Chapter 7: Seal in a Bottle

112 6 0
                                    

Chapter 7: Seal in a bottle


C R E S C E N T

Ano kayang meron sa araw na to? Bakit ang daming banderitas dito sa hall? Nga pala, ngayong araw pupunta sila Principal Rhea sa Palladia? Kubg aalis ang Principal kasama ang isa sa mga Headmaster, para saan ang mga desenyong ito?


Kumuha na ako ng damit na maisusot. Dahil regular day ngayon. I mean walang pasok. Ayon sa schedule ko, walang klase. Hindi naman nakasulat dito kung anong merong activity today.


Matapos akong magbihis ay umupo ako sa may sofa, nagbasa ng isang history book tungkol sa bayan namin at tungkol sa Academy. Magbabakasakali akong may magsasabi dito kung anong meron ngayon araw na to.


Ayon sa librong ito, may isang magandang prinsesa ang may kaarawan ngayon na dapat ay ipinagdidiwang. Ngunit, simula nang mawala ito itinigil na ng hari at reyna na ipagdiwang, dahil nawalan na sila ng pag-asang babalik pa ito. Kasabay ng kaarawan ng prinsesa ang anibersaryo ng isa sa mga kapangyarihang natamo ng isa sa mga estudyante dito.


Nung nasa laban ang ina nito sa Apollo Tournament, bawat mamamatay na ina o ama ng isang bagong silang na sanggol ang magkakamit ng itinatagong kapangyarihan nito na ipapasa sa anak nito.


Ito ang celebration kung saan nakuha na ng isang estudyante ang tagong kapangyarihan nito. Ang Seal in a Bottle.


Isang kapangyarihan na kayang patigilin ang dapat patigilin. Kayang isara ang dapat isara at kayang kumuha ng kapangyarihan maliban sa isang tao na nagtataglay ng isang malakas at matinding kapangyarihan. Ang Celestial User.


So ano ba talaga ang ipinagdidiwang ngayon? Ang kaarawan ng nawawalng prinsesa o ang pag-buo at pag master ng kapangyarihan na Seal in a Bottle?


Isang katok ang aking narinig. "Crescent?" Si Annabeth pala.


"Pasok ka, Annabeth. Nandito ako sa sofa." Sabi ko.


Tumuloy ito at isinara ang pinto. "Anong ginagawa mo?" Tanong nito.


"Nagbabasa. Biyernes ngayon at nagtataka lang naman ako bakit walang pasok. Wala kasing nasabi sa schedule ko kung bakit."


"Ay, yon ba? Ipinagdiriwang ngayon ang kapangyarihan ni Io na nakuha niya mula sa kanyang yumaong ina. Ang Seal in a Bottle." Sabi ni Annabeth.


"Si Io ang eatudyanteng tinutukoy dito sa libro?" Tanong ko.


"Oo siya nga bakit?"


"Wala lang. Nga pala, matanong ko lang. Bakit tinawag na Seal in a Bottle?" Tanong ko.


"Two properties in one power. Secret Seal and Scroll in a bottle. Dalawang kapangyarihan na namaster ni Io. Kaya lang may tulong mula sa isang Light Keeper. Ang task nito ay palakasin ang isa sa mga properties na meron si Io. Which the Scroll in bottle. It means ang kanyang Water Charm. Dahil ang Secret Seal kayang gawin ni Io dahil sa may isa pa siyang Charm na nailabas a few months ago." Sabi ni Annabeth.


"Ganun ba? Eh ano namang yung isang charm na yon?" Tanong ko.


"Lumination." Sagot ni Annabeth.


"Lumination? May ganun bang charm?"


"Ang lumination ay ginagamit sa paggawa ng isang Seal. Makikita mo lang ito kapag walang niisang liwanag na nakapaligid sayo. Ginagamit nito ang shadow ng isang tao o bagay at kaya nitong mapasunod ang isang bagay o tao sa gusto ng host nito." Sagot nito.


Celestial AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon