chapter 2

58 3 0
                                    

"Here we are again".

Pumunta ako sa bahay nila Morgan, my bestfriend.

"Let me guess", sabi nito na kunyari ay nag-iisip pa. "Is it your weird dream?"

Tumango ako.

Si Morgan lang ang nakakaalam ng kumpletong detalye ng panaginip ko. Bestfriend ko siya e. Sa kanya din ako lumalapit sa tuwing nangyayari yun.

"Alam mo Marcus, sa tingin ko nasa utak mo nalang yun e. Sa sobrang kakaisip mo yan. Alam mo yun.... Yung naiisip mo yun kasi malapit na nag birthday mo. Kaya ayan, napapanaginipan mo nga", hirap itong magpaliwanag.

Oo parehong panlalaki ang mga pangalan namin. Natawa nga kami noong unang beses naming malaman ang pangalan ng isat-isa. Mula noon naging close na kami at naging mabuting magkaibigan. Pareho kaming only child. Siguro inaasahan ng parents naming na lalaki ang magiging anak nila kaya eto at panglalaki ang pangalan namin. Mas lalo pang tumibay ang pagkakaibigan namin ni Morgan ng malaman naming na magkakilala pala ang parents namin.

"Bakit ganyan ka?"

"Anong bakit ganito ako?"

"Yung mga sinabi mo....you talk like my Dad. Akala ko ba naniniwala ka sa akin."

Nag-iba siya ng tingin. Nararamdaman ko na may ibang nangyari sa kanya. Hindi naman ito ganito dati.Si Morgan pa nga ang nagsasabi sa akin nab aka may ibig sabihin ang panaginip ko.Pero ngayon bakit nag-iba ito? Kinukumbinsi ba siya nito nab aka gawa-gawa lang iyon ng utak ko.

Anong nangyari ditto?

Tumalikod siya.

"Im just considering the fact na baka nga dala lang iyon ng malikot mong utak". Hinarap niya ako ulit. "Naniniwala parin ako sayo Marcus. Kaya lang kasi habang tumatagal at sa tuwing ikinukwento mo sa akin yun natatakot ako para sayo. Something is telling me that youre in danger.... I don't know."

Niyakap ko siya.

"Punta na nga lang tayo sa bar, baka magkaiyakan pa tayo dito", sabi ni Morgan.

Nagtawanan kami at tinungo ang kotse ko na nakapark sa harap ng bahay nila. Iyon na ang sasakyan na gagamitin namin papunta sa Iternity Bar. Doon kami pumupunta sa tuwing gusto namin makalimutan ang mga bagay-bagay.

Pagdating namin doon ay nagtungo kami sa taas. Nakareserve ang pwestong yun para sa amin. Hindi naman imposible yun dahil sila Morgan ang may-ari ng Intensity Bar. Actually, si Morgan na nga ang nagpapatakbo nito.

"Margarita please", sabi ni Morgan saka umalis na ang waiter.

Ang daming tao sa loob ng bar. Malakas na nga ang music malakas din ang usapan ng mga taong nandon. Pero ganun talaga. Kung unti ang tao ibig sabihin unti lang kita ng bar. Hindi ko nga maintindihan kung bakit sumikat agad ang bar na yun. 4years pa lamang ang Intensity Bar pero at isa na yun sa mga pinakasikat na Bar sa Pilipinas. Sa katunayan nga ay madalas din ang punta ng mga artista doon.

"Sissy," tawag ni Morgan sa akin. "Look whos coming" ngumiti ito.

Ang ngiting iyon ni Morgan, alam ko na kung sino ang tinutukoy nito. Tumingin ako kung saan siya nakatingin. Sa baba ng hagdan. Nakita ko nga kung sino ang tinutukoy nito.

Si Lexus.

Ang lalaking matagal ko ng iniibig.

Bumilis ang tibok ng puso ko. Ganito ako kapag nandiyan siya. Marinig ko nga lang ang pangalan niya bumibilis na ang tibok ng puso ko. Ganito nga talaga siguro kapag mahal mo ang isang tao. Nag-iiba ang reaksiyon ng katawan mo. May kung ano sa sarili mo na hindi mo maipaliwanag.

Pero si Lexus din ang lalaking matagal ng nandedeadma sa akin. Ni minsan ay hindi niya ako kinausap. Nakakapagtaka nga kasi kaibigan naman nito si Morgan. Lahat ng kaibigan ni Morgan ay kaibigan ko na din. Maliban lamang kay Lexus. Hindi ko maintindihan kung bakit.

Hindi ko din naman masabing ayaw nito sa akin. Maraming beses ko na din itong nahuhuling nakatingin sa akin. Pero bakit ganun? Kahit 'HI' man lang ipinagdadamot pa nito.

"Mr. deadma is coming", paismid kong sabi.

Naiinis ako sa kanya, hindi naman ako pangit para hindi niya magustuhan. Oo, sigurado akong maganda ako. Hindi ko na kailangan pang ipagsigawan yun dahil nakikita naman. Hindi ko na nga kailangan pang magmake-up o magsuot pa ng magandang damit para lamang mapandin ng tao. Kahit ata maging gusgusin ako ay may magsasabi paring maganda ako.

Kaya nga hindi ko lubos maintindihan kung bakit ganun na lamang ang trato niya sa akin.

Tumawa si Morgan. "Wag ka nga masyadong bitter diyan. Subukan mo kaya ulit yung ginawa mo noon. Maybe this time hindi kana mapahiya".

"No way!" agad ko kinuha ang margarita na inilagay ng waiter sa table namin.

Ang nangyari noon, hindi ko alam kung saan ako humugot ng lakas ng loob para magawa yun. Hindi naman ako lasing ng gabing yun. Sigurado ako doon. Kelan ba ako nalasing? Kahit nga siguro uminom pa ako ng isang trak ng alak ay hindi ako malalasing. Ewan ko kung bakit walang epekto sa akin ang alak.

Bukod kay Lexus ay si Morgan lang ang nakakaalam ng nangyari noon.

"You have to do it, baka maunahan ka nila"

THE SECRET ( on going )Where stories live. Discover now