After all the tears and agonizing moments, I found my self seated at the backseat being enveloped by the huge arms of my brother. I'm not crying anymore. In fact I'm starting to not feel anything.
Everything that surrounds me confuses me. The only thing that is clear to me is that we're not safe here in the Philippines and that we're being chased by my boy-... no my ex-boyfriend's father wants us dead.
And to top it all up, nasa gitna kami ng giyera ng mga Mafia na akala ko ay sa mga libro at pelikula ko lang nangyayari.
Napakasayang buhay para sa tulad kong napakaganda.
"Are you okay?" Napaharap ako sa kuya ko matapos kong marinig ang pag-aalala sa boses niya.
Tumango ako at sumandal muli sa dibdib niya. Naramdaman ko ang paghalik niya sa aking noo. Somehow having him beside me lessen the pain.
"Nandito lang si kuya, mawala na silang lahat pero si kuya 'di ka iiwan, okay?" bulong niya sa akin. Ang kamay niyang nakayakap sa braso ko ay umakyat patungo sa aking ulo at marahang ginulo niya ang buhok ko.
"Magiging maayos lang ang lahat 'di ba?" Alanganing tanong ko sa kapatid ko.
Pagod na ngumiti siya sa akin. "Aayusin lahat ni kuya."
Ngumiti lang ako sa kaniya. Sa dami ng mga pagsubok na sunod-sunod na dumating sa akin, sa amin, hindi ko alam kung makakaya pang maging maayos ang lahat.
"I will make everything better for all of you," mariing wika sa amin ni Mr. Fujiwara. Pinigilan kong huwag umismid. Dapat lang na ayusin niya ang lahat ng ito dahil siya ang puno't dulo ng lahat ng ito.
Pinilit kong pakalmahin ang aking sarili sa kabila ng unti-unting pagbulwak ng poot sa aking dibdib. Ang totoo'y ibig kong sumigaw at ilabas lahat ng galit sa mga nangyayaring ito, subalit gaano mang sigaw ang gawin ko'y wala nang magbabago. Nangyari na ang mga nagyari at alam ko simula sa araw na ito kailanma'y hindi na muling magiging normal ang lahat.
Ilang oras pa ang ginugol namin sa kalasada bago namin narating ang paliparan. Sunod-sunod ang paghimpil ng mga sasakyan na naka-convoy sa amin na tila ba napakaimportante naming mga tao.
Oo nga pala, isang lider ng tagong organisasyon ang aking ama kaya importante.
Hindi binitiwan ni kuya ang kamay ko hanggang sa makarating kami sa tapat ng eroplanpng aming sasakyan. It's huge as huge as the commercial planes.
"Where are we heading? Magtatago na naman ba tayo?" Kunot-noong tanong ko.
Bumaling sa akin ang seryosong mukha ng aking ama na mariing nakatitig sa akin.
"No more hiding, Hime, we're going home," diretsong tugon niya sa akin. Pinili ko na lang ang tumahimik at huwag nang magtanong pa. Umupo ako sa tabi ng kapatid ko at muling sumandal sa kaniya.
Home. Sa ngayon hindi ko alam kung saan iyan. Sa tagal na nagtatago kami at nagpalipat-lipat ng bansang titirahan, hindi ko na alam kung ano ang ibig sabihin ng salitang tirahan.
Akala ko sa Pilipinas na talaga kami maglalagi lalo na't nagkaroon ako ng mga kaibigang nagpasaya sa akin. Pero hindi pa rin pala. Lilisan at lilisan pa rin kami.
"Hello Hime," isang baritonong boses ang humila sa akin palabas sa kaisipan kong parang 'di na natatapos.
Nanlalaki ang mga matang nilingon ko siya. Kulang na lang ay mahulog ang panga ko sa sahig sa sobrang gulat.
Anong ginagawa niya rito?
"A-anong... P-paanong..." Hindi ko nagawang tapusin kung anuman ang aking sasabihin dahil hindi ko maapuhap ang tamang salita o mas mabuting dabihin na wala talaga akong masabi.
"Mukhang nagulat kita," aniya ng may nanunuyang ngising nakapaskil sa labi niya. Bumaba ang paningin ko mula sa kaniyang mukha patungo sa kaniyang katawan hanggang sa mga sapatos niya.
Pareho ng mga MIB ni Mr. Fujiwara ang suot niya. Nagtatanong ang mga matang tumitig ako sa kaniya. Naghihintay ng paliwanag. Subalit nginisihan niya alang ako at nilampasan. Nagtuloy siya sa kinaroroonan ng akong ama na nakaupo sa tabi ni Mommy.
"Sir," aniya at yumuko. Lumapit siya sa tenga nito at bumulong.
Hindi ko alam kung ano iyon pero naging dahilan 'yon upang lingunin ako ng aking ama. Lang segundo pa nagtagal ang titig nito sa akin bago muli binalinga ang kausap. Nakita ko ang pagtaas-baba ng ulo nito tanda ng pagtango.
"I'm sure no one suspected me," muling saad niya sa aking ama. Ikinumpas lamang nito ang kamay bilang tugon sa kaniya.
Tumuwid siya ng tayo at naglakad muli patungo sa akin.
"Bakit ka nandito?" Sa wakas ay nagawa kong maitanong.
"I'm your personal bodyguard," seryosong sagot niya sa akin.
"What? Niloloko mo ba ako, Duke?" Tumaas ang boses ko kaya napatingin sa akin ang lahat. Maging ang kuya ko na kanina'y nakatulog na ay nagising.
Tumingin lang siya sandali kay Duke at tumango.
"Easy, Hime..."
"Huwag mo akong tawagin ng ganiyan," agarang putol ko sa kaniya.
Huminga siya nang malalim. Tila humuhugot ng ipapaliwanag sa akin. "Noong nahanap kayo ng Papa mo, ipinadala niya agad ako. Sinabihan niya akong huwag lumapit sa'yo pero kailangan kitang bantayan. Kaya nakipagkaibikan ako kina King para magkaroon ako ng mas maraming panahon upang magawa ang trabaho ko. Habang binabantayan kita'y nagmamasid din ako sa kanila. At hindi nga nagkamalibang Papa mo, Mika. Ang mga Carlysle ang nasa likod ng lahat ng mga kaguluhan sa pamilya mo," paglalahad niya sa akin.
May hatid na ibayong kirot sa puso ko muling marinig ang pangalan ng taong dumurog sa akin. Unti-unting nabubuo sa aking isipan ang lahat at kasabay nang pagkabuo nito'y ang pangingilid ng luha ko.
"Plinano niya lahat," nanghihinang bulong ko.
"Oo, Mika, mula sa una ninyong pagkikita hanggang sa huli, lahat nakaplano. Maging ang mga karakter sa kuwentong binuo niya'y mga tauhan nilang lahat," pagsang-ayon niya sa akin.
Napahawak ako sa dibdib ko. Matindi ang kirot na nagagawang pasikipin at pabigatin ang loob ko. Kusang nagandas ang mga luha na naipon sa aking mga mata.
"Ang tanga ko," mahinang sabi ko at walang lakas na napa-upo na lang. Tuluyan na akong napahikbi sa sakit na parang bombang sumabog sa akin.
Pinaglaruan niya ako. Ang taong pinagkatiwalaan ko'y nagawa akong saktan at paikutin sa mapaglaro niyang mga palad.
Mas lalo pa akong napaiyak nang sumubsob ang mukha ko sa malapad na dibdib ng kapatid ko.
"They won't get away with the pain they've caused you. We'll get even," nanggagalaiting sumpa niya.
Hindi ako nakasagot, ang tanging nagawa ko lang ay maging mahina at umiyak.
BINABASA MO ANG
The King's Queen
ChickLitA cliché story of modern fairytale. Can the King protect his Queen from the evil monster who wnts to take her away from him?