"Ayos ka lang? Matamlay ka yata ngayon?" nagaalalang tanong sa'kin ni King.
Idinampi niya ang likod ng kamay niya sa leeg ko na parang naninigurado.
"Okay lang ako, may kaunting problema lang sa bahay," sagot ko sa kanya na alam kong kasinungalingan naman.
Ayokong sabihin sa kanya ang totoo dahil ayoko siyang madamay pa sa mga problema ng pamilya namin.
Ikinawit niya ang kamay nya sa balikat ko at hinila ako para mapasandal sa dibdib niya.
Nasa tagong garden kami ng school sa likod ng library. Madalang lang ang mga estudyanteng nagagawi sa lugar na'to ng campus.
"Gusto mong pagusapan?" muling tanong niya habang nilalaro ng isang kamay niya ang mga daliri ko.
Umiling lang ako sa kanya bilang sagot.
"Hindi yata ako sanay na hindi nag-iingay ang reyna ng buhay ko," nakangiting sabi niya.
Hinigit niya pa ako palapit sa kanya at hinalikan ang gilid ng ulo ko.
Pabirong pinalo ko ang malapad na dibdib niya.
"Korni mo," sabi ko ng tumatawa.
"'Yaan na, mahal mo naman eh."
"Confident ah?"
"Syempre akin ka eh, diba?"
Nakangiting tumango naman ako sa kanya.
"Oo, sayo lang."
"Bok nangangati ako," kakamot kamot na sabi ni Prince na nakaupo sa damuhan malapit sa amin ni King.
"Ako din," walang kaiinteres na sakay ni Duke sa kanya.
"Ikaw ba Knight 'di ka nangangati?" baling niya kay Knight nang mapansin niyang walang silbing kausap si Duke.
"Hindi, naligo kaya ako kanina. Magliligo kasi kayo para 'di kayo nangangati!" napabungisngis ako sa sagot ni Knight. Halata kasing hindi niya masakyan ang gustong sabihin ni Prince.
Napailing naman si Duke sa kanila.
"Aish! Itigil niyo na kasi ang pagmamatamis niyo dyan, nilalanggam na kami dito," kunwaring galit na sabi niya sa amin ni King na pareho naming tinawanan.
"Ha? Wala namang langgam dito eh?" inosenteng sabi ni Knight na mabilis na tumayo at pinagpagan ang pantalon niya.
Umiiling na tumawa na lang ako sa kanya. Wala ng pag-asa 'to.
"Malapit na sports festival, may sasalihan ka na ba Queen ni King?" biglaang tanong ni Duke sa'kin.
"Wala, 'di ako pwedeng magpagod eh, asthmatic ako," sagot ko sa kanya.
"Sayang," aniya pa.
"Bakit Bok?" tanong ni King sa kanya.
"Yayayain ko sana sa lawn tennis," kibit balikat na sagot niya.
"Bakit mo siya aayaing mag lawn tennis eh hindi ka rin naman marunong?" kunot noong tanong ni Knight kay Duke.
"Hindi siya marunong, hindi din ako marunong, edi laging love ang score," sagot naman niya na proud na proud sa nakakasukang kakornihan niya.
Napahalakhak ako nang batukan siya ni King.
"Ang laki mong mais!" aniya pa at muling umupo sa tabi ko.
"Magbaseball ka na lang Mika," seryosong sabi ni Knight.
"Bakit?"
"Para isang palo mo lang, homerun na sa puso ni King," nakangiting sagot niya habang nagform pa ng heartshape gamit ang kamay nya sa tapat ng puso niya.
BINABASA MO ANG
The King's Queen
ChickLitA cliché story of modern fairytale. Can the King protect his Queen from the evil monster who wnts to take her away from him?