify it first to our supervisor about your concern because our hotel have a policy which protects the privacy and safety of our guests." Mahinang naihampas ko ang kamay ko sa desk saka nag salita sa kanya.

"I understand that you have a protocol need to follow to protect your guests but I also want you to know that if there's something bad will happen to my best friend I'll make sure that you will take responsibility for it." Galit na saad ko sa kanya na naging dahilan para mapasinghap siya. Hindi ko naman gustong takutin siya pero si Sean kasi minsan may kakaibang panaginip, binabangungot at natatakot ako na baka mangyari sa kanya iyon kaya ang tagal niyang magising. Hindi pwede!

Tumawag ang receptionist sa telepono at tumango-tango ito sa kausap sa kabilang linya. Pagbaba niya ay agad siyang ngumiti sakin. "You may have a keycard to your friend's room now ma'am and Kate will assist you." Sinensyasan niya ang babae na nakatayo ng medyo malayo sa akin.

Inabot niya ang keycard kay Kate at nag pasalamat naman ako sa receptionist saka sumakay ng elevator kasama yung room attendant. Pag dating namin sa kwarto ni Sean ay agad niyang ini-swipe ang keycard. Pag kabukas ng pinto ay mabilis akong pumasok sa loob.

I Fell In Love with My Bestfriend(On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon