Kabanata 2
"Yes, Ma. Mga two weeks pa ako makakabalik ng Manila. May importante pa po kasi akong ginagawa dito." Sagot ko sa aking Ina sa kabilang linya habang pinaglalaruan ang bunganga ng tea cup sa tapat ko.
Nandito kami ngayon ni Zion sa isang bahay kubo malapit sa beach, matapos ang nangyari kanina ay pinagpahinga niya ako. Buong araw din akong tulog at nagising na lang ako ay ala-singko na ng hapon. At pagkagising ko ay mamatay-matay ako sa kaba dahil may halos limampung missed calls sa akin si Mama. Aba, nakakakaba kaya kapag ganito si Mama. It's either may maganda siyang sasabihin o maghapong sermon ang mangyayari.
Buti na lang ay hindi gaanong kahaba ang panenermon niya. Nag-alala lang daw siya sa akin.
"Okay, honey. Basta, always text me. You got me worried. And yung meeting mo kay Mr. Frantz, I'll schedule it on the fourth next month, okay?" Napairap na lang ako sa hangin dahil sa pangungulit ni Mama.
"Opo, opo. Kung hindi lang kita mahal, Mama, eh. Osige po, I'll text you later. Ingat kayo ni Papa diyan. I love you." Lumikha pa ako ng tunog ng paghalik bago binaba ang telepono.
Pagod na umupo ako sa tabi ni Zion na kasalukuyang may kinakalikot sa kanyang tablet. Pasimpleng sinilip ko iyon at nakita kong may sinasagot siyang mga e-mail. Hindi ko na nabasa pa ng lubos ang mail para malaman kung tungkol saan ang ginagawa niya dahil na-send na niya ang message at mabilis na sinarado ito.
"What do you want to do?" I looked away at nagpanggap na may tinatanaw mula sa malayo, I let five seconds to pass bago lumingon sa kanya at nag-shrug.
"I don't know. I want to take a rest," tipid na sagot ko sa kanya at sumandal sa inuupuan namin. Ginaya niya ang ginawa ko at pinatong sa kanyang hita ang tablet na hawak.
"Gusto mong mag-jetski?" He ask. Umiling ako. I'm not in the mood. "Let's go."
Tumayo siya at nilahad ang kamay sa akin. Tumaas ang kilay ko. "Umiling na ako diba?"
"Alam ko. But I don't take no as an answer." Inirapan ko siya at tumayo na din. Tinanggap ko ang kamay niya at inalalayan niya ako pababa ng kubo.
"Ano pang use ng pagtatanong mo? Magpapalit muna ako sa villa." Tumawa siya at inakbayan ako. Sumimangot lang ako at hinayaan siya.
Pagdating sa villa ay dumiretso agad ako sa banyo upang maligo at nagsuot ng isang pulang bikini, imbis na ang itim na sheer dress ang ginamit ko pantakip sa aking katawan ay isang simpleng kulay puting bohemian style na sheer top ang sinuot ko, umabot lang ito hanggang sa kalahati ng binti ko.
Hinintay ko ang natural kong kulot na buhok na matuyo at hinayaan iyong lumaylay lang sa aking balikat. I wore my sunnies and texted Zion to pick me up. Wala pang sampung minuto nang magtext siya sa akin na nasa labas na siya ng villa.
If I know, kanina pa talaga siya nandiyan at hinihintay ako. Hindi ako assumera, madali lang talagang basahin ang kilos ng mga lalaki. In love or not; heartbroken or not. Iisa pa din ang umiikot sa isip niyang mga 'yan.
Pagkalabas ng villa ay napasinghap ako nang makita si Zion.
BINABASA MO ANG
Fix A Heart
Genç Kız EdebiyatıWhere do broken hearts go? Nagbabakasyon. Matapos sunugin ang lahat ng litrato, birthday gift, anniversary gift ng Ex ay pupunta sa beach para makalimot t mag-move one. But the moving on vacation Clarity expected turned into disaster. Akalain mo nam...