Kabanata 8

1.2K 41 0
                                    

Thanks for waiting. :)

----------------------------

Kabanata 8

I got off from my car and opened the gate of my house. Wala kasi si Mimay dahil hinayaan ko muna itong umuwi ng probinsya nila dahil sa may sakit ang kanyang nanay and I'm still not sure when she will come back dahil ang sabi ko sa kanya ay bumalik na lang siya kung maayos na ang lagay ng Nanay niya. I can manage it myself naman, besides, mas madalas naman ako ngayon sa opisina because my father appointed me as the new Manager of our hotel -- The Empire.

Bumalik ako sa sasakyan at maingat na minaneho papasok nang garahe, when I'm sure that my parking is alright ay pinatay ko na ang makina at kinuha ang gamit ko sa shotgun seat at bumaba na. I turn on the alarm of my car. Ilang hakbang pa lang ang nagagawa ko papunta sa gate para sana isara ito nang may maliwanag na ilaw ang tumapat sa akin, Pinantakip ko sa mata ang bag ko at pilit na tinanaw kung sino ang dumating, but itwas impossible o see who it is because the light blinded me, nang mamatay naman ang ilaw ay kinailangan pa ng ilang segundo bago luminaw ang paningin ko,. Noong una ay figure pa lang ng isang lalaki ang nakikita ko hanggang sa unti-unting lumilinaw ang paningin ko and took me a couple of minutes to get back to my senses.

The freaking asshole is in front of me. Otherwise called as Zion Angeles or aka Zion Frantz.


Taas kilay at nakapamewang akong tinignan siya. "What are you doing here?"

"Visiting you. You've been calling and texting me, nakulitan na ako kaya, eto, nandito na ako. Didn't you miss me?"

Kumunot ang noo ko at nag-iwas ng tingin. "Na-pocket dial at na-wrong send lang ako sa'yo. H'wag kang assuming. Umalis ka na, panira ka ng magandang gabi."

"Huh... Did you enjoy your time with that Arsen guy? Whatever his name is."

"As a matter of fact, I did, so can you please leave my property or I will call the police." Sinara ko na ang gate at tumuloy na sa loob ng bahay. Nanatili ako sa tapat nang nakasarang pinto hanggang sa marinig ko ang papaalis nang sasakyan ni Zion.


I went straight to my room at parang ahas na inalis ang sapatos at damit ko, kumuha ako ng damit sa closet at nagpalit na into pjs. Kumuha ako ng wet wipes sa may tokador ko at magaang dinampi iyon sa mukha ko para maalis ang aking make-up. Nakaupo ako sa aking kama nang nakangisi dahil sa tuwa, apektado si Zion. Napaka-pabebe lang talaga, kalalaking tao pero nag-iinarte.

Pumunta ako sa CR at naghilamos at toothbrush na. I'm so tired. Dumiretso ako sa kama at halos ihagis na ang sarili ko pahiga. I grab my night cap at nasimula nang magbilang ng mga tupa.


I woke up the next mornig thirty minutes before my alarm. Masakit pa nga ang ulo ko dahil sa kulang ako sa tulog pero hindi na ako natulog pa ulit dahil baka ma-late ako sa opisina. Mabilis na kumain at nagkape ako bago maligo, it took me an hour and half para makapaghanda papasok.

Nilagay ko ang mga susi sa bag ko atdi-nouble check kung nadala ko ang mga dapat kong dalhin bago lumabas ng bahay, pinatunog ko na ang kotse ko nang makita ko si Zion na nakasandal sa may gatepost ng bahay ko at may hawak na paper bag ng McDonalds.


"What are you doing here?" Bigla siyang umayos ng tayo bago tuluyang tumingin sa akin, inangat niya ang hawak na paper bag at pagkatamis tamis na ngumiti sa akin. Magkadiabete sana siya sa ngiti niya.

"Breakfast?"

"No," mabilis kong sagot at pumunta na sa sasakyan ko and just my luck, flat ang gulong.

Fix A HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon