Kabanata 5

1.3K 40 1
                                    

JhasMean: This will be my last update this year. I'm gonna enjoy the yuletide season. Hahaha!

------------------------------------------------------------------------------------------------------

Kabanata 5

"You didn't do anything wrong. Ako ang may problema." Napanganga ako sa sinagot niya at hindi ko napigilan ang kamay kong hampasin siya sa balikat.

"Tangina naman! Gasgas na 'yang linya na 'yan. Wala na bang bago?" Muli ko siyang hinampas sa braso, dumadaing siya ngunit hindi niya naman iniwasan ang mga pagpalo ko sa kanya, he accepted it all. Dapat lang dahil wala pa iyan sa sakit na naramdaman ko nitong nakaraang linggo. Tinigil ko na ang pamamalo sa kanya nang mangalay na ako, napasapo pa ako sa dibdib ko dahil hiningal ako doon. I glare at him.

"I'm sorry, iyon lang ang naisip ko." Muli ko siyang hinampas, he caught my hand. "I was the problem, Clary, because I kept looking for more. Mahal kita, oo, pero may hinahanap pa rin ako and when I met Miles, I've found it. Sinubukan ko naman, eh. Na pigilan kasi ayaw kitang masaktan, but when she told me she love me, hindi ko kayang hindi tanggapin, hindi ko kayang hindi suklian."

"Bakit, hindi mo na ba ako mahal?" I asked, almost pleading at galit na galit ako sa sarili ko dahil sa tono ng pagtatanong ko. I sounded so desperate, narinig ko na naman tuloy sa isip ko ang sinabi ni Zion kanina.

"Mahal kita. Mahal pa rin kita, pero si Miles... it's different." Marahang pinisil niya ang kamay ko. "Pwede namang ikaw. Pwedeng ikaw ang piliin ko but I don't want to be unfair to you dahil alam kong kapag ikaw ang pinili ko, hindi ako magiging masaya at matatapos tayo na nagkakasakitan."

"Mukha bang hindi ako nasaktan ngayon? Do I look happy now?"

"No, but it will save you from getting hurt more." Tumayo ako at ginulo ang aking buhok sa sobrang frustration.

"Anong "less" sa sakit na naramdaman ko? Wala, Sil. If you stayed with me, I wou—"

"If I stay with you... I'll ask you to marry me, we're going to have a family, pero may hahanapin pa rin ako. May kulang pa rin, I won't be happy; you'll end up miserable because I will blame you for not making me happy. We'll ruin each other if we continue our relationship dahil may ibang hinahanap ang isa sa atin. Mahal kita, Clarity. Ikaw ang first love ko, ikaw ang babaeng pinag-alayan ko ng lahat ng una sa buhay ko, at hindi ko kakayanin na magalit ako sa'yo kasi hindi ko pinili si Miles." Naramdaman ko ang kamay niya sa braso ko, inikot niya ako at hinawakan sa magkabilang balikat – like he always do kapag may bagay siyang gustong sabihin sa akin, kapag may gusto siyang ipaintindi sa akin. "I hope you understand that I'm not only doing this for myself, it's also for you, Clarity."

Hinatak niya ako at niyakap ng mahigpit, hinaplos niya rin ang aking buhok katulad ng ginagawa niya tuwing may problema ako. It's his way of saying that everything will be okay. I hugged him back at sinubsob ang mukha ko sa kanyang dibdib.

"Alam niya bang allergic ka sa peanuts?"

"Yes, when she accidentally gave me a chocolate with peanuts." Tumawa ako, lalo kong hinigpitan ang pagyakap sa kanya.

"Are her boobs fake?" Humalakhak siya sa tanong ko.

"No, Clary."

"They look fake." Muli siyang tumawa tapos ay hinalikan ako sa noo.

I hate that he hurt me, pero kahit anong mangyari, kahit magalit ako sa kanya, after several years alam kong mapapatawad ko siya dahil hindi ko lang naman boyfriend si Sil, he's also my best friend. I've known him for almost half of my life, and that made the moving on process harder because I see him in everything around me. I see him at the beach, my car, my house. Everywhere. Siya kasi ang kasama ko sa lahat ng una sa buhay ko, my first prom, my first out of town, my first out of the country. Mahirap kalimutan ang taong nakasama mo sa halos lahat ng lugar na puntahan mo, dahil bawat sulok ng lugar na iyon ay gumawa kayo ng magagandang alaala.

Fix A HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon