2. Friends?

796 21 3
                                    

W I N T E R ' S  P O V.

Bumili ako nang pagkain ko at naupo sa tabi ni Tia na nauna nang kumain. 

"Alam mo Winter, iniisip ko coincidence ba talaga na 'Winter' ang pangalan mo at 'Summer' naman siya." napatingin naman ako sa kanya.

"Coincidence naman talaga eh, hindi nga kilala yun ng Dad ko. At lalong hindi ko yun kapatid." depensa ko saka kumagat sa pizza ko.

"Eh? Ganun. Pero alam mo ba, famous daw yun sabi ni Curl." 

"Famous? Siya? Bakit hindi ko siya kilala?" pagtataka ko.

"Yeah. Famous siya sa facebook world."

"Eh kung famous sya sa fb edi sana kilala ko siya." humigop ako sa juice na hawak ko.

"Yung totoo Lynn? Ba't ang bitter mo sa kanya?" napatingin ako sa kanya. Puzzled.

"Ako? Bitter? Kanino?" 

"Kanino pa ba? Edi dun kay Summer. Duh." She rolled her eyes.

"Gaga! Hindi ako bitter, eh sa hindi ko talaga siya kilala eh."

"You sounds bitter kanina eh.. Psh" pilit niya pa.

"Hindi nga ako bitter." nagpatuloy lang ko sa pagkain at ganun din siya.

"Uy, nakita ko yung transferee na maganda. Yung Summer, magkasama sila ni Austin dun sa garden." 

"Oh? Talaga? Baka nililigawan niya yung Summer?"

"Hindi naman ata. Alam mo namang may girlfriend si Austin at si Winter yun."

Napatingin sa akin si Tia. Nagulat ako nang hilain niya ako papalabas ng canteen.

"Tiaraaaaaaa! Anong ginagawa mo?!"

"Hindi ba halata??? Hinihila kita!!"

"Saan tayo pupunta?" Seryoso, hindi ko alam kung san kami papunta.

"Sa garden!" EH? Anong gagawin namin dun? Huli na nang magtanong ako. Nasa tapat na kami ng garden at kitang-kita namin sina Austin at S-summer.

Nag-uusap sila. 

"Tara, lapitan natin sila." Hindi na ako nakapalag pa at hinila na naman niya ako.

"Hi Austin!" bati ni Tia. Napatingin naman sila sa amin. Napatayo si Ausin nang makita kami.

"Oh, ba't kayo nandito ni Lynn?" tanong niya.

"Eto kasing si Lynn, hinahanap ka. Namimiss ka na daw." eh? Bigla akong hinila ni Tia papalapit kina Austin.

"Ah ganun ba." napakamot sa ulo si Austin. Napatingin naman ako kay S-summer.

"Ano bang ginagawa mo Tia?" Bulong ko kay Tia. Kinindatan niya lang ako. Eh? Baliw talaga 'tong si Tia.

"Ah, ipakilala mo naman kami dyan sa babaeng yan Aus!" Langya 'to si Tia. Ano bang pinaplano nya??

"Ah, Lyian. This is Tiara and Winter." pakilala niya sa amin.

"Hi! Ako yung Tiara, sya si Winter. Girlfriend ni Austin." diniinan talaga ni Tia ang salitang 'girlfriend'. Kinurot ko siya sa tagiliran. Tiningan naman nya ako ng what-look. Nakakahiya kay S-summer, baka kasi isipin niya na pinapamukha namin sa kanya na may girlfriend si Austin.

"A-ah.. Summer. Friends?" inilahad niya ang kamay niya sa akin. Ba't sa akin?

Ba't sa akin nakatapat? Hindi kay Tia?

My RivalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon