Happy new year, everyone! :)
---------------------------------------
Kabanata 6
Zion left after he said those words. Hindi na niya ako hinintay na makapagsalita pa. I tried calling his number but he's not answering it. I checked him in his villa but he's not there, kaya tinanong ko sa receptionist kung nasa resort pa siya. He checked out. May iniwan lang daw siyang note para sa akin tungkol sa sasakyan, sinabi niya na siya na lang ang makikipag-cooperate sa pinagpapagawan.
I spent the rest of my days here at my resort alone. Tinawagan ko ang talyer kung saan ko pinagawa ang sasakyan. Malapit na raw maayos ang sasakyan. Sinabihan ko naman sila na kapag kukunin na iyon ni Zion ay sabihin nila sa akin. I need to talk to him.
"Clary, are you listening to me?" Called my friend Rosie. Umirap ako at pinakinggan ang walang katapusang pagkukwento niya tungkol sa target niyang lalaki ngayon na si Elias Victorino, isang bagong modelo sa agency nila.
"Hindi na ako magugulat kung magka-AIDS ka sa pinaggagawa mong 'yan." Inirapan niya ako at humigop sa straw ng juice niya. Nasa bahay niya kami ngayon at hinihintay ang isa pa naming kaibigan na si Joanne, nagplano kasi silang dalawa na mag-bonding kaming tatlo since it's been almost three months since we had a timewith each other. Wala naman daw kasing photoshoot si Rosie, si Joanne naman ay may isang linggong stay dito sa Manila dahil tapos na ang art exhibit niya sa Singapore, at ako naman ay single na raw kaya libre na ang mga araw ko. "Napakatagal talaga ni Joanne."
"Baka nag-jugjugan sila ng boyfriend niya. Two weeks din silang hindi nagkita, eh." Binato ko siya ng tissue.
"Napakadumi ng bibig mo." Saway ko.
"Wow, at ang linis ng sa'yo? Anyway, hindi ka pa rin nagkukwento tungkol sa nangyari sa Subic at bakit hindi ka pa rin hinuhuli ng pulis?" Tumawa pa siya sa joke, kaya muli ko siyang binato ng tissue.
"Nag-usap na kami ni Sil, we're good, at hindi raw fake ang boobs ni Miles." Sumimangot siya.
"Fake 'yun 'no! How can a boob be that big and real? Malamang ay magaling lang pinagpagawan niya." Kahit ilang beses kong sabihin na totoo naman 'yun ay hindi pa rin siya naniniwala. Ang sabi kasi nila, if a man tells that a boob is real, then it is. Wala namang ibang ume-examine diyan kung hindi sila lang. "Bakit mo ba siya pinagtatanggol? Diba, karibal mo siya. I'm your friend, dapat sa akin ka maniwala. Fake 'yun."
"Para kang tanga." Bumungisngis pa siya ng tawa.
Thirty minutes later nang dumating si Joanne. We just talked. Katulad ng ginagawa naming noong college kami kapag may free time kaming tatlo. We went to the mall, watch a movie and shop. The three of us are so opposite, masyado akong prangka at maarte. Joanne is the reserved one pero may pagkalandi rin 'yan, lalo na sa boyfriend niya. Habang si Rosie ang ubod ng landi sa amin, hindi natatapos ang taon na hindi siya nagkaka-boyfriend, at ang pinakamahabang relationship na napasok niya ay apat na buwan. But there is one thing that we all like, shopping and judging other people.
"'Yuck, she's so ugly." Puna ni Rosie sa babaeng dumaan sa tapat ng coffee shop. Nasa bandang window kami at kitang kita naming ang mga dumadaan sa loob ng mall. Ang babaeng tinutukoy niya ay mataba at nakasalamin.
"Wala lang pera'ng pampaganda. She's beautiful, mataba nga lang at mukhang mahirap." Joanne said.
"Both. Mahirap na panget." Panlalait ko naman. Inirapan nila ako at 'tsaka naming pinagpatuloy ang panlalait sa bawat taong nakikita namin.
Naglalakad kami sa loob ng mall, pampalipas oras lang. Hawak hawak ko ang tatlong chanel paper bag sa kamay ko at dalawang charriol paper bag na may lamang relo at bracelet nang may mahagip ang mata ko na isang lalaking kalalabas lang ng isang restaurant. Hindi ako pwedeng magkamali, it was Zion. Hinatak ko ang dalawa kong kaibigan papunta sa alley papuntang restroom at sinilip si Zion. Akala ko ay mag-isa lang siya pero kasama niya si Leia. Are they back together?
BINABASA MO ANG
Fix A Heart
ChickLitWhere do broken hearts go? Nagbabakasyon. Matapos sunugin ang lahat ng litrato, birthday gift, anniversary gift ng Ex ay pupunta sa beach para makalimot t mag-move one. But the moving on vacation Clarity expected turned into disaster. Akalain mo nam...