It's a common day, I guess. King and I were walking through the hallway papunta sa gate dahil at long last uwian na. Tipikal na asaran lang kami.
Wala pa ring pagbabago sa pananamit niya at unti-unti na rin naman akong nasasanay sa get up niya. 'Yaan na, diyan siya masaya e.
"Woah! King, sino yang kasama mo? Pakilala mo naman kami?"
Kumunot ang noo ko at taas kilay na lumingon sa kung sinomang mala-tornado sa kahanginan na nagsalita.
My eyes traveled down from his toes pataas sa katawan papunta sa napakalaki nyang ulo.
Fine!
That's figurative.
Tsk. Akala mo naman gwapo, lalaking hipon lang pala. Mas gwapo pa 'tong alalay ko ng 'di hamak.
Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak niya sa braso ko kaya agad akong napalingon sa kaniya.
Binubully ba siya dito? It's been more than a week pero ngayon ko lang 'to napansin.
Nakayuko lang s'ya pero hindi naimik.
A, hindi pwede sa akin iyan.
At dahil ako si Mika, I flipped my hair at kinuha ko yung kamay niyang nasa braso ko. I intertwined his fingers with mine. Ang lamig nang kamay n'ya.
Nanlaki ang mga mata inyang tumitig sa kin na puno ng pagtataka. I smiled sweetly but dangerously. Tsaka humarap sa hipon, I mean sa lalaking mukhang hipon.
O 'di ba? Parang nasa karagatan lang talaga kami, mga babaeng hipon na mukhang pugita at mga lalaking mukhang hipon.
"I'm Mika, girlfriend niya, may problema ba?" sabi ko na parang anghel.
Well, mukha naman talaga akong angel.
"B-boyfriend mo yan?" tumatawang sabi ng lalaking hipon na para bang diring-diri. "Sayang ang ganda mo pa naman, tanga ka lang. Ang daming lalaki, sa mahina ka pa pumatol!" tatawa siyang lumapit sa amin.
Pinangatawanan talaga niya ang pagkahipon, nung itapon yung ulo kasama utak, leche!
Pakiramdam ko lahat ng dugo ko sa katawan, umakyat sa ulo ko.
AKO LANG ANG MAY KARAPATANG MAMINTAS DAHIL AKO LANG ANG MAGANDA!
"Hoy lala-" agad na naputol ang speech ko dahil sa biglang pagsigaw ng alalay ko.
"Tama na," bulong niya at mabilis na tumalikod at tumakbo.
Pero dahil magkahawak kamay kami, tangay niya rin ako.Kaya ang beauty ko ngayon, runner ang peg!
Hanggang makarating kami sa labas, dinig ko pa rin ang tawanan sa hallway.
At hanggang ngayon ay mahigpit paring nakahawak ang baduy na to sa kamay ko.
"Hoy, King, baka naman pwede mo ng bitawan 'yong kamay ko?"
Pero ang damuhong to parang walang narinig, tuloy-tuloy pa rin sa pagtakbo.
For my unfading beauty's sake, pagod na ko!
Tila naman narinig niya ako, huminto siya at dahil nga mabilis kami, bumangga ako sa likuran niya.
Ah! ang ever perfect nose ko!
Humarap siya sakin ng may nakakalokong ngisi.
Nabaliw pa yata.
"Anong nginingiti-ngiti mo riyan?" masungit na tanong ko. Eh kasi nga 'yong ilong ko!
"Sabi mo kanina girlfriend na kita. So if I'm King, that makes you my Queen, diba?"
BINABASA MO ANG
The King's Queen
ChickLitA cliché story of modern fairytale. Can the King protect his Queen from the evil monster who wnts to take her away from him?