7. Revelation..

760 23 6
                                    

W I N T E R ' S P O V.

"Ba't ngayon ka lang?" tanong ni Daddy nang makapasok ako ng mansyon. Madilim na kasi nang makadating ako dito sa bahay galing kina Dale. Medyo malayo kasi ang mansyon namin kina Dale kaya ayun.

"Gumawa po kasi kami ng research paper sa bahay ng classmate ko." sagot ko. Dumiretso ako papa-akyat sa hagdan, pagod na kasi ako. Gusto kong magpahinga.

"Sabihin mo nga Winter, may boyfriend ka ba?" napahinto ako sa pag-akyat ng hagdan. Nakatayo si Daddy sa sofa habang nakatitig sa akin.

"May boyfriend ka ano?" medyo napataas ang boses ni Daddy.

"Opo, may boyfriend ako." sagot ko. Naisip ko kasi na sabihin na lang din, tutal tinanong na naman ni Daddy e. Gusto ko na din kasi na maging legal kami ni Austin sa family ko.

"Anong sabi ko sayo Winter?! Huh?!" sigaw ni Daddy, natatakot ako.

"Daddy, mahal namin ang isa't-isa." dipensa ko.

"Pero hindi ka pa nakakapagtapos ng pag-aaral!" 

"Daddy makakapagtapos naman po ako eh! Kaya ko naman pong ipagsabay ang pag-aaral at ang pagkakaroon ng relasyon." hindi ko namalayang natulo na pala ang luha ko. Mahal ko si Austin kaya ko ginagawa ito. 

"I don't care! From now on, hatid-sundo ka na. Hindi ka na pwedeng umuwi nang ganitong oras. Tapusin mo ang relasyon mo sa lalaking yan Winter. Alam mo ang kaya kong gawin." tumakbo ako papaakyat at papasok sa kwarto ko. Isinara ko nang padabog ang pinto at ni-lock ito.

Ba't ba ganun? Nag-aaral naman ako ng mabuti ah. Wala naman akong bagsak. Candidate na nga ako sa pagiging Valedictorian eh Ba't ba hindi nila maibigay ang gusto ko? Isa lang naman yun e.. Yun ay ang maging legal kami ng boyfriend ko.. ni Austin.

Isinubsob ko ang mukha ko sa unan ko saka umiyak nang umiyak. Lahat naman ng gusto nila ginagawa ko e. 

Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.. Gumising sa akin ang sinag nang araw na nanggagaling sa malaking bintana ng kwarto ko. Naka-uniform at nakasapatos pa din ako. Inayos ko ang sarili ko sa pagpasok sa school. Mugto pa ang mga mata ko nang tumingin ako sa salamin. Naabutan kong nagkakape si Daddy sa sala, habang si Mommy naman ay umiinom ng tsaa.

Tiningnan ko lang sila sandali saka lumabas ng mansyon.

"Winter!" pagtawag ni Mom sa akin. Hindi ko siya nilingon, papasok na sana ako ng kotse nang hilahin niya ako paharap sa kanya.

"Winter.." tawag niya sa akin. Mukha siyang awang-awa nang makita ako.. Hindi ko mapigilang mapaluha.

"Winter, kung ano man ang sinabi ng Daddy mo sundin mo.. Kahit masakit pa iyan.. Para naman iyon sa ikabubuti mo anak. Ginawa yun ng Dad mo para sayo."

"Hindi po ba pwedeng maging masaya?" tanong ko.

"Hindi namin ipinagbabawal ang maging masaya anak, ang sa amin lang ay magtapos ka muna ng pag-aaral bago ka sumabak sa isang relasyon." huminga ako ng malalim at saka pumikit.

"Hiwalayan mo ang lalaking iyon anak kung ayaw mong may gawin ang Daddy mo sa kanya.. Mag-iingat ka ha? Umuwi ka kagad, may sasabihin kami ng Daddy mo." hinalikan niya ako sa noo, pumasok ako sa loob ng kotse. 

Bago ako lumabas ng kotse ay inayos ko ang sarili ko. Pinunasan ko ang mga mata kong patuloy na naglalabas ng mainit na likido. 

"Oh? Ba't ganyan ang mukha mo?" tanong ni Tia nang maupo ako sa upuan ko at nang makita niya ako.

"Mukha kang luging-lugi sa sugal." dugtong pa niya. Nakahalata naman siya na hindi ako okay, kaya hindi na siya nagsalita ulit. 

Lumipas ang ilang subjects at lunch na, hindi pa din ako naimik. Hindi ko feel na magsalita. Wala ako sa mood. Nakaupo ako dito sa bench, mag-isa ako. Wala si Tia, magkasama sila ni Gerard. Nagiging close na ata sila. 

My RivalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon