♣CHAPTER 10♣

28 2 0
                                    

Joshua's POV

Papunta ko ng kwarto ni Monique ng may mabangga ako.

"A-Aray"angal niya

"Sorry Miss"sabi ko

"OK lang po"sabi niya at umalis na pero may humahabol sa kanya

"Oy!!!! MAE!!!!"sigaw nung lalaki. Parang nakita ko na siya ahh

Huminto siya sa tapat ko at huminga ng malalim. Sino ba re? Parang nakita ko na siya noon ahh. Ahhhh siya ung katabi ni Dazlee nun sa basketball court. Kaano-ano kaya niya si Dazlee? Boyfriend? Parang hindi wala pang nagugustuhan si Dazlee sa pagkakaalam ko.

"Di ba ikaw si Joshua?"huh? Bakit kilala niya ko. Siguro sinabi ni Dazlee

"Oo. Pano mo ko nakilala?"tanong ko

""Sinabi kasi sakin ni Dazlee. Tsaka kilala mo ba si Mae?"

"Sino ung Mae?"tanong ko

"Ung kinausap mo kaninang babae na hinahabol ko"ahh. Di ko namam siya kinausap ehh

"Hindi ehh. Kaano ano mo ba yon at hinahanap mo?"

"Pinsan ko kasi un"

"Ahh,sige una nako ano nga pala pangalan mo?"

"Arvie Garcia"

"Ahh,sige una na ko Arvie. Nice meeting you"ngumiti siya at umalis na ko

*tok*tok

"Arvie pumasok ka na!"sigaw ni Monique. Huh? Arvie?

Pumasok ako at nagulat sila na hindi si Arvie ang pumasok. Big deal ata sa kanila ang hindi makita si Arvie o sadyang natutulala sila sa kagwapohan ko

"Joshua!!!"sigaw ni Monique. Namiss ata ako nito

"Oh bakit? Ganon mo ba kong namiss at nagsisigaw ka dyan?"sabi ko habang tumatawa

"Kapal mo naman. Akala ko kasi hindi mo na ko dadalawin ehh"

"Kaya ko ba yong gawin sa bebe girl ko?"tanong ko at tumawa siya

"Ohh tama na yan. Masyadong sweet. Bella nangangati ka na ba?"tanong ni Dazlee sabay kamot sa braso niya kunwaring nangangati na. Panira ng momentum tong babaitang tohh

"Oo ehh. Namumula na nga ehh. May alcohol ka ba dyan at pamatay ng langgam sarap tapakan sa mukha ehh"isa pa tong Bella na toh makikisama pa sa kalokohan ni Dazlee

"Alam kong sweet ako tulad ng kinukuha ng langgam pero wag inyo naman tapakan nung mukha ko,sayang ung kagwapohan kung tatapakan niyo lang"

"Para namang nakakasigurado ka na kagwapohan yang mukha mo ahh. Daig pa nga dugong ehh sa sobrang panget,baka matakot ang daga dyan. Wag ka na lang masyadong maglalalapit sa mga babae ahh baka tilian ka... Sa sobrang panget"sama talaga ng lahi nitong babae na toh kala mo namang kagandahan

"Pfft. Hahahahahah!!"sobra naman sa tawa tong.. Ano nga uli pangalan niya? Ano un? Aaron ba? Ahh oo Aaron. Sobra sa tawa

"Baka mamamatay ka na niyan Aaron"sabat na naman ni Dazlee

"Oo na. Dyan muna kayo may practice ako ng basketball pero babalik din agad ako"sabi niya at tumayo na

"Sige bye"sabi ni Dazlee

"Babush"sabi naman ni Bella na busy kakapindot ng cellphone niya

"Babye"si Monique naman ngayon

Kumaway lang ako sa kanya at ngumiti. Tapos umalis na sya. Buti naman at umalis na siya. Hindi ko siya pinapaalis o something, kasi parang may gusto siya kay Monique. Ehh ako... Meron din. Oo meron akong gusto sa kanya bata palang kami may nararamdaman na ko para sa kanya. Kaya nung uamlis ako namiss ko talaga siya at nablaitaan ko na nagbakasyon siya sa UK tapos bumalik na siya kaya umuwi na ko ng bansa.

Aaron's POV

Umalis na ko ng ospital pero babalik din agad ako. May practice kasi ako ng basketball tapos may mga baguhan pa kaya kailangan ko talagang pumunta don. Totoo kaya ung sinabi ni Joshua na girlfriend niya si Monique? Hayyy bakit ko ba yon iniisip? Ala naman akong gusto sa kanya,pero bakit ganito ung puso ko? Bwisit! Bakit kasi kailangan pang mag-mahal? Ehh masasaktan ka lang din naman.

Court

"Oh Arvie andyan ka na pala"sabi ni coach"Okay start na!"sigaw niya at lumapit na lahat ng baguhan
"Hi I'm Aaron Manaid. Hearthrobe, captain of basketball team"

"Okay kayo naman"sabi ni coach

"I'm Prince Dave Villanueva. 13 years old, MVP ng dati kong school"

"Prince Lanz Villanueva twin brother of Dave. 13 years old. Dating captain ng school"

School HottiesWhere stories live. Discover now