Chapter 8: Hunters

217 12 5
                                    

Chapter 8: Hunters



Nakipagpalit si Annabeth ng upuan kay Io. Hindi alam ni Crescent kung anong nangyari pero sa pagkakatingin niya kung anong meron sa tingin nito ay may clue na ito.



"Eto na yung juice mo, Annabeth." Sabi ni Axel sa inaakalang Annabeth.



"Ganyan na ba kalabo yung mata mo, bro?" Tanong ni Red.



Nakatingin lang si Axel kay Io. Nanglumingon ito, nagulat at tinapik ang likod nito.



"Ay. Sorry. Akala ko kasi si Annabeth. Nasaan na nga ba siya?" Tanong nito.



Hindi makapaniwala si Annabeth sa nakikita. Malabo-labo na ang mga mata ni Axel na dati naman ay hindi.



"Nasaan ba kasi yung salamin mo? Hindi mo na naman dinala?" Sumbat ni Io.



"Pasensya na kayo. Nakalimutan ko kasi kung saan ko dinala. I mean nilagay. Nakita niyo ba? Ang alam ko kasi ay, nadala at suot ko yon kanina." Sambit pa nito.



"Ahh. Axel, right?" Tanong ni Crescent.



Lahat sila sa table tumingin kay Crescent at nag-aantay ng susunod na sasabihin nito.



"Oo, ako nga. Bakit?" Tanong ni Axel.



"Yung salamin mo kasi.."



"Nakita mo? Saan?" Masayang tono nito.



"Ah eh, oo eh. Nasa ulo mo. Nilagay mo ata nung kumuha ka ng juice ni Annabeth??" Sagot ni Crescent.



Ilang segundo lang pagkalapag ng juice sa table ay kinapa nito ang ulo.



"Ah. Hah! Nanjan ka lang pala. Pasensya na kayo. Ganito talaga ako." Sabi nito sabay kamot sa ulo at sabay upo.








A N N A B E T H



Nakasalamin na siya? Dati hindi naman ah? Or baka naka-contacts lang siya kahapon or nung isang araw. Hindi ko na napansin ito kanina nung sa sobrang lapit namin sa isa't isa.



Toooototooooot! Tooooototooooo!



"Tinatawag na lahat tayo ng Headmaster sa loob ng Night Hall!" Sabi ng isang Head Boy na kanina pa pala nandoon.



"Tunog yon ng trumpeta. Tara na, baka mawalan tayo ng upuan." Sabi ko. Hintak ko agad si Crescent.



"T-Teka, Annabeth! Ano bang ikinamamadali mo? May iniiwasan ka ba?" Tanong ni Crescent.



"Pasensya ka na, Crescent. Ayoko lang kasi na nakakasalumuha si Axel sa ngayon. Ramdam kong tinatraydor ako ng puso ko. I'll tell you all the story after this event. Tara na." Sabi ko.



"Okay." Sabi ni Crescent.



"Salamat, kaibigan talaga kita. Tara na?" Tanong ko.



Tumango agad ito. Nilakbay namin agad ang Night Hall kung saan karamihan ng mga estudyante nasa kani-kanilang batch na.








C R E S C E N T



Tinahak namin ni Annabeth ang Night Hall. Nakita ko ang sarili kong naglalakad sa isang sobrang lawak na hall kung saan ang nasa gitna ng dadaanan mo ay isang Red Carpet. Mukhang pinaghandaan talaga nito.



"Annabeth! Crescent!" Tawag naman ni Ally at Alice sa amin.



"Ang bilis niyo naman maglakad!" Sigaw ni Ally.



Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 25, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Celestial AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon