Chapter 4: Should I...

18 2 0
                                    

Hindi lahat ng bagay namamadali.
Hindi lahat dumadating kung kailan natin gusto.
Hindi lahat ng bagay ay napapasa-atin

Minsan pa nga eh, kung kailan natin hindi inaasahan dun pa dumadating.
Madalas, ang hinihiling at ang kagustuhang mapasa atin ay napakalayo sa binibigay ng nasa taas.

Baka dahil na din sa mas maganda pa ang plano ni Lord kaysa sa inaasahan natin.

Inabot ng hating gabi si Shaira sa kai-isip sa pagbibigay ng chance kay Franz. Kung sapalagay niya ba ay nararapat lang na bigyan ng karapatan at oras na maka-panligaw ito.

Subalit, meron patuloy na gumagambala sa isipan niya. Natatakot siya sa kahahantungan nito. Hindi niya mawari ang paraan ng kanyang pag-iisip nung mga oras na iyon.

Dapat ba siya mag-alangan sa mga mangyayari kung magde-desisyon man sya na payagan itong manligaw. Natatakot sya sa kahihinatnan ng mga bagay. Iniisip niya kung ano ang mga magbabago.

Shaira POV

Handa na ba akong tanggapin sya?
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-

Sa oras na ito. Hindi ko pa masagot ang katanungan na naglalaro sa aking isipan.

Pero sapalagay ko, he deserve to stand a chance naman. Oo, mabait sya pero maingay. Maingay nga ba? Ay hindi masayahin lang talaga sya.

Matibay na tao, kaya niyang harapin ang mga bagay; na kahit nahihirapan na siya nagagawa niya pa din magpinta ng napaka-tamis na ngiti sa kanyang mga labi.

Cute, oo Haha. Ewan ko asset niya na ata yung mga dimples niya kada tumatawa siya.

(Tumawa at Napayakap sa Unan na asa tabi niya)

Ma-aruga, sa barkada hindi sya matahimik hangga't hindi nagiging ok ang may sakit sa amin.

Ma-alalahanin at Ma-unawain, binibigyan oras ang taong nangangailangan ng masasandalan at inu-unawa ang taong nag-iisa.

Paano ko pa ba sasabihin sa kanya ito. Papayagan ko na siya. Sinabi ko kanina wala, hindi pa ako handa.

Oo, sa totoo lang medyo fresh pa naman talaga ang mga nangyari. Pero kung magfo-focus lang ako dun. Hindi dadating yung point na makaka-move-on ako.

Sana bukas, magkaroon ako ng lakas para kausapin sya.

End of SHAIRA POV

Ano nga ba talaga ang tumatakbo sa isipan ni Shaira. Samantalang si Franz ay nalugmok lamang sa kanyang kwarto patuloy na lumuluha at dinidibdib ang sakit.

Kina-umagahan....

Franz: Aba medyo maaga akong nagising ngayon ah. Pero tinatamad na man ako pumasok.

....................... (>_<)

Franz: (kausap ang sarili) Ano ba! Franz, walang mangyayari kung mag-lu-lugmok lang ako dito. Tanggapin mo na. Wala talaga. Walang chance ni-konti.
Kaysa isipin ko ito, maghahanda nalang ako. Papasok pa ako.


Habang sya ay naliligo at maghahanda sa pagpasok sa school, patuloy na nababagabag at tumatakbo sa kanyang isip na. Wala na nga ba talaga? Huli na ba ang lahat.

Samantala, si Shaira naman ay naga-ayos na. Hindi siya nagatubiling nagtext kay franz.

*Text Message*
Shaira: Uy, yung kagabi. Ah, wag mong dibdibin yun. Ah, sensya talaga sa mga nasabi ko sayo. Eh, nabigla lang ako. Paano ko ba sasabihin ito, sana, ah walang magbabago. Friends diba?
*Text Message*

The Broken PromisesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon