I
"Lucia! San ka ba galing?!" Sinamaan ko siya ng tingin.
"Dyan lang. Anyways bakit ba tayo nandito?" Nagtataka niyang tanong na may halo pang pagkakunot ng noo.
Hinila ko siya palapit sa isang pila na sobrang haba na.
"Ano ba to? Pila para sa relief goods?"
"No! Concert ito! Concert ng Misté Rios!" sagot ko
"Are you effin' serious?" Nanlaki pa ang mga mata niya. I handed her a piece of paper, tinignan niya iyon, may mga nakasulat na detalye
A Misté Rios Night
Yun yung pangalan ng concert at ang sabi dito ay 8 ng gabi ang start hanggang 10. It is already 7:30 at patuloy na humahaba ang pila.
"Oh my gosh! Ang Zeus ko!" Nagtitili na siya sa sobrang tuwa, dahil bukod sa makikita niya si Zeus ay libre pa ang ticket na ibinigay ko lang.
"Wala bang reserved seats dito at sobrang tagal ng pila?" Tanong niya habang patuloy na umaabante.
"Meron, tinitignan lang kung may mga bagay ka na bawal dalhin" sabi ko lang na siyang tinanguan niya.
Pagkapasok namin ay kitang kita ko kung gaano kalawak ang lugar, pati ang stage ay malaki rin. Ang ganda pa ng set up dahil pinaghalo-halong hue with a touch of gold, silver and bronze.
May mga fans din na nakasuot ng mga maskara na ganoon din ang kulay, kagaya ng nasa stage. Black, white, gold, silver and bronze.
Matagal na sa larangan na ito ang Misté Rios at halatang kuhang kuha na nila ang kiliti ng manonood, kahit nga noon na baguhan pa lamang sila ay marami na agad ang nakakilala at ang humanga. Isa na ako doon na hanggang ngayon ay humahanga parin. I even pay an additional fee of 15 thousand for the backstage pass. Actually wala talaga non, binayaran ko lang ang isa sa mga staffs para ipuslit ako and luckily, pumayag siya.
Isang oras at kalahati na ang lumipas simula ng nagsimula ang concert at puro hiyawan lang ang narinig ko, kasama na in don syempre ang boses ng banda. Ako nga ay parang napaos na sa sobrang pagsigaw.
"I LOVE YOU HADES!" Sigaw ko at sinabayan ang kinakanta nila.
Nang matapos ang production ng buong grupo ay may mga sumalang na extras at yun ang oras na kinuha ko para pumunta sa backstage. I texted the staff at sinabihan siyang abangan ako sa may pinto and she replied 'ok'
"Lucia, mag-intay ka dito ok? Restroom lang ako"
"Sige sige" wala sa sarili niyang sabi habang nakatuon ang atensyon sa stage.
Pagkapuslit ko sa backstage ay agad akong dinala ng tao na nabayaran ko sa isang pinto na may malaking HADES na sign
"Ok thanks, you may go" Sabi ko at nang makaalis siya ay saka ko binuksan ang pinto. Dahan dahan lang.
I saw him laying on a couch with a towel on his face. Mukhang nagpapahinga ang baby ko.
Sinarado ko ang pinto at agad na pumunta malapit sa kinalalagyan niya.
Tinignan ko lang sya habang nakatayo sa kanyabg gilid, Ang gwapo niya sa suot niyang white long sleeves at black slacks kanina, hindi ko man makita ang mukha nya ay naiimagine ko ito at kahit na natatakpan ng mga sleeves ay kitang kita at bakat na bakat ang braso niya.
Bumaba ang aking tingin sa maskulado nyang pangangatawan. His broad shoulders down to his torso...
"Ikaw na naman?"
BINABASA MO ANG
Obsessed To Maximo Galkin [R]
RandomMisté Rios Series #2 "You lied, you tricked me, you stole something that is irreplacable... Now, I want it back" -Maximo For you, I was just a fan For me you are my everything But not anymore....