Ikalabingisang Yugto

25 4 0
                                    

Akala ko magiging maayos na ang lahat, not that I regret giving myself to him because that's the best decision I've ever came up with, but slowly I can see King slipping away from me.

Hindi ko alam kung ano ba ang nangyayari pero unti-unti siyang nagbabago, unti-unti siyang nanlalamig.

"Hindi kita masusundo mamaya may gagawin ako," walang emosyong sabi niya sa akin.

I was hurt but I kept my cool and smiled.

"It's okay, I'll call Kuya na lang to fetch me later," I answered sweetly but he just nodded in return.

We've reached the parking lot at bumaba na siya mula sa sasakyan niya. While I was still seated on the passenger seat waiting for him to open the door beside me. Hinintay ko siyang alalayan ako pero binigo niya ako.

"Ano hindi ka pa ba bababa, malelate na ako!" sigaw niya and I flinched. Ako na ang nagbukas ng pinto at dali-daling bumaba. Hindi ko pa man naihahakbang ang mga paa ko'y nagsimula na siyang maglakad ng maibilis. I have to jog pa para makahabol sa kaniya Nang makalapit ako sa kaniya ay sinubukan kong hawakan ang kamay niya. I held his hand pero binitawan niya rin ang kamay ko kaagad. Itinago niya ang mga kamay niya sa bulsa ng pantalon niya.

Muli nasaktan na naman ako at napahiya sa sarili ko. I stopped walking and took a deep breath. Naninikip na kasi ang dibdib ko making it uncomfortable to breath.

Huminto rin siya pero bakas ang pagkayamot na tumingin sa akin.

"King may problema ba tayo?" sa wakas ay nagawa kong maitanong. I swallowed the lump forming inside my throat. Pinilit kong maging natural ang hitsura ko kahit nasasaktan ako.

Nakita kong namuo ang kalungkutan sa mga mata niya pero mabilis din iyong nawala.

"Wala," iyon lang ang isinagot niya sa akin . Tumalikod na siya paaalis.
Hindi man lang ako naihatid sa class room ko kagaya ng dati.

Sa buong oras ng klase ko ay lutang ako. Wala akong ibang ginawa kundi ang isipin kung may nagawa ba akong mali. Ngunit kahit na ano pang pilit ko ay walang malinaw na sagot sa asal ni King sa akin.

Paglabas ko ng class room ay nadismaya ako ng wala roon si King na naghihimtay sa akin.

Napayuko na lang ako at napahawak sa dibdib ko. Sobra na niya akong nasasaktan.

Siguro sumuko na siya nang marealize niya kung gaano kagulo ang buhay ko. Kung gaano kakumplikado ang lahat pagdating sa akin.

Sa bagay sino nga ba naman ang handang isugal ang buhay para sa tulad ko lang.

Gosh Mika, your devaluing yourself na.

Napakurap ako nang may dalawang daliring pumitik sa harapan ko. Nang iangat ko ang ulo ay ang mukha ni Duke ang bumungad sa akin.

"Kanina ka pa tulala riyan mukha ka ng tanga," walang emosyong sabi niya.

Ang harsh lang! Leche!

Inirapan ko nga.

"Mukhang may problema ka?" dabi niya ulit pero hindi ko siya sinagot, wala ako sa mood.

Narinig ko siyang bumuntong hininga. Hinila niya ako palabas ng school.

"Tara bilis," aniya at nago pa ako makapagreklamo ay mabilis na niya akong tinangay.

Sa isang karinderya sa labas ng campus kami huminto.

"Ate Tasya, limang adobong itlog na may asukal," order niya.

"O, Duke, bago yata yang kasama mo ngayon," sabi ng tindera na wagas kung makangiti sa akin.

Mabait naman ako kahit wala ako sa mood kaya nginitian ko lang din.

"A, si Mika, kaibigan ko," pakikala ni Duke sa akin.

Umupo kami sa plastic na upuan sa harap ng magabang lamesa. Nang ilapag ang mga inorder niyang itlog ay napanganga na lang ako.

Mabilis na sinubo niya ang isang buong itlog na para bang aagawan ko siya ng kinakain niya. Sa kaniya lang pala 'yong inorder niya. Leche siya!

Hindi man lang ako alukin.

"Mahilig akong kumain ng itlog, kami nina Knight at Prince," kuwento niya kahit wala akong pake. Ang kniisip ko ay kung bakit niya ako dinala rito. "Si King ayaw dito, maarte sa pagkain. Hindi iyon kumakain ng itlog."

"Bakit mo ba ako dinala rito?" tanong ko sa kaniya. Kung makikipagkwentuhan lang siya bakit hindi na lang 'yong dalawang kumag ang isinama niya.

Hindi niya ako sinagot kaagad dahil may itlog pa sa bibog niya. Uminom muna siya ng tubig bago muling humarap sa akin.

"Nakakapanibago pala kapag ganitong tahimik at masungit ka."

"Nakakapanibago rin kapag madaldal ka," inis na sagot ko sa kaniya pero tinawanan lang niya ako.

Ano bang mayroon sa mga magkakaibigan na 'to at tinatawanan lang ako kapag nagagalit? Mga leche!

"Alam kong nagkakagulo kayo ni King ngayon, gusto ko lang sabihin na kukunin kta sa kaniya kapag binitawan ka niya," diretsong sabi niya na nagpangalit sa mga panga ko.

Sa galit ko ay napatayo ako at nasampal siya ng malakas. Bumaling sa kabila ang ulo niya at kitang kita ko ang bakat ng palad ko sa maputing mukha niya.

"Ano bang akala n'yo sa akin, laruan na puwede ninyong pagpasapadahang magbabarkada?" I shouted on the top of my lungs. Nanginginig ako sa galit sa kaniya.

Nasasaktan din. Kaibigan niha si King pero heto siya at patalikod kung gumalaw.

"Hindi ko alam na ganyan pala kababa ang tingin mo sa akin," basag ang boses na sumbat ko sa kaniya. "Isa pa, kaibigan mo si King, higit pa sa kapatid ang turing niya sa iyo, paano mo nagagawa 'to sa kaniya?"

Tuluyan ng nang labo ang mga mata ko sa pagiipon ng luha sa aking mga mata.

"Wala muna akong pakialam kay King, maraming nagmamahal at umaalalay sa kaniya. Sa'yo ako may pakialam dahil gusto ko sa akin ka sumandal kapag hindi na niya kayang ibigay ang mga balikat niya sa'yo!" sigaw niya rin sa akin.

"Ano?"

"Gusto kong takpan ang butas na gagawin niya sa riyan sa puso mo," mahinang bulong niya.

Nalilito ako sa mga ikinikilos niya. Parang ibang tao ang nasa harapan ko.

"Hindi kita maintindihan."

"Ang gusto ko lang naman ay malaman mong matatakbuhan mo ako kapag kailangan mo ng taong uunawa sa'yo Mika."

The King's QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon