Alexa's POVNagising ako dahil sa pag tunog ng cellphone ko. Ginagap ko sa side table pero wala akong mahawakan kaya napadilat ako. Nakita ko yung bag ko na nasa sofa kaya tumayo ako.
"Ouch!" Grabe ang sakit ng ulo ko kaya napahiga ulit ako ng may kumatok sa pintuan. Napilitan na akong tumayo dahil mukhang walang balak huminto ang taong 'yun sa pag katok.
"Good morning Sleeping beauty!" Masiglang bati niya sakin.
"Sorry Casey but my morning is not good." Pabagsak kong inihiga ang katawan ko sa kama.
"Tsk poor baby. Wag kang mag-alala aalisin natin ang hangover mo." Naka pamaywang na sabi niya sakin.
" Ahhh... I FEEL AWFUL. My head is pounding, I have never had such a headache, i have never felt so ill before in my life" Napa sabunot ako sa buhok ko sa sakit.
"Papadalhan kita ng pagkain mo okay."
Tumawag siya sa telepono dito sa kwarto. Hindi ko na inalam pa ang sinabi niya dahil masakit talaga ang ulo ko pati tiyan ko."By the way, pinapasabi nga pala ni Sean na mag kita daw kayo mamayang lunch."
"Na saan ba siya ngayon?" Hinihilot-hilot ko ang sintido ko. Naupo siya sa dulo ng kama.
"Nasa kwarto niya nag hahanda para sa meeting niya mamayang 10 AM." Nakangiting sagot niya. Tumunog ulit ang cellphone ko na nasa bag ko kaya iniabot ni Casey 'yun sakin.
"Salamat." Kinuha ko ang phone ko saka sinagot ang tumawag.
"Alexa anak, babalik na kami ng daddy mo diyan bukas. Kamusta ka na iha?" Naitakip ko sa bibig ko ang kamay sa gulat.
"R-Really? That's great and I can say that I'm fine now." Natawa ako sa sagot ko pero masaya talaga ako dahil sa wakas ay uuwi na sila.
"Okay I'll hang up now anak. Take care of your self. I hope you don't do anything while we're not around that you will regret in the future. Love you bye." Ang bilis naman pero ayos na rin. Ang mahalaga ay uuwi nandito na sila bukas. Pero ano yung huli niyang sinabi? Sabagay lagi naman ganyan si mom, she always say, know my limits. Of course I know.
"Ang saya mo ha." Nabalik ako sa wisyo at napatingin kay Casey.
"Oo, ito na ang pinaka masayang umaga ko." Lumapit ako sa kanya at niyakap siya.
"Yuck Alexa. Ang baho mo, amoy alak ka. Maligo ka nga. Parang amoy suka ka din." Tumawang tinulak niya ako kaya napa-amoy ako sa sarili ko.
"Tama ka hahaha. Sige maliligo na ako pero kasi ang sakit pa rin ng ulo ko." Napa hawak muli ako sa ulo ko ng may na alala ako.
"Wait, alam mo ba kung anong nangyari kagabi?" Kunot noong tanong ko sa kanya.
"Hmm... ang alam ko lang e, sinundo ka ni Sean sa club." Sabi niya habang kinakalikot ang kuko niya. Pinikit ko ang mata ko habang iniisip kung ano ang nangyari kagabi pero lalo lang sumasakit ang ulo ko kaya wag nalang.
Pag dating ng pagkaing inorder ni Casey ay umalis na rin siya dahil may meeting pa silang pupuntahan ni Sean. Kailangan nandoon siya dahil sekretarya siya nito. Pag katapos ko kumain ay agad kong ininom ang gamot na iniwan ni Casey saka naligo na rin ako. Pag katapos ay natulog ako ulit.
"Cause it's you and me and all of the people with nothing to do, nothing to lose
And it's you and me and all of the people
And I don't know why I can't keep my eyes off of you(Play the song in the multimedia box)
All of the things that I want to say just aren't coming out right
I'm tripping on words
You got my head spinning
I don't know where to go from here
BINABASA MO ANG
I Fell In Love with My Bestfriend(On Going)
Ficção GeralSean and Alexa have been best friends since they were five, so they couldn't possibly be right for one another...or could they? When it comes to love, life and making the right choices, these two are their own worst enemies. ©All Rights Reserved