♣CHAPTER 19♣

21 1 1
                                    

Arvie's POV

F*ck! Hindi ako makapag-isip ng mabuti. Sa tingin niyo ba makakapag-isip ako ng mabuti kung makita ko ang taong mahal ko na may kayakapan na ibang lalaki? At worst kakilala ko pa yung lalaki. Yes, nakita ko sila Dazlee at James kahapon sa field. Nakayakap si Dazlee kay James. P*ta! Nakakabaliw kakaisip kung anong meron sa kanila. Sila na ba?!

Sh*t! Hindi ko yata kaya kapag naging sila.

Sana wag dumating ang araw na kailangan ko ng tanggapin ang nangyayari sakin....

"Arvie!"ay putang James!

"Problema mo?!"sigaw ko kay Mae.

Tch! Nakakabadtrip!

"Sabi ko samahan mo ko sa mall! Bibili ako ng sapatos"badtrip na nga ako nag-iingay pa tong babaeng to.

"Kay Rain ka na lang magpasama"sabi ko. Wala talaga ako sa mood para umalis ng bahay. Gabi na ngayon at gusto pa rin niyang pumuntang mall?

"Psh! Sungit mo!"

Tss! Gabi na pupunta pa siya ng mall?

Dinial ko ang number ni Aaron para kahit papaano mawala ang sakit na nararamdaman ko

Konsensya: Ang bakla mo! Ampu!

Wala kang pakielam! Konsensya lang kita! Kaya manahimik ka!

Konsensya: Oo na. High blood ka naman agad

Tch!

Kring kring

Kring kring

[Yallo!]

"Sino to? Magnanakaw kaba? Pinatay mo ba si Aaron? Huh?! Sumagot ka!"

[Woah, woah! Yow! Kuya Arvie, hindi mo ko kilala? Hah! Sa ganda kong to?! Aba!]

"Ayy... CAMILLEEEEE!!!!!"

[Aray! Aray! Problema mo?!]

"Ayy... Sorry, sorry. Eh namiss na kita eh. Hindi ka naman pumasok kanina. Hinahanap ka nga ni Rain eh"

[Kuya...]

"Oh bakit? May problema ka ba?"

[Oo eh]

"Ano? Love life mo? Sa school? Saan?"

[Kuya, nagtataka ko. Kung magkapatid ba talaga kayo ni Rain. Kasi kuya napakaganda ni Rain tapos ikaw naman....]

"Napakagwapo?"

[Hindi. Napakapanget mo kuya. Isipin mo nga si Rain parang diwata sa sobrang ganda tapos ikaw parang halimaw sa sobrang panget]

-_-

Walanghiyang batang to! Sabihan ba naman ako ng panget? Aba! Kawalang galang naman ng bata na to!

"Walanghiyang bata ka! Magkaugali nga kayo ng kuya mo!"

[Wahahahaha!!!! Syempre naman gwapo ang kuya ko at maganda ko. Wahahaha!]

-_-

"Nasan ba kayo? Halatang nasa labas kayo ng bahay, ang ingay eh"

[Ahh oo nga pala. Si kuya kasi nilibre ko, kung bakit secret na lang. Nandito kami sa Winter Café. Si kuya nasa CR]

"Ahh sige. Paki sabi na lang sa kuya mo na tumawag ako no? Walang hiya ka pa naman, baka kung ano ano sabihin mo don. Sige na bye"

[Haha. Oki! Bye!]

School HottiesWhere stories live. Discover now