Alexa's POVNakatihayang nakahiga ako ngayon dito sa kama ng hotel na tinutuluyan namin. Dito kase gagawin yung business meeting nila Sean. Pag dating namin dito kanina ay agad akong dumiretsyo dito pag kabigay ng receptionists ng keycard at 'di na siya pinansin.
Bahala siya sa buhay niya. Siya ang naunang hindi na namansin sakin kaya manigas siya! Tumayo ako para kunin ang MP3 ko sa bag at isinaksak sa PM3 Docking station. Pinatugtog ko ang Sonata no. 3. Muli akong na higa sa kama at pinikit ang mga mata. Nakaka relax pakinggan. Nasa ganung emosyon ako ng may kumatok sa pintuan.
"Good afternoon ma'am." Bungad ng bellboy sakin. Natuon ang pansin ko sa cart na tulak niya. "Ito na po yung order niyo. Ipapasok ko na po ba?" Napa kunot noo naman akong tumingin sa kanya.
"Wala akong inoorder. Baka nag kakamali ka lang." Saad ko sa kanya.
"Hindi po ma'am. Para po ito sa inyo. Room 304. Bayad na rin po ito." Nakangiting paliwanag niya. Wala naman akong inoorder pero dahil bayad na daw ito tapos mapilit siya, tama rin ang kwarto at higit sa lahat ay gutom na rin ako kaya pinapasok ko na ang pagkain na dala niya.
"Whoa, saya pala dito. May libreng pagkain hahaha." Bulong ko sa isipan ko. Bago umalis ang bellboy ay binigyan ko siya ng tip.
Naupo na ako at natakam ako lalo ng makita ang pagkain. Sarap na sarap ako sa pagkain habang nakikinig sa musika ng may muling kumatok sa pintuan.Inismidan ko lang ang taong na katayo sa harapan ko ngayon. Pekeng umubo siya bago nag salita.
"Drugs ka ba?" Tumaas ang kilya ko sa tanong niya.
"Hindi. Ikaw, naka drugs ka ba?" Inis na balik tanong ko sa kanya. Ano bang kalokohan ng lalaking 'to? Palagay niya sakin, adik?
Huminga siya ng malalim. "Alexa naman, padaanin mo naman yung pick up lines ko. Tsk." Putek! Mag pi-pick up lines ba siya? Hindi man lang niya sinabi hahaha. Gusto kong matawa pero pinigilan ko, gusto ko pa siyang asarin.
"Ok. Bakit?" Sagot ko sa baliw kong kaibigan.
"Kasi hinahanap-hanap kita." Shet! Hahaha parang tanga lang ang banat niya hahaha.
Kinagat ko ang ibabang labi ko para pigilan ang humalakhak dito."Iyon lang ba? Papasok na ako." Kunwari pag susungit ko. Pag katapos niya akong sungitan kanina, ako naman ngayon.
"Sandali lang." Pigil niya. "Kamukha ko ba si Justin Bieber? Kasi gusto ko sanang sabihin na 'Sorry'." Hindi ko na napigilan kaya pinakawalan ko na ang tawa ko.
"Alam mo yung mais? Maihahampas ko na sayo kasi ang corny mo." Tawang tawa kong sabi ko kay Sean.
"Tawa pa more. Sumakit sana tiyan mo." Sinimangutan niya ako saka pumasok sa loob ng kwarto ko.
"Hoy, kwarto ko 'to." Lapit ko sa kanya saka muling tinawanan siya. Naupo siya sa couch at iniabot ang paper bag na dala niya sakin. Huminto na ako sa pag tawa at inabot 'yun.
"Ano ito?" Nakangiting tanong ko.
"May party kasi mamaya. Birthday ni Mr. Cortez." Pinatay ko ang MP3 ko saka naupo sa tabi niya.
"Kailangan bang sumama pa ako dun? Baka ma-OP lang ako doon. Puro mga business people lang naman yung pupunta dun."
"Kasama mo naman ako at isa pa wala ka namang gagawin dito. Maiinip ka lang." Tumayo siya at ininom ang tubig ko.
BINABASA MO ANG
I Fell In Love with My Bestfriend(On Going)
General FictionSean and Alexa have been best friends since they were five, so they couldn't possibly be right for one another...or could they? When it comes to love, life and making the right choices, these two are their own worst enemies. ©All Rights Reserved