Chapter Six

1.4K 56 23
                                    

VI

Sa sobrang pagod ay hindi ko namalayang nakatulog pala ako. Pati kasi kalat nya sa kusina ay nilinis ko din. Oh diba, pwede ng mag-asawa. Sya na lang kulang.

Nagising na lang ako na nakahiga sa kanyang sofa. May unan sa ulunan at kumot na nakabalot sakin. Nadatnan ko rin sya sa tapat ng sofa na may hawak na tasa at nakatingin sakin.

Nang magtama ang mga mata namin ay ako na ang naunang mag iwas ng tingin. I can't handle the intensity of his stares.

Bumangon na ako mula sa pagkakahiga at agad kong inayos ang aking sarili. Chineck ko rin ang mukha ko baka may dumi.

Umagang umaga gusto kong magtatalon. Kung eto ba naman bubungad sakin ay baka kayanin ko ang araw araw na paglilinis.

Pero nawala ang sayang nararamdaman ko nang maabutang nakatitig parin sya sa akin.

"Ah, pasensya na nakatulog ako sa bahay mo" Nahihiya kong sabi. Nakakahiya! Pano kung humilik ako kanina sa sobrang pagod?

Winaksi ko sa aking isip ang kung ano mang iniisip ko bago iligpit ang aking pinaghigaan.

Tumikhim sya at agad na nag iwas ng tingin.

"No. Its ok" Aniya na ikinagulat ko.

Wait-... What?!

Ok lang? Ok lang na nandito ako? Wow that's new. So pwede na ko dito araw araw?

"I mean, wala na akong magagawa. Nakatulog ka na" Aniya bursting out my bubbles.

Oo nga naman hahaha silly me.

Tumikhim ulit sya na ikinalingon ko.

May ubo ba to? Dry cough? Kaya tikhim ng tikhim?

I just laughed at my thoughts.

"What?" He just asked nang makitang nakatitig ako sa kanya

Umiling lang ako at ipinagpatuloy ang pagliligpit. Nang matapos ako ay kinuha ko na ang unan at kumot at inabot sa kanya.

"Salamat nga pala"

Tango lang ang isinukli nya sa ngiti ko bago kunin ang mga unan at ilapag sa gilid nya.

Inaantay ko na lang na paalisin nya ako pero hindi dumating. Siguro dapat na magkusa na lang ako.

"Sige, alis na ko" Sabi ko na lang atsaka kinuha ang bag ko.

Paalis na sana ako nang bigla syang magsalita.

"Sorry"

Tila napako sa sahig ang aking mga paa. Mahina lang yon pero dinig na dinig ko iyon.

Pero ano daw? Tama ba pagkakarinig ko?

Nakakunot ang aking noo nang maglakad ako pabalik kung nasan sya.

"Anong sabi mo?"

He sighed

"Don't make me repeat myself" Aniya sa malamig na tono.

"Sungit" Bulong ko.

Tumikhim ulit sya atsaka nag iwas ng tingin.

"I-I don't know what to say" Aniya at tila nahihiya na napahawak sa kanyang batok.

Para san ba sya nagsosorry?

Maybe he realized that he assumed too much. Hindi nya lang maamin.

"Uhm, sorry for what?" Pang iinis ko pa.

Come on, say it baby.

"At the party..." Aniya at tila tinitimbang ang sarili kung magsasalita pa ba sya o hindi na.

"Uhuh?" I crossed my arms pero nang dumapo ang mata nya sa nakahalukipkip kong mga braso ay agad din akong umayos ng pagkakatayo. Tinaasan nya lang ako ng kilay.

Kahit ganon ay nagdidiwang ang loob ko na nagsosorry sa akin si Maxx. This is the very first time na nagsosorry sya. Mukhang tinamaan ng konsensya.

"I shouldn't have said that. Sumobra ako. Sorry" Bumuntong hininga sya at kahit na nakikita ko sa kanya ang pagka alangan ay ginulo nya pa rin ang mga buhok ko.

Wait...

What...

What the hell...

What's happening to the world?

"I cooked for my breakfast. May natira. You can eat it or just throw it. Its up to you" Matapos iyon ay tumalikod na sya

"Lock the door when you leave" rinig kong pahabol nya bago ang pagsarado ng pinto sa taas.

Hindi pa ako nakakarecover. Feeling ko ang pula pula ko ngayon. Nangyari ba talaga yon? Did he really pat my head?

Ni hindi pa nagsisink in sa akin na hinahayaan nya akong magstay dito just to eat breakfast?!

Gulong gulo man ay tulala kong tinungo ang kanyang kusina.

Tinanggal ko ang takip ng mga plato at bumungad sakin ang "natira" nyang agahan. Bacon and egg ang ulam na may kasamang fried rice.

Dahan dahan akong umupo sa upuan at nilagay ang mga plato sa harap ko. Isang lingon sa likod ang ginawa ko at nang masigurong wala nga sya ay saka ko ito kinain.

Hindi nga pala ako naghapunan kagabi kaya gutom na gutom ako. Mabilis akong natapos sa pagkain at nang matapos ako ay hinugasan ko na ang mga ito at agad na nilisan ang lugar nya.

Kung ganto pala ang mangyayari everytime na iinom sya ay baka lasingin ko na lang sya lagi.

Pagkasakay na pagkasakay ko pa lang ng sasakyan ay tsaka ko napansin na umunog na ang aking phone.

Its my mom

From: Mom
Anak, I won't be home for tonight and for tomorrow. Tutal alam mo na ang tungkol samin ni Fernand, I've decided to go out of town with him. Mag iingat ka ok, I love you.

Now I know kung kanino ako nagmana.

To: Mom
Ok. Enjoy mom. I love you too

Pagkatapos ng mahabang biyahe ay dire diretso akong pumasok sa bahay.

Tanging ang dalawang kasambahay lang namin ang nandito ngayon. Umakyat agad ako at nagtungo sa aking kwarto para maligo at magpalit ng damit.

Ang tahimik tuloy dahil wala si mom. Maybe I should stay at Maximo's house again?

Ugh. I miss him already.

Ni hindi nga pala ako nakaka-pagpasalamat sa kanya para sa agahan. Maybe I should text him. Oo tama, I'll use that as an excuse.

Agad kong kinuha ang aking phone sa bag.

To: Hades ❤
Thanks for the breakfast -Szcharina

Huli na nang mapagtanto ko ang aking ginawa.

"Omygod" Bulong ko.

I forgot that he keeps on blocking my number whenever I text him.

Pang anim na sim ko na ito na mab-block nya if ever. But what if hindi lang block ang gawin nya? Paano kung magpalit sya ng number? Paano kung ipa- blotter nya na ako?

"Jusko ang tanga ko talaga!" Halos sabunutan ko na ang aking sarili. Ang daming what-ifs na tumatakbo sa isipan ko pero natigil iyon nang magvibrate ang phone ko.

Lutang man ay kinuha ko iyon and to my surprise...

From: Hades ❤
Welcome.

[A/N: Ang tagal, yes I know. Sorry, I'll  make it up to you guys. Soon.]

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 08, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Obsessed To Maximo Galkin [R]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon