Chapter 3: Charm Ball

171 6 0
                                    

Charm Ball






C R E S C E N T

Palabas na sana kami nang habulin ako ni Mr. Tyler. Mabinigay siya sa akin. Ang sabi niya kainin ko daw habang inaantay and dawn. Isa to sa mga biscuits na gawa ng lola nila Annabeth. Which nagustuhan ko agad.

"Whoa. Ang laki naman nito." sabi ko. Dahil isang malaking gate ang bumungad sa akin. Ang gate ng Celestial Academy.

"Naeenjoy ko talaga yung company mo. Nakakatawa ka talaga pag namamangha ka." sabi ni Annabeth. Nanliit tuloy ako. Feeling ko wala talaga akong alam sa paligid ko. Nahihiya tuloy ako. Hay.

"Don't worry. Hindi ko yon sinabi para mainis ka sakin. Nakakatawa ka lang talaga. Feeling ko nga close na agad tayo. Don't worry, mag kasama tayo sa lahat ng subjects. Although magkahiwalay nga lang tayo ng kwarto. Pero katabi nito nag kwarto ko. So cheer up!" sabi ni Annabeth. Lumapad ang ngiti ko. Feeling ko nga close na kami.

Pagpasok namin may humarang agad sa amin na kawal ng kastilyo. May hinigi siya kay Annabeth. May nilabas naman ito na bilog na parang pearl. Nga lang mas malaki dito. It's color is blugreen at may mist sa loob nito. Nang makita ito ng kawal pinadaan siya ng kawal at nang ako na ang papasok. Hinarang din ako nito.

"Charm ball?" yan ang sabi ng kawal. Ano yong charm ball? Wala naman akong naaalalang may binigay si Mr. Tyler nun sa akin.

Nahuli kong nakatingin ang kawal sa kwintas ko. Tama kasing laki kasi ng pinakita ni Annabeth yung stone ball na nasa necklace ko. Ang pinagkaiba lang nito transparent ang kulay nito at naghahalo ang black and white nito sa loob. Nagmimix pero hindi nabubuo ang kulay. Unlike nung kay Annabeth, it's mixing on its own.

"W-What? Charm ball is that?" sabi ng kawal. Nataranta naman si Annabeth kaya hinila niya ako. Kasabay non, tumunog ang isang parang trumpet na hawak nung kawal. At pag dating namin sa pinto ng kastilyo. May butler? Butler talaga? Parang sa bahay lang nila Annabeth.

Nakarinig ako ng yapak ng ibang tao sa likod namin ni Annabeth.

"Sir. Hindi po siya taga dito. Iba yung-" sabi nung kawal.

"It's okay. Let me handle it." sabi nito. Handle what?

"Kanina pa kayo inaantay ng Principal. Ms. Annabeth andoon na  din po si Mr. Paul." sabi ng butler.

Naglakad kami sa loob ng carpeted floor ng hallway ng kastilyo. Renaissance ang design ng karamian ng paintings and designs ng walls. Especially the chandelier sa taas na naka hang sa bawat ceiling na madadaanan mo.

The light from it gives pure warm sa kahit na sino ang titingin dito. Sa bawat hakbang namin sa carpeted floor, I can feel the uneasiness sa presence ng mga taong nakakasalubong namin. Karamihan sa kanila nahuhuli kong nakatingin sa necklace ko. Ano bang meron?

"Here we are. After you." sabi nung butler sa amin ni Annabeth.

"Tara?" tanong niya sa akin.

Tumango ako. Kaya sabay kaming pumasok. Hindi ganung kaluwang yung pinto kaya nauna lang ng kaunti si Annabeth pumasok. Bumungad sa akin ang isang wooden old room na may mga libro sa gilid. Isang wooden table for business purposes at isang table for food. Nakakaamoy ako ng bread. Fine and nicely cut na bread. At ang amoy nang sweet milk and cheese.

"Annabeth. Ang tagal niyo namang dumating? Narinig niyo ba yung tunog ng horn kanina?" tanong ni Paul.

"Oo. Dahil sa amin yon. Akala kasi nung kawal ng Academy hindi estudyante si Crescent. Samantalang suot niya yung bagong pa deliver na uniform. Ewan ko ba." sagot ni Annabeth.

Umupo kami sa sofa na kinauupuan ni Paul. Nasaan si Ariel? Tumingin ako sa gilid or sa kaliwa't kanan ni Paul pero wala ito dito.

"Wag mo nang hanapin. Isang oras na kami dito. Saka pinauna na siya sa dormitory ng mga lalaki. Sabi ko ako na lang ang mag-aantay sa inyo. So since nandito na kayo, aalis na ako." sabi nito.

"Ah. Okay. Salamat, Paul." sabi ko.

Ngumiti naman ito saka tuluyang umalis. Natira kaming dalawa ni Annabeth sa opisina na yon.

"Sa tingin mo ba hindi tayo papagalitan dahil sa nangyari kanina sa gate? Parang kasalanan ko yon. Wala naman kasi ako nung hinihingi niya eh." sabi ko.

Kasabay nito ang pagbukas ng pinto. Pumasok kasabay ng hangin ang isang magandang babae at isang matandang lalaki.

"Goodevening po, Headmaster Juno at Principal Rhea." sabi ni Annabeth. Natataranta man, tumayo din ako. At slightly gestured an inclined bow. To respect the two people in front of us.

"Maupo na kayong dalawa. Magandang gabi din." sagot nito.

"Ako nga pala si Principal Rhea. You must be Crescent Hellish? Mr. Tyler's new recruit?" sabi nito.

"Opo." sabi ko. Huminga ako ng malalim bago nagsalita ulit. "Papagalitan niyo po ba si Annabeth dahil sa tunong nung trumpeta kanina sa gate? Wag po. Kasalanan ko po yon. Wala naman po kasi ako nung hinihingi nung kawal na Charm ball." sabi ko.

Ngumiti ito at hinaplos ang kanyang sintido.

"Alam ko. Hindi mo na kailangan humingi ng tawad at hindi kayo mapapagalitan." sabi nito. Huh? Bakit? Eh kasalanan ko yon.

"I do have one question for you, though." tanong sa akin ni Ms. Rhea.

"Ano po yon?" sagot ko.

"Saan mo nakuha ng necklace na yan?" sabay turo nito.

"Ito po ba? Hindi ko rin po alam. Ang sabi po sa akin ni lolo at lola, nung nakita daw nila ako sa border ng Palladia at ng Chiron. Suot ko na daw po ito. Never pa pong nag mix ang kulay sa loob nito. Unlike po yung kay Annabeth kusang nagmimix yung kulay. Bakit niyo po natanong?" tanong ko.

Nagkatinginan sila ni Headmaster Juno. Parang nag-uusap sila sa mata. Sa isang iglap may nakita akong nagspark. Mula sa mga mata nila. Nakita ko na nakatingin sila sa necklace ko. Nakita ko mula sa salamin sa gilid ni Annabeth na may iba sa paligid ko. Parang may itim at puting mist na pumapaligid sa akin.

Tumayo ako at tumakbo palabas sa pinto. Nagulat ang tatlo sa ikinilos ko. Wala akong alam sa nangyayari sa akin. Ariel, nasan ka na ba?

Nabangga ko ang pader? I mean tao sa dulo ng hall. Tumingala ako. Kamukha siya ni Ariel.

"Sorry. Hindi ko sinasadya." sabi ko.

"Minsan kasi mag-iingat ka sa dinadaanan mo para hindi ka nadadapa. Lampa." sabi nito sa akin.

Tumayo ako, umiiyak at naramdaman ko na naman yung nararamdaman ko kanina sa office nung Ms. Rhea.

Parang may kung ano ang gustong lumabas sa akin. Sa sobrang inis ko, lumakas ang hangin. At naririnig ko ang tawag nila Annabeth sa akin.

"Crescent! Itigil mo yan! Makakasama yan sayo! Crescent!" sigaw ni Ms. Rhea.

Lumingon yung nabangga ko kanina pero papalapit siya sa akin. Paghakbang niya tumilapon agad siya sa ere at bumagsak sa lupa ng wala sa oras at dahil narin sa lakas ng impact.









I O



"What the fuck!?" sigaw ko.

Sino ba yon? Nakita ko yung charm ball sa leeg niya. It's not a regular charm ball. Saan kaya niya yon nakuha?

Nang magevaporate ang mist sa gilid niya. Nakita kong hinimatay ito.

"Crescent!" sigaw ni Annabeth.




"Crescent?"
***

Whoohoo! Grabeng intense. Ang hirap pala iexplain nung charm ball ano ho? Next update maglalagay ako ng picture. Lol!

PS.
Kilala kaya ni Io si Crescent?
Tingin niyo?

@charismaticegg

Celestial AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon