Weeks passed at medyo naging okay naman yun nga lang at nandun parin ang mga babaeng impakta na sinasabing malandi ako kasi daw lagi kong kasabay si jeyonn kesyo ang landi ko daw hindi daw kami bagay at kung ano ano pa. "michelle hinahantay ka na ni kuya jeyonn mo" nanay fe. "Opo nay bababa na ako" sagot ko. Yan, hindi ko nilalandi si kuya jeyonn kapatid ko siya. Hindi yun alam ng mga students sa school dahil ayokong ipagsabi. "baby girl tara na at baka malate pa tayo" sabi ni kuya. she called me baby girl kasi daw ako yung baby ng family. Dalawa lang kasi kaming magkapatid kaya ayun. "Kuya talaga hindi na ako baby" nagkunwaring nagtatampo ako. "Haay ewan ko sayo tara na" at pumanik na kami. Habang nasa daan "baby hindi kana ba sinusugod ng mga fangirls ni skye?" Tanong niya. Nalaman niya kasi yung nangyari noon kasi may kumuha pala ng video at pinost sa social medias kaya nakita niya. Kaya ayun pinabura niya. "hindi naman na" sagot ko "bakit ba kasi ayaw mong ipagsabi na kapatid mo ako? Na balang araw ikaw ang magmamana ng K.A" sabi niya "kuya naman, you know what happened naman noong pinagsabi ko diba?" Sagot ko. "Haay, sige na nandito na tayo" sabi ni kuya. As usual usap usapan na naman kami. I dont care. "Huy! Ji bakit lagi kayong mag kasama ni jeyonn?" Tanong ni chessie "wala lang" bored na sagot ko at hindi na siya umimik.
After class nagpunta kami ni chessie sa canteen were one step closer to the counter when someone blocks our way. "Oops sorry nauna kami" he said. I look at him and then its pangit again. "I dont care" i said at napa gasp naman lahat ng nasa canteen
"Talagang papansin yang babaeng yan ""Malandi kasi"
"sinasadya niyang mapalapit kay skye"
"Miss umalis nalang kayo dyan" kalmadong sabi ng isang lalaki "why should we?" Sagot ko "aba skye matapang siya oh" sabi ng isa "umalis nga kayo" sabi ko hinawakan ni chessie ang braso ko. I wont let them do this to other students. Alam kong sikat sila pero hindi ko hahayaang maging hari't reyna sila no! "Miss are you doing this again para magpapansin sa akin?" Mayabang na sabi ni pangit. Hindi ako nakatiis at sinampal ko na siya. "nek nek mo! Bakit naman ako magpapapansin sa isang tulad mo id rather die!" Sigaw ko at umalis na. Rinig ko pang sabi ni pangit "humanda ka sungit" . I dont care.! I hate this day. Buti nalang at wala na akong pasok! Ugh!