Chapter 2: Proposal

188 7 0
                                    

Proposal

C R E S C E N T




Nagising ako na masakit ang ulo ko. Iba ang damit nasa isang hindi ko kilalang bahay at kwarto. Nasaan na ba ako?

“Ariel?” tawag ko sa best friend ko.

Nakita ko ang isang babaeng pumasok sa kwarto. Kasing tangkad ko lang at mukhang ka–edad lang din. Sino kaya ito?

“Gising ka na pala. Nandoon yung kaibigan mo, kausap ni papa. Magpahinga ka muna, hindi pa tumatalab yung gamot na pinahid ko sa kamay mo. Saan mo ba nakuha yan?” tanong nito sa akin.

Tiningnan ko yung mga kamay ko at pati na rin yung palad ko. May sugat? Galing saan? Wala naman akong ginawa? Unti unting bumabalik sa akin lahat ng nangyari kanina. Masakit yung ulo ko.

“Sabi ko naman sayo eh, wag ka munang tumayo. Kung hindi ka komportable sa akin. Magpapakilala muna ako. Ako nga pala si Annabeth, healer ng group.” sabi nito.

“Healer ng group? Group ng ano at saan? Napagkakakitaan ba yan?” tanong ko.

“Madalas kasi yun lang pinapakilala ko. Nakakatawa ka naman. Hindi, isa siyang game that measures between life and death.” sabi ni Annabeth.

“Game? Saan ba to ginaganap? Para ba to sa estudyante ng Academy?” tanong ko.

“Nakakatawa ka talaga. Ito yung laro na sinasalihan ng mga batang ka–edad natin. Pero our abilities and charms needs to be harnessed first and prepare for battle. We have at least a year to prepare and this year yon. Have you heard about the Apollo Tournament?” tanong nito sa akin.

“The timespace battle? Yon ba yon?” tanong ko.

“Parang ganun na nga rin yon. Apollo Tournament ang tawag don.” sabi nito.

“Ay. Pasensya ka na. Hindi ko kasi natapos yung pag–aaral ko. Isang taon na lang naman yon. Naging dahilan non ay dahil sa sakit ko. Mabilis akong mawalan ng malay sa laban. Miski sugatan ako. Kaya nga kung lagi na lang napapano si Ariel dahil sa akin, eh.” sabi ko.

“Ganun ba? Close kayo no? Kapatid mo ba siya?” tanong niya.

“Hindi. Sabay lang kami lumaki. Best friend ko siya.” sagot ko.

Tumango naman ito inabot sa akin ang isang transparent na baso na may green na likido sa loob. Nagtataka man, ang sabi niya sa akin ay gamot daw ito. Inumin ko daw para gumaling yung sugat ko. Saan ko nga ba nakuha yung sugat ko?

Ang huling natatandaan ko is nanghihingi ako ng trabaho sa panadera na gumagawa ng pinakamasarap na tinapay na binibili ng mga nag–alaga sa akin. Kaso sinabuyan ako ng arina na may tubig. Pero pagkatapos nun, wala na akong maalala.

“Crescent. Gising ka na pala. Sumama ka sa akin.” sabi ni Ariel.

Saan naman kaya kami pupunta? Dinala niya ako sa garden na malawak sa gilid ng bahay na pinagpahingahangan namin. Nakita ko ang taong nakaupo sa isa sa mga cottages. Nakaformal na damit.

“Mr. Tyler ito po si Crescent Hellish. Matalik na kaibigan ko.” pagpapakilala sa akin ni Ariel.

“I know. Salamat, Mr. Gitts.” sagot ni Mr. Tyler.

“May proposal ako para sainyong dalawa. Although sinabi ko na ito kay Ariel. Kayo ang napabilang ngayong taon sa mga youth na hinahanap ng Academy para sa pag–aralin.” sabi ni Mr. Tyler.

“What do you mean po?” tanong ko.

Tumingin ito kay Ariel at ngumiti. Si Ariel naman bumuntong hininga lang.

“Sa Celestial Academy tayo mag–aaral.” sabi ni Ariel.

“Really?!” sabi ko. With widening eyes pa. Napa face palm na lang si Ariel sa reaksyon ko.

Tumawa si Mr. Tyler. He looks very amused thinking that we are like siblings.

“So it's settled then? Tonight is when we leave. Please rest.” sabi nito.

“Mr. Tyler?” sabi ko.

Lumingon ito at napa–pause sa paglalakad. Tumingin ako sa kanya sa niyakap siya.

“Salamat po. Maraming salamat po.” sabi ko. Tapos kumalas na ako sa pagkakayakap.

“Walang anuman. Tara na dito sa loob. Magpahinga ka na.” sabi nito. Tumango naman ako at hinatak ko na ang kamay ni Ariel.







A R I E L



Nakapasok na ako sa loob ng bahay nila. Nakita ko ang kwarto naming dalawa ni Crescent. Hindi maipagkakaila na sobrang lawak ng loob nito kung titignan mula sa labas.

“Si Io, ang nagsabi sa tatay mo, kay Headmaster rather. Na wag ka nang ipasok sa Academy. Dahil for sure you have forgotten the promise a long time ago. He envied you. I'm sure you know why.” sabi ni Mr. Tyler.

Nagulat ako sa pagsulpot ni Mr. Tyler sa kwarto namin. Buti na lang nasa labas si Crescent, kasama ang healer na anak ni Mr. Tyler na si Annabeth.

“Did I scare you? Sorry, ganito lang talaga ako.” sabi nito.

“Hindi naman po. Pero hindi ko ho kasi alam kung bakit naiinggit sakin si Io. Buong huhay niya kasama niya ang tatay namin. Laki sa luho nga siya. May sariling bahay. Samantlang, ako nasa bayan. Pakalat–kalat, sakin pa siya nainggit?” sabi ko.

“Naiinggit siya sayo dahil una, ikaw parin ang hinahanap ng headmaster. Magkaiba nga kayo ng ina pero magkasama kayong lumaki. Until the accident happened. Your father is too much to be seen as vulnerable that time. Si Io na lang lagi niyang nakikita, minsan isang maling gawin lang ni Io, pinapagalitan niya agad ito.” paliwanag ni Mr. Tyler.

Nabigla ako sa narinig ko. Pinagbubuhatan niya ng kamay si Io? Kaya ba tuwing bumibisita sa bayan ang mga eatudyante ng Academy na kasama si Io. Eh nagdadala ito ng pagkain sa bahay tapos ay aalis na? Kaya ba ganun na lang ang trato niya sa akin? Dahil dito? Sinisisi niya ako kung bakit naging ganun ang Headmaster? Bullshit excuse!

“At ang pangalawang rason ay si Crescent.” sabi nito.

“Bakit si Crescent?” tanong ko.

“May nakapagsabi sa akin nung inaayos namin ang papeles niyong magkaibigan ay laging namamataan si Io na naka civilian at pupuntahan ka sa bahay niyo. Sa tingin ko para siguraduhing buhay ka pa. I guess it has something to do with your ability. Na tatalunin ka pa niya paglaki niya.” sabi nito.

“Ang sabi ng taong nakakita kay Io ay madalas daw niyang ginagawan ng paraan para hindi mapahamak si Crescent. Isang bagay na sa tingin ko, ay nahulog ang kapatid mo sa kanya. To the looks of it, mukhang nahulog kayo sa iisang tao.” sabi ni Mr. Tyler.

“Whatever. Hindi kawalan sa akin ang gustong gawin ni Io. Kung gusto niya si Crescent, fine. Pero tingnan ko lang kung mahalin din siya nito. Basta hindi niya sasaktan ang best friend ko, hindi ko siya papatayin.” sabi ko dahil sa sobrang pagkainis ko.

“Hindi naman siguro hahantong yan sa ganyan. But please take a rest. First thing tomorrow magsisimula na kayo. Naipaliwanag ko na naman sayo lahat. Sasabay ka kay Paul mamayang gabi. At si Crescent naman kay Annabeth. See you later.” sabi ni Mr. Tyler.

“Salamat po. Pasensya na kanina. Sige ho.” sagot ko.



“Mag–iingat ka sana kay Io.” sabi nito.
***

Ano kayang ibig sabihin ni Mr. Tyler sa sinabi niya?

PS.
Mejo familiar? Yes, I was trying to link it to those two stories. But of course, hindi katulad na katulad nito. Since inspired me, so gagawin ko talaga! Haha! Lol!

Keep voting and shoot your comments! Thanks much!

@charismaticegg

Celestial AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon