Prologue

174 5 0
                                    

Hindi ko maintindihan kung bakit ako tumatakbo. Pero ang alam ko kailangan kong gawin to para makaligtas ako.

Makaligtas? Bakit? Kanino? Sino ang humahabol sa akin? Paano ako napunta dito? Nasaan ba ako?

Andito ako ngayon sa gitna ng kagubatan at tanging nagtataasan at mga naglalakihang puno lamang ang mga nakikita ko. Noon pa man ay pinangarap ko ng makapunta sa kagubatan pero hindi ang tulad nito. Nakakatakot. Parang may mga matang nakasunod sa bawat pagkilos ko.

Dumidilim na ang paligid, mas binilisan ko ang pagtakbo. Nababalot na ako ng takot ngayon. Delikado ang buhay ko kapag dumilim na sa lugar na to. Kailangan ko na mahanap ang palabas sa gubat na to.

Pero paano? Halos kanina pa ako tumatakbo pero sa halip na mahanap ko ang daan palabas ay parang mas napapadpad pa ako sa kaibuturan ng kagubatan.

Nakarinig ako ng napakalakas na ungol. Isang ungol na sinisigurado kong isang malaking halimaw lamang ang kayang gumawa noon. At hindi lang iyon basta ungol. May kahalong galit. Galit na palagay ko ay para sa akin. Anumang oras na maabutan ako ng halimaw na yun ay siguradong hindi ako makakaligtas.

Ipinagpatuloy ko ang pagtakbo kahit na alam kong mauubos na ang lakas ko. Masakit na ang mga paa ko. Ngayon ko lang napag-alaman na wala pala akong kahit na anong sapin sa paa. Lahat ng mga bagay na maapakan ko, mga bato, mga matutulis na kahoy, lahat ng yun ramdam na ramdam ko ang bawat pagbaon sa talampakan ko. Sigurado akong anumang oras ay bibigay na ako.

Pero hindi ako pwedeng sumuko. Kailangan kong magpatuloy sa pagtakbo. Kailangan kong mabuhay. Bakit? Hindi ko alam.

Saan ba ako pupunta? Paano ako makakaalis dito kung hindi ko nga alam kung paano ako napunta dito. Halos pare-pareho lamang ang itsura ng nadadaan ko. Gusto ko ng sumigaw para humingi ng tulong. Pero sino ba ang tutulong sa akin? Kahit nga ibon wala akong makita. Isa pa, alam kong malaking pagkakamali ang magagawa ko kapag sumigaw ako.

Muli ay pumaibabaw nanaman sa kapaligiran ang ungol ng halimaw. Mas malakas. Mas mapanganib.

Nabalot ako ng takot. Nangatog ang aking mga tuhod dahilan para madapa ako.

'Aray' Tumama ang braso ko sa nakausling sanga ng kahoy. Nakita ko ang paglabas ng pulang likido mula doon. Pinilit kung tumayo pero sobrang sakit na talaga ng paa ko. Nakita kong puno na ng sugat ang talampakan ko at dumudugo na din iyon. Hindi ko na talaga kaya. Gusto ko ng sumuko.

Namuo ang luha sa gilid ng mga mata ko. Pinanghihinaan na ako ng loob. Mas lalo akong natakot ng makarinig ako ng kaluskos mula sa di kalayuan. Natagpuan na ako ng halimaw. Ito na ang katapusan ko. Hanggang dito nalang ang buhay ko.

Tumingala ako, pero tanging mga dahon lamang ng kung anong uri ng kahoy ang nakikita ko. Madilim na ang paligid. Napapikit ako.

'Kayo na po ang bahala sa akin' naipagdasal ko.

Palapit na ng palapit ang ingay na naririnig ko. Sigurado akong papunta iyon sa kinaroroonan ko

Diniinan ko ang pagkakapikit ng aing mga mata. Ayokong makita ang itsura ng halimaw na tatapos sa buhay ko. Tumulo na ang mga luha na kanina pa gustong lumabas sa aking mga mata. Wala na akong magagawa. Handa na akong harapin ang katapusan ko.

'Paalam'

"Prinsesa?"

Kumunot ang noo ko ng marinig ko yun. Unti-unti kong binuksan ang aking mga mata. Nakita ko ang isang lalaki pero hindi ko maaninag ang mukha niya.

"Prinsesa ok ka lang ba?"

Tumango ako, ramdam ko ang labis na pag-aalala sa boses ng kung sino mang lalaking to. Pero sa pagdating nito ay nawala ang takot na kanina ko pa nararamdam. Sigurado akong ligtas na ako.

Hindi ko napigilan ang sarili ko na mapayakap sa kanya.

"Mabuti naman at nahanap mo ako, Titus".

"Obligasyon kong protektahan ka mahal na prinsesa".

=========================================================================

A/N:

patikim palamang po yan. sana abangan niyo ang story na to. first time ko sumulat ng fantasy. pero wag po kayo mag-alala sisikapin kong maging maganda ang story nito.

please support.

kelangan ko ang cooperation ng mga readers para magkaron naman ako ng inspirasyon.

FOLLOW

SUPPORT

LIKE

VOTE COMMENT

BE A FAN.

Salamat po.

Mag-a-update lang po ako every weekend. wag po kayong mainip.

I LOVE YOU MARK JOHN....ayiiiiiiiiiiiiiiiiiiiii...maisingit lang... mwuah

THE SECRET ( on going )Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora