Unang Yugto

76 6 0
                                    

"Kuya kong gwapo, thank you sa paghatid," nginitian ko siya at kinuha ang mga gamit ko sa backseat. Sumulyap ako sa rear view mirror at muling napangiti.

Ang pretty ng eyes ko. Ang perfect ng nose ko. Ang gorgeus ng lips ko.

In short.

Ang ganda ganda ko talaga.

"Anything para sa pinakamagandang princess," masayang saad nuya at kinurot ang pisngi ko. "Good luck baby," nginisian niya ako at hinalikan sa pisngi.

"Bye Kuya!" ani ko at lumabas na ng sasakyan. Sinilip ko siya sa bintana at nagwave lang siya ng kamay niya sa'kin.

Hinintay ko munang makaalis ang sasakyan niya bago marahang maglakad papunta sa gate ng bagong school na papasukan ko.

Napabuntong hininga ako. Ayaw na kasi ni mama na sa exclusive school ako pumasok, mas ayos daw kung pati sa mga lalaki matuto akong makisama.

Syempre, sayang naman ang kagandahan ko kung 'di masisilayan ng mga georgeus boys. Duh!

Pero echos lang 'yon, alam kong kaya gusto niyang lumipat kami kasi natunton na kami ng mga alipores ng walanghiyang tatay ko.

Tatlong taon na namin siyang pinagtataguan kaya eto ang beauty ko ngayon, transferee nanaman.

Napahinto ako sa paglalakad ng may isang pares ng paang nakamakintab na itim na leather shoes ang tumigil sa harapan ng pinakamamahal kong high cut black chuck taylor converse shoes. Kumikinang talaga iyong sapatos niya na pwede kang magsalamin sa sobrang kintab.

'Yong totoo Kuya, ilang sachet ng kiwi ang pinahid mo diyan?

Unti-unti kong itinaas ang paningin ko sa butas-butas niyang kupas na maong, pataas sa sinturon niyang kulay neon orange hanggang sa dilaw na T-shirt nyang maluwang luwang na ang collar.

Nanunuot sa ilong ko ang matapang nyang pabango na pwede nang ipampabango sa burol.

Napangiwi ako.

At syempre, dahil magandang maganda ako, palalampasin ko bang hindi matitigan ng oh so pretty eyes ko ang mukha niya?

Nah-ah-ah.

Deep set of black pearl eyes, perfectly pointed nose and thin lips, pero higit na nakakuha ng atensyon ko ang mga nunal niya sa ilalim ng mga mata niya na parang nagpapalungkot sa buong mukha niya.

May ibubuga naman kahit papano, kaso ang baduy. As in!

"Pumasa ba ko miss ganda?" Kumurap muna ko pagkatapos ay umismid.

Sa bihis niyang yan, ang lakas lang ng loob niyang magtanong!

Ah antipatiko ka ha? Tingnan natin.

Ngumisi muna ko sa kanya bago sumagot.

"Oo naman, pasadong pasado ka na," habang patango tango at ngingiti ngiti sa kalokohang nasa isip ko. "Pwedeng pwede ka nang maging alalay ko," inabot ko sa kaniya ang bag ko at hinila ang kamay niya at inihawak sa siko ko.

"T-teka nga hoy! Anong alalay ang pinagsasabi mo dyan? At bakit ko kailangan hawakan pa ang siko mo?"

"Oh bakit? Tinanong mo ko kung pasado ka na 'di ba? Eh alalay ang hinahanap ko, saktong sakto ka! Tsaka kailangan ang mga magaganda, inaalalayan talaga! Kuha mo?" Tinapik ko ng marahan ang mukha niya at nagpatuloy sa paglalakad na syempre, kasama ang bagong bago at gwapong gwapo at baduy na baduy kong super alalay.

At dito nagsimula ang mga misfortunes namin.

I'm the ever gorgeous, Aya Mikari Fujiwara, kasama ng bago kong alalay na si...

Ay teka...

Ano nga palang pangalan niya?

The King's QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon