Celestial Academy
Isang kastilyo ang matatanaw sa di kalayuang burol. Naglalakihan ang mga tore nito saan man tingnan. Isang malapalasyong pangalawang tahanan ng mga nag-aaral dito.
Bibihira ang nakakapasok dito. Kung mayaman ka, may kaya sa buhay at makapit sa itaas. Pwedeng pwede kang makapasok.
“Ang lalim ata ng iniisip mo, Crescent?” tanong nitong katabi kong si Ariel.
Nagtatalo ang utak ko kung sasagot ba ako dito sa best friend kong may pagka abnormal.
“Wala lang naman. Naiisip ko lang yong kastilyong yan. Ano kaya ang pinag-aaralan nila ngayon?” sagot ko.
“Hay nako, Crescent. Hindi ka na naman natigil diyan sa tanong mo. Malamang nag-aaral sila ng kani-kanilang kapangyarihan. Kung pano maging malakas at magpayabangan pag dating sa mga yaman nila. Lalo na yung anak ng Headmaster na isa sa mga taong nagpapatakbo ng bayan natin.” sagot ni Ariel.
Hindi maitatago sa mukha at sa boses nito ang pagkainis. Dahil hindi sila maghihirap nang ganito kung tinupad lang sana ng Headmaster ang pangako nito na pag-aaralin nito si Ariel sa Academy.
Tatlong taon na ang nakakaraan ng mawala ang mga magulang ni Ariel dahil sa isang aksidente sa border ng bayan namin at ng Palladia. Hindi man dapat nangyari yon kung hindi lang tinaggap ng mga magulang ni Ariel ang trabaho. Dahil sa skandalong nalaman ni Ariel, kinumpronta nito ang Headmaster. Nangako ito na pag-aaralin ito sa Academy matapos ang tatlong taon. Pero mag-aapat na taon pero wala parin ang pinangako nito.
“Nakikinig ka ba sa akin, Crescent?” sabi nito. Bumuntong hininga ito at umiling.
“Sorry. Kumain ka na ba? Eto naginit ako ng tubig para sa gatas. Kain ka muna.” sabi ko.
Simula nang labing lima kami kasabay ng aksidente sa mga magulang ni Ariel, namatay ang mga matatandang kumupkop sa akin at nagpalaki. Sayang lang at hindi ko man lang nasuklian ang mga kabutihan nila na binigay nila sa akin.
“Oh, ano na? Tititigan mo na lang ba ako niyan? Bilisan mo na. Magtatrabaho pa tayo.” sabi ni Ariel.
“Oo na. Saglit lang.” sabi ko.
Alam ni Ariel na mabagal ako kumilos ngunit polido. Ayoko kasi ng may natitirang gawain lalo na hindi ko natatapos. Matapos naming kumain ay kailangan naming pumunta sa bayan at kumuha ng trabaho.
Hindi pa man din ako nakakatayo, lahat ng hugasin nasa lababo na. Nagugulat na lang ako sa isang lingon lang tapos na ang hugasin ko.
Yan ang kapangyarihan ni Ariel. Ability is Teleportation and Ice is Charm. Minsan nakakainggit siya. Kasi ako ni hindi ko alam kung meron ba akong ability or charm. Or just a loser.
“Sorry. Hindi ako mabilis kumilos tulad mo, kaya hindi ko natatapos ang gawin agad. Magbibihis na ako.” sabi ko.
A R I E L
May mali ba akong nasabi? Shit! Sinasaktan ko yung best friend ko! Araw araw na lang ba?
Ayt! Oo nga pala. Hindi pa pala niya nailalabas yung Ability and Charm niya. Pero when I am near her merong hindi tama. Parang may aura siya mas malakas pa sa isang pressure. Pero feeling ko hindi niya lang ito mailabas.
“Ready na ako! Tara na!” sabi nito sa akin.
Sa Bayan
BINABASA MO ANG
Celestial Academy
FantasySiya si Ceres. Pinangalan sa isang napakagandang planeta na umiikot malapit sa mundong ginagalawan nila ngayon. Lumaki ito bilang Crescent ang pangalan. Just one fourth of the moon's rotational phase. Walang pangarap at hindi alam ang gusto. Wala si...