Ito naiwan magisa si Shaira, nakatayo lang at patuloy pa din lumuluha.
Pinagta-tanto kung saan siya nagkamali, kung saan siya nagkulang at kung saan na parte niya ito minadali.Shaira POV
Nararamdaman ko na naman ang pakiramdam ng iniiwan at nasasaktan. Yung oras na kailangan mo ng taong makakausap para ibuhos lahat ng panghihinayang mo. Taong makakasama mo para makinig aa hinaing mo yun ang hinahanap ko.
Nung una, masaya pa ako nung nagkaroon na ako ng lakas na loob na sabihin sa kanya na, mahal ko siya at handa na akong tanggapin siya sa buhay ko. Kaso bakit biglang nawala ang lahat ng iyon sa isang iglap.
Tuluyan ng napalitan ang saya, kilig at pag-asa ng kalungkutan at pagkamuhi sa sarili. Ano ba ang rason bakit mas gusto niya na maging magkaibigan na lang kami.
Binigyang oras ko naman ang pagbibigay ng magandang desisyon tungkol sa bagay na ito. Ano ba ang nagawa ko na mali?
Bakit parang ngayon hindi niya na ako mahal. Hindi ko na talaga maintindihan. Kung kailan ko na siya minahal doon pa siya nawala.
Ganyan na lang ba parati mangyayari sa akin. Lahat ng mahal ko, patuloy na mawawala. Ano ba ito, dapat ba talaga mag-isa lang ako sa mundo.
Mag-isang tumatawa, mag-isang umiiyak. Tao pa din ako. Marunong mag-mahal at marunong din masaktan.
Hindi ako perpekto, minsan na akong umasa pero muli pa din akong nagmahal. Hindi ako natakot sumubok pang muli.
Subalit bakit ganito ang kinalabasan. Ako ay muling nasaktan. Iniwan na naman.
Pero, kahit anong gawin kong pagsisi sa sarili ko at pag-iyak dito.
Di Na Mababawi pa ang oras na lumipas. Ito na, wala na. Ayaw niya na. Sumuko na siya.
Nawala sa isang iglap ang lahat ng bagay.
End Of Shaira POV
Nawala ang lahat sa isang iglap. Pinunasan ni shaira ang kanyang mga luha, inayos ang sarili ng parang walang nangyari. Pumasok siya sa room nila ng walang imik.
Natapos ang buong araw ng walang pag-u-usap sa pagitan ni franz at shaira.
Tahimik ang lahat hanggang pag-uwi.Franz: Hay, ito sa wakas makakauwi na din. Kaso, paano siya.
Marami mga katanungan si franz sa kanyang sarili; kaso ay, wala din saysay kung kakausapin at tatanungin ng paulit-ulit ang kanyang sarili.
Bilang nagring ang kanyang cellphone at...
Riiiiiiinggggggg!!!!!
•On The Line•
Franz: Hello?
Veronica: Hoy, punta ka sa birthday ko ah. Sa January 17 pa naman eh
Franz: Sige.
Veronica: Siguraduhin mo lang. Dapat andun ka ha. Buong section natin andun, kaya dapat huwag ka mawawala.
Franz: Sige.
Beeeeep....
•End Of The Line•
BINABASA MO ANG
The Broken Promises
Dla nastolatkówAs Franz holds on. Cling to his instincts. How far he could do it for his one and true love.