chapter 5

6 0 0
                                    

Habang papunta ako sa room ko may narinig na naman akong bulungan
"Ang landi talaga ng babaeng yan"

"Kaya nga eh nilalandi niya si skye tapos kanina kasabay niya si jeyonn, malandi talaga"

Hindi ko nalang pinansin papasok na sana ako ng biglang may humarang sa akin
"So? Si jeyonn naman ang nilalandi mo ngayon?" sabi ni ms. Foundation. Hindi ko siya pinansin at akmang maglalakad na sana ako ng bigla niyang hablutin ang buhok ko. "Ikaw ha! Bago ka lang dito pero ang landi landi mo na!" Galit na sabi niya sakin. Nakita kami ni miss cruz at lalapit na sana siya pero pasimpleng umiling ako. "Hindi mo ba ako kilala? Ha? Ako ang queen dito kaya wag na wag mo akong susubukan akin lang si skye at si jeyonn" at hinigpitan pa niya ang pagkakasabunot sa akin "at sa tingin mo magugustuhan ka nila? Look at yourself babaeng nakatira sa iskwater" sabi niya at nagtawanan ang mga alipores "wala akong pakialam" kalmado kong sabi "mika nandyan si skye" sabi ng isang babae "subukan mong magsalita" sabi ni bruha "oh anong nangyayari dito?" Sabi ni kyle ata yun ewan basta si pangit. "Ah wala naman skye inaayos ko lang tong buhok ng bagong student" pacute na sabi ni bruha "girls tutugtog kami mamaya punta kayo ha?" At nagtilian naman ang mga babae at naglakad na sina pangit pero bigla siyang may binulong sa akin " hindi ko pa nakakalimutan yung ginawa mo sa akin" hindi ko nalang pinansin at nagtungo na ako sa klase ko. hindi ko akalain na ganito pala ang mga students dito. Unbelievable! Tsk. "Uy! Ji, ok kalang? Bakit ba kasi hindi mo ako hinintay? Ha? At bakit kasabay mo si jeyonn?" Derederetsong tanong niya "wala" simpleng sagot ko at binuksan ko na ang libro ko. "Hoy! Umalis ka nga riyan" sabi ng isang lalaki. Familiar yung boses kaya tinignan ko kung sino yun at sa kasamaang palad si pangit yun "di mo ba narinig yung sinabi ni skye? Umalis kayo riyan" sabi pa ng isa at nagsialisan naman yung mga lalaki. "Ganyan talaga ji, walang gustong lumaban sa mga yan dahil mga sikat sila" biglang sabi ni chessie. ganun ba talaga? bakit hindi pantay ang pagtingin sa mga estudyante? i cant believe!

I Thought It Was ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon