♣CHAPTER 16♣

24 2 0
                                    

Dazlee's POV

"Hoy Dazlee kakain ka ba o titigan mo na lang si Joshua buong maghapon?"

Nagising ako sa sinabi ni Bella. Gosh! So kanina pa ko nakatitig kay Joshua ng parang sira? Shaks! Nakakahiya!

"Kanina pa ba ko nakatitig sa kanya?"tanong ko

"Kaninang kanina pa. Jusko! Halos matunaw na si Joshua sa titig mo. Buti na lang at pagmamahal ang nasa mata mo at hindi nagbabagang apoy kung hindi baka tunaw na yan"wow ha? Grabe naman. Tinatanong ko lang kung kanina pa ko nakatitig kay Joshua tapos nagkwento pa siya ng mga kathang isip niya.

"Tsk! Kulet mo ha? Ayaw ko nga!"sigaw nung bagong lipat na student na si Mae

"Ehh sige na please"sabi ni Arvie. Iba din tong si Arvie kakalipat pala ni Mae kinukulit na agad. Palibhasa kasi FC siya eh

"Oo na! Wag ka ng magpacute. Di bagay sayo. You look like an idiot!"sigaw niya. Hanep si ate oh! May accent! Taray!

"Yun oh! Sabi ko na nga ba hindi mo ko matitiis eh. Libre mo ko ha?"kapal talaga ng mukha nitong lalaking to

"Kapal mo naman. Kita mong kakalipat ko palang gaganyanin mo na ko?"tama siya

"Sige na. Buti nga hindi ko sinabi na natulog ka sa klase ehh!"dami nitong palusot!

"Oo na. Tsk!"sabi ni Mae

"Yay!"nagsaya si Arvie don ng parang bata. Inakbayan ni Arvie si Mae, hanggang sa paglabas nila ng room nakatingin ako sa kanila

"Ano tititigan mo na lang sila buong maghapon?"puso titig lang ba ang alam kong gawin ngayon?

"Eto na nga oh, tatayo na"sabi ko. Napakasungit ni Bella. Well, bihira lang naman siya maging matinong kausap e

"Dazlee, tell me. Who do you like Joshua or Arvie?"ano ba namang tanong to Bella

"Bells, hindi pa ba halata ang sagot diyan sa tanong mo?"sabi ko habang kinukuha ang wallet ko

"Eh, kasi sino ba talaga? Tumititig ka kay Joshua. Pati kay Arvie nakatitig ka din sino ba talaga?"

"Si Mae"simple kong sagot

"What?! Seriously?! God Dazlee!"sigaw niya

"Eto naman napaka-OA mo. Joke lang! Si Joshua nga"sabi ko

"Pero bespren mas gusto ko si Arvie para sayo"yiiieeee! Tinawag niya kong bespren. First time! Yiiieee! Ikaw na ang gusto ko

"Pano mo naman nasabi yan?"tanong ko

Nakarating na kami ng canteen

"Kasi feeling ko parang he deserve you, and you deserve him. Parang you're meant for each other. Ewan ko kung bakit ko sinasabi to. But I have the feeling na parang siya ang kailangan mo para mawala ang nararamdaman mo para kay Joshua"seryoso siya sa mga sinasabi niya

"Kung kaya ko lang"sabi ko

"Nandito ako para sayo"nakaka-touch yung sinabi niya

"Salamat"sabi ko

Umurder na kami tsaka hinanap namin sila Monique. Sa awa ng diyos nahanap namin sila kahit maraming tao

"What's with the face Dazlee?"tanong ni Monique

"Ano? May dumi ba ko sa mukha?"tanong ko habang umuupo

"No. I mean, you look sad or depressed or something whatever"

"No. I'm fine. Perfectly fine. Right Bella?"lumingon ako kay Bella tsaka pinanlakihan ng mata. Please sana gumana

"Yes.."hayyy salam-"she's sad"napalingon ako kay Bella ng di oras pinanliitan ng mata. Nagkibit balikat lang siya tsaka kumain ulit

School HottiesWhere stories live. Discover now