Kabanata 7

1.2K 37 4
                                    

I'm having a serious writer's block kaya matatagalan po ang mga UDs ko ngayon. Thanks for understanding.

----------------------

Kabanata 7

"Reservation for Criselda Valderama, please." Sabi ko sa babaeng waiter. Ngumiti siya sa akin at sinamahan ako sa lugar na pina-reserve ni Mama para sa amin ni Zion. Hindi maalis ang ngisi sa mukha ko, at lalo lang iyong lumawak nang makita kong ilang kalalakihan ang may paghangang tumingin sa direksyon ko, habang ilang kababaihan ang mukhang insecure na sinisipat kung may mali ba sa akin – na alam kong wala, because I'm perfect, visually nga lang dahil napaka-imperpekto ng ugali ko.

Naupo ako sa isang pabilog na couch, the whole restaurant is cozy, kakaunti ang tao kaya hindi stressful ang ambiance, at nakakamangha ang live na pagluluto ng mga chef sa harap, my place was near the railing, hindi kalayuan sa pinupwestuhan ng mga chefs, kaya hindi ko maiwasang mapatitig at mamangha sa napaka-propesyunal at flawless nilang pagkilos sa kusina, it's as if they're not cooking. They make cooking so easy, lalo tuloy akong na-motivate na mag-aral magluto.

May dumating na waiter at tinanong ako kung gusto kong i-serve na ang pagkaing nakahanda para sa amin, I declined because I'm still waiting for Zion, who is awfully late – I must say. Ako pa ang nauna sa kanyang dumating and its already five pass two PM. What happened to "chivalry", or if not, "respect to your date" man lang.

Five minutes of waiting is fine, ten minutes, I'm feeling a little bit irritated, and an hour of waiting really pisses me off, and that's what I feel towards Zion. I'm so pissed at him. An hour and a half na akong naghihintay sa kanya, miski anino niya ay hindi ko natanaw sa entrance ng restaurant. I look so stupid; it's obvious that he's ditching me.

But I'll wait for another thirty minutes. Kapag wala pa siya? I'm really forgetting that he existed!

Another thirty minutes passed and still no sign of Zion. I called the waiter and asked for my bill.

"Uhh, ma'am, wala naman po kasi kayo—"

"Give us your best steak, and a bottle of Syrah, thanks." Napasandal ako sa kinauupuan ko at kunot noong tinitigan ang lalaking basta-basta na lang umupo sa harap ko at um-order ng kung ano. Umalis na ang waiter kaya naiwan kaming dalawa, pinag-krus ko ang binti ko at inirapan siya, habang ngising ngisi siya sa harap ko at may malokong titig sa akin.

"Who the hell are you?" I dare asked. Nawala ang ngisi sa labi niya at napalitan ng ngiti, pero hindi nawawala ang kapilyuhan sa mga ito. His features just screams naughtiness, lalo na ang kulay brown niyang mata, that I can't help but admire, lalo na ang long lashes niya.

Nilahad niya ang kamay niya. "Arsen Ibarra, you are?"

"What kind of a name is that?" Arsen? Ang bantot. At Ibarra raw ang apelyido niya. Napakapanget naman ng pangalan, kaapelyido pa niya ang karakter sa libro ni Rizal.

"I've been asking my parents that too. Anyway, I've been watching you at mukhang hindi na darating ang date mo, so I wanted to ask you... Can you blow my whistle, baby?" Napanganga ako habang siya namna ay tuwang tuwa sa joke niyang kahit saan anggulo ay hindi ko makitang nakakatawa.

"Excuse me?" Nakahawak ang isa niyang kamay sa tyan habang nakatapat sa kain ang isa pa, hingal na hingal siya kakatawa sa joke niya, pinagtitinginan na rin kami ng iba pang tao na nandito.

"Sorry, it was just a joke, hindi nga lang iyong parte na sinabi kong kanina pa kita pinapanood. You look like a devil while frowning on your seat." Tumaas ang kilay.

Fix A HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon