Chapter 9

23 1 0
                                    

Unri-unti akong napadilat nang maramdaman ko na may parang nakatingin sa akin. Nasa garden ako at nakatulugan ko ang pagbababsa ng libro. Pagdilat ng mga mata ko ay agad kong nakita ang isang malaking ibon na nakadapo sa sanga ng punong mangga na malapit sa pader ng bahay namin. Umayos ako ng pagkakaupo at pinagmasdang maiigi ang malaking ibon. Saka ko lang nalaman na hindi lang pala iyon basta malaking ibon. Isa iyong agila at nakatingin sa akin.

Tatayo na sana ako para lapitan iyon pero dumating si Aling Siding.

"Mabuti naman at gising kana, oras na para magmeryenda", sabi nito habang palapit sa kinaroroonan ko. Bitibit nito ang isang tray na may lamang juice at sandwich.

"Aling Siding may agila po dun oh", sabi ko sabay turo sa malaking mangga pero wala iyon doon. Tumingin ako sa taas sa pagbabakasakaling makita iyon na lumipad pero wala din.

"Agila?" sabi nito at inilapag sa center table ang tray. Tiningnan ng matanda ang puno ng mangga na itinuturo ko. "Nasaan?"

Tumayo ako. "Nandyan lang yun kanina tapos biglang nawala" sabi ko.

"Baka namalikmata ka lang Miss Marcus" sabi ni Aling SIding at muling binalingan ang tray sa center table. Inalis nito doon ang isang baso ng juice at sandwich. "Baka naman sanga lang ng mangga yun at akala mo ay agila na. Sige na magmeryenda ka na" sabi pa nito at iniwan na siya.

Napailing ako. I know its really an eagle. Imposible man na may mapadpad na agila sa lugar na to pero sigurado akong hindi ako namamalikmata lang. Naupo ako ulit at hinarap ang pagkain. Kinuha ko ang juice at ininum iyon.

"Bakit kaya biglang nawala yun?" tanong ko sa sarili habang kinakain ang sandwich na dala ni Aling Siding. Ni hindi ko nga narinig ang pag-alis nito sa puno ng mangga.

Baka hindi ko lang narinig dahil nagsasalita si Aling Siding. Mas imposible naman kasi na...natigilan ako. Ano pa nga ba ang imposible ngayon? Kaya ko nga ang magpagalaw ng mga bagay. Nakakalipad din ako. Imposible pero nagawa ko.

Napabaling ang paningin ko sa mga pananim na bulaklak ni Mommy. Napakalaki ng garden namin dahil mahilig si Mommy sa mga halaman. Lahat ng mga pananim na makikita sa paligid ng bahay namin ay si Mommy ang nagtanim. Wala kaming hardinero dahil niyang siya mismo ang mag-aalaga sa mga yun. Mula sa carabao grass hanggang sa mga puno ay siya ang naglagay at nagtanim.

Paborito niya ang pagtatanim ng mganamumulaklak na halaman. Minsan nga ay nakikita ko siyang kinakausap ang mga iyon na para bang may mga sariling buhay na tumutugon sa mga sinasabi ni Mommy. Isa siguro iyong paraan para manatiling malusog ang mga halaman. Hindi kasi nawawalan ng bulaklak ang mga halaman doon.

Kaya naman nakakarelax ang manatili sa garden dahil sa mahalimuyak na amoy ng mga bulaklak.

Binitawan ko ang sandwhich at inilapag iyon sa plato.Tumayo ako at nilapitan ang mga halaman. Tatlong kulay ng rosas ang alaga ni MOmmy. Red, White and yellow. It symbolizes love, purity and happiness.

Hinawakan ko ang red roses, napakalambot niyon ay hindi ko maiwasang mapapikit para damhin iyon. Inamoy ko iyon at talagang napakabango. No wonder why girls love roses. Napakafeminine kasi.

"Sana mas dumami pa ang bulaklak niyo, mas maging healthy at lalong tumingkad ang kulay niyo para mas maganda." bulong ko habang inaamoy iyon.

Pagdilat ko ay halos mapanganga ako nang makita kung ano ang nangyari sa mga ito. Dumami ang mga bulaklak nito at halos nagsisiksikan na dahil sa laki ng bulaklak. Lumaki ang bulaklak ng roses na halos kasing laki na ng mga palad ko. Tumingkad din ang kulay ng mga ito.

"Wow", sabi ko at hinawakan ko ang mga bulaklak ng roses. Nakarinig ako ng mga mumunting tinig na nagtatawanan at pakiramdam ko ay galing iyon sa mga bulaklak. Nababaliw na yata ako.

THE SECRET ( on going )Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum