Chapter 3

35 3 0
                                    

THREE-

Tumingin ulit ako sa may hagdan, nasa taas na siya. At nakatingin sa akin! Nagtama an gaming mga mata. Oo, nakatingin siya sa akin. Pero gaya ng dati, umiwas ito ng tingin.

Nakita kong may lumapit na babae kay Lexus. May dala itong drinks sa kaliwang kamay habang busy naman ang kanang kamay nito sa pagkalikot sa mukha ng binata. Kitang kita ko din na gustong gusto ng lalaki ang ginagawa ng babaeng yun.

Ipinulupot ng babae ang kamay sa batok ni Lexus it hinatak iyon para halikan.

Nanlaki ang mga mata ko. Malandi! Ang kakapal ng mga mukha. Anong karapan nilang maghalikan? May relasyon ba sila? Girlfriend ba ni Lexus ang malanding babaeng to?

Oo, nagseselos ako!

“Chris”, tawag ko sa dumaang waiter. “Give me one scotch please…no, make it two…ahm…bring here the bottle”.

“Ok ma’am” sabi nito at umalis na.

“Maglalasing ka ba?”

“Hindi ipanliligo ko yun”

“Hey easy my dear, hindi ako ang kalaban ditto”.

Naiinis talaga ako.

“Kaya naman pala eh,” natatawang sabi ni Morgan habang nakatingin sa kinaroroonan nila Lexus.

Hindi parin tapos sa paghahalikan ang dalawa. Tila ba walang pakialam ang mga ito sa taong naroroon. At ako lang yata ang apektado.

“Magpadagdag ka nga ng 3rd floor bukas, para sa private room. Dumadami na yata ang gumagawa ng PDA dito, pumapangit tuloy ang image ng bar mo”.

Mas lumakas ang tawa ni Morgan. “Wag mo na nga silang pansinin, mas lalo ka lang magagalit” nailing na sabi nito. “That girl is really a flirt”.

Kahit na, makipagflirt na siya sa lahat ng lalaking sa mundo wag lang kay Lexus. Nakatingin lang ako sa dalawa. Pagkatapos maghalikan ay nagpalitan naman ang mga ito ng matatamis na ngiti. Naglakad ang dalawa.

Naniningkit ang mga mata ko sa sobrang inis na nararamdaman. Sabi nga nila kung nakakamatay lang ang tingin malamang kanina pa patay ang dalawang to.

‘Madapa ka sana’ sabi ko sa sarili o.

Maya-maya ay natalisod ang babae at nawalan ng timbang kaya sumubsob ito sa sahig. Nagulat naman si Lexus dahil sa biglaang pagkadapa ng babae. Dahil sa nangyari ay nag-inarte naman ang babae na parang napakasakit ng pagkakatumba niya. Nakita ko naman ang pag-aalala ni Lexus dito.

Mas lalo lang akong nagalit.

 Nakita ko ang waiter na may dalang bucket ng yelo, padaan iyon sa kinaroroonan ng dalawa.

THE SECRET ( on going )Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt