Chapter 3: Is There A Chance?

22 2 1
                                    

Franz POV

Bakit parang sadyang napakaliit ng mundo para sa aming dalawa. Kanina lang eh hindi ko sya kasama, hindi ko din maaninag ang kanyang mukha sa buong library na ami'y kinalalagyan.

Tapos, ngayon bigla na lang sya nasa harapan ko. Narinig pa niya ng buong buo ang mga sinabi ko. Hindi ko masabi kung nasiyahan ba sya sa narinig niya o nabad trip sya.

Kaya ako ito naging istatwa, hindi makagalaw at hindi makapagsalita. Ito pa, ngayon naglalakad sya palapit sa akin; hindi ko alam ang kanyang gagawin. Sasampalin ba ako o ako ay kanyang yayakapin.

Nakaka-inis ang ganito. Wala kang ideya sa susunod na mangyayari. Sana kung may time machine lang. Ang gagawin ko, ibabalik ko ang oras para bawiin ang aking mga sinabi o magiging mas dahan dahan sa aking sasabihin. Kung hindi naman fast forward na lang siguro para kaagad akong makaalis sa kinaroroonan ko.

Nakakainis ang ganito!!!

End of Franz POV


Ito nga, si Shaira ay palapit sa kinaroroonan ni Franz. At biglang, walang pag-a-atubili, niyakap ang kanyang kaklase at taong nagkakagusto sa kanya.

Shaira: Totoo ba ang lahat ng sinabi mo?

Franz: Ah? Eh?

Kaycee: Ayan ka na naman eh, nau-utal  ka na lang palagi pag siya na kaharap mo.

Wendy: Oo palagi syang ganyan.

Grace: Chance mo na yan!!

Gail: Sabihin mo na lahat ng nilalaman ng puso mo.

Veronica: Oo push mo na!

Biglang lumapit ang librarian sa kanila at,

Librarian: Mga anak, hindi ito motel, hindi din ito park o kaya restaurant. Library ito. Kaya kung magyayakapan kayo o magti-tinginan lang dyan. Lumabas na kayo.

Dali-daling kumalas si Franz sa pagkakayakap kay Shaira.

Franz: ay, mam pasensya na po.

Shaira: Opo ma'am sorry.

Librarian: Sige.

Shaira POV

Hindi ko alam bakit, ganto yung ginawa ko. Niyakap ko sya! Shit.. Pero nung narinig ko mula sa kanya ang mga katagang patungkol sa akin eh. Tuluyan lumambot ang aking puso. Naging masaya at bumilis ang pintig ng aking puso.

Ito nga, niyakap ko sya. Napagsabihan pa kami sa librarian. Datapwat, nung akin iyon ay ginawa hindi ko naramdaman ang hiya. Naging komportable ako sa piling niya.

Pero alam ko hindi kami para sa isa't isa. Nararamdaman ko hindi kami magtatagal. Kaya ba ganito naiisip ko, dahil takot akong masaktan sya, at tuluyang lumayo sa akin?

Hindi ko alam, wala akong ideya. Ang nakakatuwa lang eh. Nung ako mismo ay narinig ang kanyang sinabi, bigla lang syang naging istatwa, hindi sya agad nakapagsalita.

Mahirap man mag assume, grabi sya kung magka-crush sa akin. Haha. Nauutal- utal pa siya nung ako ang kanyang kausap. Sana hindi ako nagkamali sa aking ginawa.

The Broken PromisesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon