9. Pain makes people change.

817 25 6
                                    

W I N T E R ' S P O V.

Habang tumatakbo ay kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ko at dinial ang number ni Dale. It takes 5 rings nang sagutin niya.

"D-dale.." 

"[Oh, Winter. Kailangan mo?]" 

"I need you Dale." Inayos ko ang pagsasalita ko pero 'di ko din napigilang humagulgol.

"[ARE YOU CRYING?!]" sigaw niya sa kabilang linya.

"[Nasaan ka?]" tiningnan ko ang paligid ko kahit na nanlalabo ang mata ko  dahil sa mga luhang naiipon dito. Nakita ko ang sign ng Jollibee na drive thru.

"Andito a-ako malapit s-sa drive thru ng J-jollibee." putol-putol kong sagot sa tanong niya.

"[H'wag kang aalis dyan! Papunta na ako. H'wag mong ibaba ah!]" tila nagmamadali niyang turan sa akin, nakarinig ako ng tunog ng motor. And next thing I know, may naka-motor na huminto sa harap ko. Bumaba doon ang isang lalaki, tinanggal niya ang helmet niya at dali-daling tumakbo patungo sa akin.

"Winter.." pagtawag niya sa akin saka ako niyakap..ng mahigpit.

"Dale.." niyakap ko siya pabalik. Umiyak ako ng umiyak sa bisig niya, alam kong mababasa ang damit niya pero hindi ko talaga napigilan.

"Shhh.. Tahan na." pagpapatahan niya sa akin habang hinahagod ang likod ko. 

Umalis kami sa lugar na iyon. Hindi na rin ako umiiyak pero maga ang mga mata ko. Hindi ko alam kung saan kami papunta basta ang gusto ko malayo sa lugar na 'yon. Malayo sa kanila. Medyo matagal din bago huminto ang motor niya. Bumaba siya at saka ako inalalayang bumaba.

Nasa isang burol kami, hindi ko alam kung saan ito. Ngayon ko lang ito napuntahan. 

"Halika." inilahad niya ang kamay niya sa akin, iniabot ko ang kamay ko sa kanya saka kami sabay umakyat sa medyo itaas ng burol. Namangha ako sa nakita ko. Ang buong syudad. Kitang-kita ang mga iba't-ibang ilaw na galing sa mga gusali at kung anu-ano pa. 

"Maupo ka." napatingin ako kay Dale, naka-upo siya sa isang nakalatag na kumot. May puno doon kaya sumandal ako sa trunk nito.

"Kakagaling ko lang dito.. kaya may dala akong ganyan." pagtukoy niya sa kumot na nakalatag sa damuhan. Hindi ako umimik.

"Ano bang nangyari? Magkwento ka." napatingin ako sa kanya, seryoso siyang nakatitig sa akin.

Huminga ako ng malalim at nagsimulang magkwento.. Ikwinento ko lahat ng nangyari. Kahit ayokong sariwain sa alaala ko yung nangyari kanina ay kwinento ko pa din. Kasabay n'on ang pagbagsak muli ng mga luha ko. Puro hagulgol ko lang ang nangingibabaw dito, hindi siya nagsasalita. 

Naramdaman ko na lang na niyakap niya ako pero humiwalay naman siya agad. He cupped my face, wiped away my tears using thumb and tucked my hair na humaharang sa mukha ko.

"It'll be okay.. You'll be okay Winter." muli tumulo ang luha mula sa mga mata ko. Hinalikan niya ako sa noo at saka niyakap muli.

-

Nagising ako sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko. Gagalaw na sana ako nang maramdaman ko ang mga bisig na nakapulupot sa akin. Si Dale, mahimbing siyang natutulog habang yakap-yakap ako. Mukha siyang anghel. 

I smiled. :)

Pero hindi fake. 

Tinitigan ko siya ng tinitigan, ang cute kasi eh. Gumalaw siya at nagmulat ng mata. Nagising ko ata dahil sa pagtitig ko sa kanya..

"Good morning." bati niya habang nakangiti.

"Morning." bati ko naman pabalik.  

Nang maramdaman namin ang init ng araw ay umalis na kami doon. Huminto muna kami sa isang restaurant at nag-almusal. Kahit papano gumaan ang loob ko dahil kay Dale. Kahit kasi simple lang ang sinabi niya sa akin kagabi, nakakagaan pa din ito ng loob. Naniniwala siya na magiging maayos din ang lahat.. Na magiging maayos din ako. 

Inihatid niya ako sa gate ng mansyon namin. Hinantay ko munang maka-alis siya bago pumasok sa loob. Habang naglalakad ay di ko maiwasang magisip ng kung anu-ano. Huminga lang ako ng malalim para pigilan ang sarili kong mapaluha ulit.

"Ma'am Winter.. bumalik na po kayo.." Napatingin lang ako sa nagsalita, natataranta niyang binuksan ang pinto at tumakbo papasok ng mansyon. 

"Winter! My baby!" nakita ko si Mom na nagmamadaling bumababa ng hagdan. Yayakapin na sana niya ako ng marahan kong tinabig ang kamay niya. 

"Saan ka ba nagpunta kahapon at nawala ka bigla? Nag-alala ako sayo ng husto!" Ah.

"Really?" walang gana kong tanong. Nagulat naman siya sa inasal ko. 

"Winter!" napatingin kami ni Mom sa tumawag sa akin, si Dad. Nang makalapit siya sa akin ay isang malakas at malutong na sampal ang inabot ko.. Sa lakas ng sampal na yon ay napalingon ako sa kaliwa ko..

Tiningnan ko si Dad, nalasahan ko ang dugo mula sa labi ko.

"W-winter.." nautal na tawag sa akin ni Mom.

"You lied to me!!" sigaw ni Dad. Umirap ako.. muli, nagulat na naman si Mom sa inasal ko maging si Dad ay ganun din.

"So? Ginawa ko na naman ang sanabi mo uh. Nakipag-break na ako. Ay mali, nakipag-break pala siya sa akin. Masaya ka na?" medyo madiin kong sabi.

"W-winter." gritted teeth na sabi ni Dad. I tsk and gave them a smirked. Nilagpasan ko sila ni Mom at nagtungo sa hagdanan. Napatigil ako sa hagdan nang mapansing pababa si Summer. Ngumiti ako sa kanya. Kakaibang ngiti.

"Are you happy now?" tanong ko sa kanya. 

"A-ah. ah. A-ano b-ang sina-sabi mo?" putol-putol niyang tanong.

"Wag na tayong maglokohan dito. You have my family and my boyfriend now.. I know you're happy. Sa wakas at buo na ang pamilya mo." Napayuko siya dahil sa mga sinabi ko. Nahihiya siya? I think no. Hindi naman siya marunong mahiya eh.

"Winter!" nangibabaw ang malakas na sigaw ni Dad sa buong mansyon.

"Tss." umakyat ako ng hagdan, bago ko siya lagpasan ay binangga ko siya dahilan para ma-out balance siya at muntik nang mahulog sa hagdan. Hindi ako naramdam ng konsensya nang makita ko ang worried niyang mukha.

She looked at me.. I just gave her a sweet smile at umakyat na papaakyat.

My RivalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon