Chapter 4

143 3 0
                                    

“Ano?” napatingin ito sa akin.

“Kaya ko pagalawin ang mga bagay gamit ang utak ko”.

“What are you talking about?”

“Yung nangyari kanina, ako….ako ang may gawa nun” tiningnan ko siya. Nakatingin lang ito sa akin na tila ba hinihintay na sabihin kong ‘joke lang Morgan’. Pero sana nga joke lang lahat ng nangyari kanina. Sana nga nagkataon lang lahat ng yun. Kaya lang hindi eh, totoo lahat.

“Ang corny ng joke mo sissy”.

“Hindi ko alam kung paano nangyari yun Morgan. Basta galit nag alit ako kanina dun sa babae. Gusto kong madapa siya and it happened. Tapos inisip kong mabuhos yung hawak nung waiter and it also happened.”

“Gusto mo bang paniwalaan ko yan? Marcus naman, ano bang akala mo sa sarili mo?May super powers?” umiling si Morgan. “Lasing na yung babae kaya siya nadapa at kasalanan ni Joey kung bakit nabuhos yung bitbit niya. Kaya pwede ba wag kana gumawa ng kwento”.

“I’m not Morgan, alam mong hindi ako ganun. Akala ko din nga kanina nagkaton lang ang lahat. Pero nung narinig ko yung sinabi ni Joey…”

“At naniwala ka naman sa sinabi niya?”

Tumahimik ako, paano nga naman ito maniniwala sa sinasabi ko kung ako nga mismo hindi ko pa nakukumbinsi ang sarili ko na nagawa ko nga yun. Hindi normal sa isang tao ang nakakapagpagalaw ng mga bagay. Kailangan ko ng patunay.

Kailangang masaksihan mismo ni Morgan na kayak o ngang gawin yun. Nag-isip ako kung paano, never ko pa ginawa yun kanina lang. Hindi pa ako sigurado kung ako nga ang may gawa nun. Pero naghanap ako ng pwede kong palutangin. Nakita ko ang cabinet, napailing ako, masyadong mabigat. Nakita ko ang flower vase na nasa harap ko. Tama, eto na lang.

“Morgan watch this”, sabi ko.

Tinitigan ko ang flower vase at inisip na lumutang ito. Pero ilang minute na ang lumipas ay wala paring nangyari. Kahit kaunting paggalaw man lamang ay wala.

“See? Nothing happened.” Narinig kong sabi ni Morgan.

Ngunit hindi ako tumigil. Alam ko kaya kong palutangin ang vase nay un, Naniniwala ako sa kakayanan kong yun. Nagfocus ako.

Nanlaki ang mga mata ko…gumalaw ang vase. Unti-unti itong umangat mula sa table na pinagpapatungan nito. Dahil sa paggalaw na yun ay mas lalo pa akong nagpursige na palutangin yun. Tumaas pa lalo ang vase hanggang sa unti na lamang ay maabot na nito ang kisame.

“Wow” narinig kong sabi ni Morgan.

Nagawa ko…napangiti ako…hindi ako nababaliw, talagang kaya kong magpagalaw ng mga bagay. Lumapit sa akin si Morgan. Unti-unti ko ng ibinaba ang vase at ibinalik iyon sa table.

“How did you do that?”

“I don’t know…naniwala lang ako sa sarili ko na kaya kong gawin yun and I did it”, nakangiti kong sabi.

Pareho kaming napalingon ni Morgan ng may kumatok sa pinto. Bumukas iyon at pumasok si Lexus, nilapitan naman ito ni Morgan. Nagkatinginan kami pero ako ang unang bumawi. Ibinaling ko ang tngin ko sa iba. Kinuha ko ang bag ko at hinanap doon ang cellphone ko.

“Nasan na siya?” tanong ni Morgan. Yung babae ang tinutukoy nito.

“She’s fine don’t worry. I’ll take her home”

What? Tama ba ang narinig ko? He will take that flirt home? May pilay ba ang babae para ihatid nito iyon? Talaga naman. Nakikinig ako sa usapan nila, hindi, actually talagang pinapakinggan ko sila. Kunyari lang naman na busy ako sa cellphone ko.

“Okay, ikaw na ang bahala sa kanya” narinig kong sabi ni Morgan. Naglakad ang dalawa papunta sa pinto ng opisina.

“Sige alis na ako”, sabi ni Lexus. “bye Marcus”.

“Ha?” natigilan ako sa narinig ko. Tama ba ang narinig ko? Marcus daw? Pagtingin ko sa pinto ay nakaalis na si Lexus.

Tumingin ako kay Morgan. Pagkasara nito ng pinto ay pareho pa kaming napatili. Tumayo ako at nilapitan ang kaibigan ko. Para kaming mga baliw na tumatalon habang walang tigil sa kakatili. Ito ang unang beses na pinansin ako ni Lexus and take note may pangalan ko pa.

“Nagpaalam siya sa akin Morgan. Ano ba ang nangyayari sa earth?” natatawa kong sabi.

“ Good news to Sissy. Finally umusad din ang lovelife mo”.

“Lovelife agad?”

“Marcus naman, itatanggi mo pa ba? Ang tagal mong hinintay to, kaya wag kana mag-inarte pa diyan”.

“Ano kayang nakain niya? Bakit niya ako pinansin? End of the world na ba?” napaupo ako sa couch. Nagtataka talaga ako. “Alam mo yun…out of the blue bigla na lang siyang nagpaalam sa akin. Sinabi niya pa yung pangalan ko, para talaga sa akin yun”.

“Oo nga noh”, sang-ayun naman ni Morgan. Tumabi ito sa akin. “Pero kung ano man yun Marcus wag na natin alamin.”

Napakibit balikat ako. Sabagay, magpasalamat na lang siguro ako na kahit papaano ay may pag-asa na kaming maging magkaibigan. Pwede nay un kesa naman sa dinedeadma niya ako.

**************

A/N:

Salamat sa patuloy na pagbabasa...

VOTE

SUPPORT

LIKE

FAN

COMMENT

Mark John....bakit k ganyan?

THE SECRET ( on going )Donde viven las historias. Descúbrelo ahora