Chapter 11

6 0 0
                                    

"Who is Titus?" Morgan asked. Nasa second floor kami ngbar niya at pinagmamasdan ang mga sumasayaw sa baba.

I rolled my eyes, mula nang Makita niya kami ni Titus sa office ko ay hindi niya na ako tinigilan sa kakatanong ng mga kung ano tungkol sa amin. Ilang beses niya na din akong tinanong kung isno ba si Titus.

"My assistant" maiksi kong sagot.

"Friend naman, alam kong assistant mo siya. What I mean is bakit ganoon siya sayo? Bestfriend mo ako pero naglilihim ka sa akin. Boyfriend mob a siya? Nakalimutan mon a ba si Lexus at siya na ang ipinalit mo sa kanya?"

Heto nanaman po siya, wala talaga itong kapaguran sa kakatanong. Tumahimik nalnag ako at kinuha ang Margarita. Ano baa ng isasagot ko sa mga tanong ni Morgan? Kahit naman ako ay hindi ko din alam kung bakit ganoon si Titus sa akin. Hindi ko naman siya boyfriend pero yung mga ikinikilos niya ay parang may relasyon kami.

Nakalimutan ko na ba si Lexus? No. Lexus is still in heart at hindi ito mawawala doon. Hindi siya mapapalitan ng kahit na sino. Ilanga raw na din kaming hindi nagkikita ni Lexus mula nang dumating si Titus. Ang sabi ay nasa Europe ito to meet some of SIC's clients. Siguro kung wala pa akong assistant ay baka kasama ako nito doon.

"Hindi mob a talaga sasagutin ang tanong ko?"

Tiningnan ko si Morgan. "Wala akong inililihim sayo okay? Kung may boyfriend ako ay ikaw ang unang unang makakaalam nun".

"Are you sure?"

Tumango ako at muling iminum ng Margarita.

Ngumiti si Morgan. "So LeMar is still alive"

"What?"

"Lexus and Marcus loveteam" natatawang sabi ni Morgan.

Natawa na din ako. "Ikaw talaga" sabi ko at napatingin sa may hagdan. Muntik na akong mabulunan nang makita ko yung lalaking nakatayo doon at nakatingin sa akin.

"What happened?" tanong ni Morgan at kinuha sa akin ang baso ng margarita at inilapag sa table. Kumuha ito ng tissue at ibinigay sa akin.

Anong ginagawa niya dito? Tumingin ulit ako sa may hagdan, nandoon parin siya at nakatayo habang nakatingin sa akin. Pagkatapos ay nginitian niya ako. Ayan nanaman ang nakakabaliw niyang ngiti. He's wearing jeans and blue tees. Kahit medyo madilim sa kinaroroonan niya ay kitang kita ko parin ang kamachohan niya.

Sinundan ni Morgan ang tinitingnan ko.

"Titus!" tawag ditto ni Morgan sabay kaway sa binate. "Come here"

Nilingon ko si Morgan nang ayaoin nito si Titus.

"What?" tanong nito. "Nabanggit ko sa kanya na may bar ako"

Napailing nalang ako.

"Hi Ladies," masayang bati ni Titus nang makalapit na sa kinaroroonan namin. "Am I late?" tanong nito.

"You're just in time" sagot naman ni Morgan.

Naupo si Titus sa tabi ko at naamoy ko nanaman ang pabango niya.

"Mabuti naman at nakapunta ka" sabi ni Morgan. "Akala ko hindi ka na dadating".

"Naligaw kasi ako, masyado nang Malaki ang ipinagbago ng Pilipinas mula nang umalis ako dito. Wala naman akong ginagawa sa bahay and I don't want to miss the opportunity of seing these beautiful place", sabi nito sabay tingin sa dalaga.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 24, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

THE SECRET ( on going )Where stories live. Discover now