5. Kaasar!!

617 22 5
                                    

W I N T E R ' S P O V.

Nakaupo lang ako sa upuan ko habang hinihintay si Tia. Asan na ba kasi yung babaeng yun? Ang tagal-tagal. For sure, nagsasapatos palang yun. :3

"Good Morning class!" bati ni Ma'am sa amin, ang tagal talaga ni Tia. Late na siya oh. Nagulat kami nang biglang bumukas ang pinto at bumungad sa amin ang hinihingal na si Tia. Gulo-gulo pa ang buhok niya, halatang di pa nagsusuklay.

"You're late Ms. Gonzales."

"Wala pa ngang one minute ma'am eh." dipensa ni Tia sa sarili, napailing na lang si Ma'am at naupo sa desk niya. Naupo na naman sa armchair niya si Tia. Magsasalita na sana si Ma'am nang bigla na namang bumukas ang pinto. 

Si Dale Atienza, kilala siya dito sa school bilang 'cold' guy. Wala yang pinapansing babae pero ang daming nahuhumaling sa kanya. Ang cool niya daw kasi. Nakapamulsa siya. Dire-diretso siyang pumunta sa upuan niya. Sa may bintana.

Magsasalita na sana ulit si Ma'am nang bumukas na naman ang pinto. Iniluwa noon si Austin.. pati si Summer.

"Ba't magkasama sila?" yan ang tanong na narinig ko mula kay Tia at sa iba pa naming mga kaklase.

"Sorry ma'am we're late." paumanhin ni Summer, tumango lang si Ma'am senyales na pwede na silang maupo. 

"Okay, gaya nang sabi ko kahapon. Ngayon ko na sasabihin ang mga partner niyo sa gagawin niyong project." Sana si Austin ang kapartner ko. :''>

"Gonzales at Berdin." Awts, partner pa ni Tia ang pinakakinaiinisan niya. :3

"Reyes and Alcayde, Revon and Atienza." WHUT? Ako at si Dale? Ang magkapartner? Wtf. No way! Tumayo ako.

"Ma'am! Hindi po ba pwedeng si Austin na lang ang partner ko?" tanong ko. 

"Hindi pwede. Ikaw at si Atienza talaga." eh?

"Pero ma'am—"

"Ayaw mo ba sa akin Winter?" nagulat ako nang magsalita si Dale. Nakatitig siya sa akin. Hindi ko alam kung sasagutin ko siya. Feeling ko nabaluktot na ang dila ko.

"Ah.. Eh. H-hindi naman. A-ano lang k-kase.." Ano ba 'to? Ba't ako nauutal? :/

"Kung wala ka nang reklamo Ms. Revon, please take your sit." 

Wala na akong nagawa. Si Dale na ang partner ko. Hindi na ang babe ko.

-

"Girl, ang malas lang natin." napatingin ako kay Tia na biglang nagsalita. Lunch namin ngayon at nandito kami sa gound nakaupo sa bench.

"True." Totoong malas kami ngayon. Siya partner niya ang pinakamayabang at makulit naming classmate at ako ang pinakamaangas at cold guy naming classmate. Nasaan ang katarungan?

"Pero mas okay-okay pa yung sayo eh. Si Papa Dale ang partner mo, eh kamusta yung akin? Si Gerard na saksakan ng yabang! Tch." ginulo-gulo niya ang buhok dahil sa inis.

"Okay lang yan. Isipin mo na lang na para sa grade yun kaya mo ginagawang pakisamahan siya." pampalubag loob ko sa kanya. Bumuntong hininga naman siya.

*bzzzzt. bzzzzt*

May nagtext sa akin. Galing sa unknown number. Binasa ko ito.

From: unknown number

< Punta ka dito sa roof top. Ngayon na. Pag 5 minutes wala ka pa dito. You're dead. >

Eh? Sino naman 'to? Mareplyan nga.

To: unknown number

< Ba't naman kita pupuntahan dyan? Sino ka para utusan ako? >

Message sent!

*bzzzt. bzzzt*

Bilis magreply ah?

From: unknown number

< Boss mo ako kaya inuutusan kita. Ngayon, kung gusto mong magka-grade pumunta ka dito, now. >

Eh?

"Yow, yow, yow!" napatingin kami sa biglang nagsalita. Si Gerard. Napaayos naman ng upo si Tia at sinamaan siya ng tingin.

"Ba't ka andito?" masungit na tanong ni Tia.

"Ba't masama? Ikaw may-ari nito?" dipensa naman ni Gerard. Uh-oh. Away na 'to.

"Oo! Ako may-ari nito! Alis ka nga dito, chupi!" pagtataboy ni Tia.

"Wow ha, ba't mayaman ka ba? Sa pagkakaalam ko kasi si Winter lang ang mayaman." ngumisi si Gerard.

"Ang yabang mo! Pangit ka naman!" sigaw ni Tia, bago pa ako maipit sa dalawang 'to ay unti-unti akong umalis doon at naglakad palayo. Rinig na rinig ko ang sigawan nilang dalawa.

Naalala ko yung nagtext sa akin. Agad akong pumunta sa roof top ng building namin. Pagbukas ko ng pinto. May lalaking nakaupo at nakasandal sa sementong harang.

Si Dale.

"Ba't ang tagal mo?" nakataas kilay niyang tanong.

"Ano naman?" 

"Tss." 

"Anong gagawin ko at pinapunta mo ako dito?" tanong ko. Hinawi ko ang buhok kong humaharang sa mukha ko dahil sa hangin.

"Wala lang." EH? Wala lang?

"Anong wala lang?" naguguluhan kong tanong.

"Trip ko lang papuntahin ka dito. Bili mo nga ako nang tubig. Nauuhaw ako." 

"ABA! Sinuswerte ka ata? Hindi ako utusan oy!" sigaw ko. Ang galing naman ng lalaking 'to. Kung utusan ako akala mo yaya nya ako?Tsk.

"Oo, swerte ako. Kanina hindi, ngayon oo. Utusan na kita simula ngayon Winter. At ako ang boss mo." Wtf. 

"Boss ka dyan! Nababaliw ka na Dale! Bahala ka nga sa buhay mo!" padabog akong umalis at bumaba mula sa roof top. 

Nakakaasar! Sino siya para sabihan at utusan ako ng ganon? At ano daw? Utusan niya ako at boss ko siya? Wow! Sinuswerte talaga siya kapag ganun! Haist nakakaasar! >_<

Bumalik ako sa bench kung saan ko iniwan si Tia at Gerard. Naabutan ko namang nakacross arms si Tia sa dulo ng bench samantalang si Gerard naman ay nakade-kwatro sa kabilang dulo ng bench. Mga nakasimangot pa. :3

"Problema nyong dalawa?" tanong ko nang makalapit ako.

"SIYA KASI EH!" sabay nilang sigaw habang nakaturo sa bawat isa.

"Psh."  umirap si Tia at saka tumingin sa kanan, ginaya naman ni Gerard yung ginawa ni Tia.

"Kung naasar kayo sa isa't-isa mas naaasar ako sa kanya! Haist! Nakakapangigil. Gusto ko siyang sabunutan." sabi ko saka umupo sa gitna nang dalawa.

"Kanino ka naman naasar?" tanong ni Tia.

"Kay Dale! Psh."

"Bakit?" tanong ni Gerard.

"BASTA! NAKAKAASAR SIYA!" sigaw ko. Nakakaasar talaga.

Hmp.

My RivalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon