10. Everything has changed.

1.3K 42 37
                                    

A U T H O R ' S P O V.

Iminulat ni Winter ang kanyang mga mata. Nagsimula siya sa pag-uunat at paghikab. Gumuhit ang isang nakakalokong ngiti sa labi niya nang makita ang repleksyon sa salamin na nasa harap ng kama niya. 

Masaya siyang naligo at nagbihis ng unifrom niya. Inayos niya na ang sarili niya sa harap ng salamin. Tinitigan niya ang salamin niya na nakalapag sa side table niya. Hindi ko na iyan kailangan. Sa isip ni Winter. Kinuha niya ang back pack niya at lumabas ng kwarto. 

Sakto naman ay bumukas din ang pinto ng katapat na pinto ng kanyang kwarto. Kwarto iyon ni Summer. Tinaasan niya ng kilay ang kapatid saka naglakad papunta sa hagdanan. Ramdam niya naman ang pagsunod ng kapatid niya. Bumaba sila ng hagdan.. Naabutan nila ang kanilang mga magulang na nagkakape sa sala. 

"Good morning Tita, Papa." rinig kong bati ni Summer kina Mom at Dad. Dire-diretso lang ako papunta sa pinto.

"Winter, hindi ka magbe-breakfast?" tanong ng Mom nila.

"Yes. Bye." walang emosyon nitong sabi saka lumabas ng mansyon. 

Sumakay kaagad ng kotse si Winter, this time kotse na niya ang gagamitin niya. Hindi na siya magpapahatid or what. Ihinagis niya ang back pack sa loob ng sasakyan saka siya pumasok sa loob nito. Ini-start niya ang makina at pinaandar ito.

Bago siya tumungo sa paaralan ay dumaan muna siya sa 7/11. Ipinarada niya ang kotse at saka pumasok sa loob. Bumili siya ng pagkain dahil nagugutom siya. Ayaw niya lang talagang kumain sa mansyon nila dahil nakakawalang gana.

Mabilis niyang pinatakbo ang kotse niya papuntang paaralan. Namangha ang mga estudyante nang makita ang kotse niya, ngunit mas lalo pa silang namangha nang bumaba si Winter. Alam nilang may nagbago dito. Ang buhok niya, ang ngiti niya at ang galaw niya. Ibang-iba na ang aura niya. Lahat nagbago sa kanya.

Napatitig si Tia nang makita ang kaibigan niya.. Alam niyang may mali dito.

"Winter, what happened to you?" tanong nito. Pansin niya ang pagbabago ni Winter, lalo na sa paglakad.

"Nothing. It's just that I've changed." sagot ni Winter habang nakangiti..

"Winter." napatingin sila sa tumawag kay Winter, Si Dale.

"Hi Dale." bati ni Tia, tiningnan lang siya ni Dale. Lumapit si Winter kay Dale at agaran niya itong hinalikan sa gilid ng kanyang labi. Nagulat si Tia sa nakita pati ang ibang estudyante. Maging si Dale rin ay nagulat sa ginawa ni Winter.

"Hey baby." bati ni Winter kay Dale. Kahit na gulat na gulat si Dale sa inakto ng dalaga ay nakabawi naman agad siya.. Ipinulupot niya ang kamay sa bewang ni Winter.

"Hey, kayo na ba?" paningit ni Tia. Napatingin sa kanya sina Dale at Winter.

"Hell yeah." nakangiting sagot ni Winter saka hinalikan si Dale sa harap ng maraming estudyante. Lahat sila ay napasinghap sa ginawa ni Winter, tumagal ang halik na iyon sa loob ng sampung segundo.

"Winter!" sigaw ni Austin at saka hinila papalayo si Winter kay Dale. 

"Are you insane?!" sigaw ni Austin kay Winter. 

"Hahahahahaha, no I'm not. And, err.. Don't touch me." inialis niya ang kamay ni Austin na kahawak sa kanya na parang diring-diri dahil madumi ito.

"Winter.. Ano bang nangyayari sa'yo?" tanong nito sa dalaga.

"Nothing! I'm just kissing my boyfriend." Napailing si Austin, hindi ito si Winter na nakilala niya. 

"Kissing your boyfriend in public?!" sigaw ni Austin, ngayon ay nagawa na talaga sila ng eskandalo.

"So what?" nakataas na kilay na tanong ni Winter dito. Nasa likod lang ni Austin si Summer na nanonood sa ginagawa nila.

"Winter,  hindi mo dapat ginawa 'yon!" sigaw muli ni Austin.

"Don't tell me what I'm going to do. Kaya ko ang sarili ko at alam ko ang ginagawa ko. Get lost Austin!" ngayon lang nila nakitang magpaka-bitch si Winter. And expected, lahat sila ay nagulat.

"H'wag ka nang lalapit sa girlfriend ko, Austin. You know what can I do." may pagbabanta sa boses ni Dale nang sabihin niya iyan kay Austin. Nilapitan niya si Winter at inilagay ang kamay niya sa bewang nito.

"And oh, muntik ko nang makalimutan.. Thank you for hurting me Austin. Thank you." sarkastikong sabi ni Winter habang nakangiti. Sabay silang umalis doon at tumungo sa pinaka-loob ng campus. 

"She's changed." bulong ni Summer nang maka-alis sina Winter at Dale.

Lumipas ang araw, linggo at buwan, pansing-pansin ang pagbabago kay Winter. Hindi na siya ang dating Winter. Naging aloof na siya sa kanyang mga magulang. Nagme-make up na din siya ngayon at nagsusuot ng mga maiiksing dress. Unti-unti siyang nagiging bitch.

Nagbago na din ang buhok nya na nuo'y dating tuwid, ngayon medyo kulot na ang ibabang bahagi nito. High heels na din ang mga sapatos niya, ang ang bag niya.. Hindi na back pack. Kung titingnang mabuti, mukha na siyang kolehiyo dahil sa porma niya. Hindi na din niya pinapansin si Tia, ang bestfriend niya dahil nakita niya itong kausap si Summer at nagtatawanan pa. 

Lahat ng kinakausap ni Summer ay hindi na niya pinapansin. She really hates her sister. Kapag nakikita niya si Summer, kumukulo agad ang dugo niya kaya naman madalas ay inaaway niya ito. Pansin ni Winter na lahat ng close niya sa school at maging sa pamilya niya ay nakay Summer na ang atensyon, iyon din ang naging dahilan kung bakit mas kinamumuhian niya ito. 

Ngunit sa kabila nang lahat ng pagbabago ni Winter, may ugali siyang hindi nagbago para kay Dale. Ang pagiging masayahin. Kahit na BITCH na ang tawag o tingin sa kanya, hindi mo pa din maaalis sa kanya ang pagiging masayahin niya. She's only happy when she's with Dale. 

"Hey baby." tawag ni Dale kay Winter na kasalukuyang nakaupo sa isang bench. 

"Hey." bati pabalik ni Winter kay Dale, naupo si Dale sa tabi ng dalaga.

"How's your day?" tanong niya sa dalaga.

"Ugh, fcked up. Inaaway na naman nila ako." Sumbong ng dalaga sa nobyo. Napa-pout pa ito na ikinatuwa ni Dale.

"Just ignore them, okay?" 

"I can't help it eh. Gusto ko din kasing makipag-sagutan sa kanila. You know, sumisigla ako kapag naookray ko sila." Niyakap niya ang nobya.

"Palaban ka na talaga. Kaya mahal na mahal kita eh." namula naman ang pisngi ni Winter dahil sa sinabi ng nobyo. Kahit na ilang buwan na silang magkasintahan ay hindi niya pa ding maiwasang kiligin sa mga salitang binibitiwan nito. It tickles her ear.

"I love you more." nakangiti at nahihiya pang sabi ni Winter. Mas lalong hinigpitan ni Dale ang yakap kay Winter.

"Kiss me if I'm wrong but Dinosaurs still exist right?" bulong ni Dale. Napatingin naman si Winter kay Dale. 

"I know you Dale Atienza! You just want to taste my lips!" asar ni Winter kay Dale. Tila nahihiya namang kumamot sa batok si Dale dahil sa sinabi ng dalaga.

"Galawang Atienza talaga eh no. I love you." Winter said, before she claimed Dale's lips.

The end.

My RivalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon