4. Just wait..

611 18 2
                                    

W I N T E R ' S P O V.

"Class! Quite!" sigaw ni Ma'am with matching hampas sa desk nya. Natahimik naman kaming lahat.

"Hindi lang yun ang ia-announce ko. It's about your last project sa subject ko. Ipagpapartner ko kayo para sa research paper niyo." eh? Research paper agad? 

"Ma'am kailangan by partner talaga?" tanong ni Tia.

"Yes. Ia-announce ko ang partners niyo bukas. At dahil may meeting kami ngayon, class dismissed." Bayan, research paper na kagad. :3 Inayos ko ang bag ko at tumayo na.

"So let's go?" aya ni Tia. 

"Saglit lang." sabi ko sa kanya. Nilapitan ko si Austin.

"Austin." Napalingon naman siya sa akin, pati si Summer.

"Yes babe?" nakangiti siya sa akin. Oh my guls~ Kinikilig telege ako pag tinatawag nya akong babe. Emeghed! *u*)

"Mall tayo?" aya ko sa kanila.

"Sure!" nakangiti naman nyang sagot saka umakbay sa akin. "Let's go!" nagsimula na kaming maglakad ni Austin, nakangiti naman sa amin si Tia.

"Uh, pwede bang sumama?" napalingon kami kay Summer. Nakangiti siya sa amin.

"Uh.."

"Oo naman!" hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang pumayag si Austin. Napatingin ako kay Tia, she shrugged.

-

Agad naman kaming nakadating sa mall. 

"Guys, kain muna kaya tayo? Libre naman ni Winter eh." sabi ni Tia. Kahit kailan talaga, napaka-pg nang babaeng 'to. :)

"Oh talaga babe? Tara sa Gerry's Grill tayo!" Ay shala. Gerry's Grill pa talaga. Pwede namang kfc na lang :3

Kumain kami sa Gerry's Grill. Si Austin at Summer lang ang nag-uusap. Si Tia kumakain, ako? Tahimik lang. Hindi ako makasabay sa kanilang dalawa.

"So, bakit ka nagtransfer sa school Summer?" paningit kong tanong. Napatingin naman sila sa akin. Nahalata atang nao-op ako.

"Ah, yung father ko kasi. Inilipat niya ako doon. Ba't mo natanong?" sagot niya.

"Ah, kasi naman matatapos na ang school year tsaka ka pa nagtransfer." sabi ko.

"Oo nga eh, wala naman akong magagawa. Gusto niya yun eh. Gusto niyang makabawi sa akin."

"Makabawi?" tanong ni Tia. Tumango si Summer saka nagsalita ulit.

"Ngayon ko lang kasi siya nakilala dahil iniwan niya kami ni Mama." Kaya pala. 

"Alam mo Summer, balita ko famous ka daw?" napatingin ako kay Tia. Ngumiti siya sa akin na parang ewan.

"Hindi naman.. Sabi lang nila." nahihiya niyang sabi.

After naming kumain, nagpunta lang kami sa Timezone. Naglaro sila ng naglaro. Ako? Hindi ko alam kung bakit di ako makasabay. Para bang may mangyayari na di ko inaasahan.. Nauna nang umuwi sa amin si Summer, pupuntahan pa daw niya ang Daddy niya. 

"Babe.." napatingin ako kay Austin.. Andito kami sa Sweeterin Cafe. Ito yung place kung saan siya naconfess ng feelings niya sa akin.. Dito din yung place kung saan ko siya sinagot matapos siyang manligaw sa akin. Dito din namin cine-celebrate ang monthsaries namin at ang 1st anniversary namin.

"I love you." :) nakangiti niyang sabi, napangiti naman ako.

"I love you more." :)

Tulad nang dati, nagkwentuhan lang kami sa mga nangyari sa amin this summer. Hindi kasi kami magkasama nun. Nasa palawan kasi siya non.

"Babe, kailan mo ba ako ipapakilala sa mga magulang mo?" natigilan ako sa tanong niya. Oo, magto-two years na kami pero hindi pa kami legal sa pamilya ko. Ang sabi ni Dad kailangang makatapos muna ako ng High school bago magboyfriend.

"Malapit na babe. Konting tiis na lang oh." napalook down siya. Alam kong magtatampo siya.

"Babe, ang tagal na natin oh. Hanggang kailan pa ba ako magtitiis?" Urgh. Nagtatampo na nga siya. Kinuha ko ang kamay niya at hinawakan iyon.

"Pagkagraduation, ipapakilala kita sa kanila. Sure na yan." :) Nakasimangot pa din siya.

"Ang tagal pa niyan. Pero okay lang, magtitiis na lang ako." pilit siyang ngumiti. Gusto ko man siyang ipakilala noon pa ay hindi ko magawa.. Baka kasi hadlangan nila ang relasyon namin eh.

"Tara na, hapon na. Baka hinahanap ka na nila. Ihahatid na kita." tumayo kaming dalawa at lumabas ng coffee shop. 

"Magpapasundo na lang ako. Mauna ka na babe. Okay lang ako." 

"Ganun ba? Sige, una na ako. I love you." hinalikan niya ako sa noo at sa labi.

"I love you too." sinundan ko ang likod niyang papalayo na sa akin..

Maipapakilala din kita Austin. Just wait..

My RivalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon