Chapter 6: Danger of Truth

154 8 0
                                    

Chapter 6: Danger of Truth



A N N A B E T H



Anong ginagawa ni Axel dito? Hindi ba niya alam na bawal siya sa premises ng Academy? Mapapahamak siya sa ginagawa niya.

"Annabeth, kamusta ka na?" Tanong nito. Hindi agad ako nakapagsalita sa unti-unti niyang paglapit.

"W-Wag kang lalapit. Anong ginagawa mo dito?! Hindi ka pwedeng basta basta na lang nakakalabas pasok dito sa Academy! Ano bang pakay -"

"Relax, Annabeth. Ako ang nagpapasok sa kanya dito. I need my best friend no. Saka may pag-uusapan pa kami." Sabi ni Io. Am I assuming?

"I'll see you around, Annabeth." Sabi nito saka tumalikod at nawala na lang ng parang bula. Is he even here?

Alam ko naman kung bakit talaga siya nandito dahil kay Crescent. Pero, hindi ko alam bakit parang may kailangan din siya mula sa akin. He is really hard to predict.









--

C R E S C E N T

Sino yung babae sa likod ni Io, na kanina pa nakatitig sa akin. Siguro ay estudyante lang din siya na napuruhan dahil sa paglabas ng almost kalahati ng kapangyarihan ko. Something in Io's eyes makes me vulnerable. I recognizes him when I'm almost done with a transformation. Ang sabi lang sa akin ni Sir Merchant, there is still someone or something that needs to let go and/or needs to be forgiven para lumabas ang 100% complete transformation ko.

Once this transformation is done, I'm free to transform at any rate and at anything I want. Kaso ang nag-iisang disclaimer ay, how can I complete this Big Bang Transformation?

Nakatingin lang ako sa ceiling ng kwarto ko nang maramdaman ang panganib na hindi ko maintindihan kung kainino galing. Pero the only thing that I know, is that I can already sense danger. Malapit lang ito mula sa akin. Pero, I can't even predict whose the target. May kapangyarihan ka nga hindi mo naman malaman kung sino ang target! How can I help, if I'm too useless to be at stake!

Palapit ng palapit ang yapak nito sa kwarto ko. Am I the target, kaya hindi ko malaman kanina kung sino? Cause it was after me?

Apat silang nag-uusap sa may gilid ng pinto ko sa kanan. Nadidinig kong nag-uusap ang apat na tao sa labas at klarong klaro halos lahat ng pinag-uusapan nila.

"Hindi tayo pwedeng magtagal dito. May nakamasid na mata sa atin, simula nang pasukin natin ang dormitoryong ito. Kaya pwede bang bilisan niyo na ang paggawa ng inutos nang makaalis na tayo dito!" Sabi ng isang lalaki na sa tingin ko ay kasing tangkad lang ni Annabeth.

"Kung binubuksan mo na sana yung pintuan edi sana nasa loob na tayo? Kunin mo na yung susi!" Sabi pa nung isa.

"Babaan mo lang yung boses mo. Kanina pa may na alam na pupunta tayo. Kanina parin pala siya nakikinig." Ramdam ko sa boses nito ang pag ngiti. Alam niyang nakikinig ako. Pumasok ako sa loob ng wardrobe ko. Nagtago habang hawak ang charm ball ko.

I need to control my emotions. Please protect me. As I held my charm ball inside my ball fist. Narinig ko ang isang pagclick ng pinto.





Third Person's

Nang makapasok sila sa kwarto na ipinagbabawal sa tabi ng cell ni Crescent, nagpakawala agad si Io ng isang water pressure mula sa likod ni Axel, Red at Paul. Isang tao ang lumabas mula sa dilim.

"Hanggang kailan ka magtatago jan, Kuya?"

Napalingon ang dalawa na si Red at Paul sa narinig. Hindi inaasahan na maririnig ito mula kay Io. Mula sa pagkakatanda ni Paul, kasama ito nila Crescent pumasok ng Kastilyo ng makuha sila ng ama nito sa bayan.

Celestial AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon