IV
Asiwa ako sa buong oras na nasa table ako. I can't even move! Para akong naparalisa
Ang tanga ko. Bakit ba hindi ko inalam ang Apelyido nya? Well gustuhin ko mang alamin, I don't have sources.
Ang alam ko lang ay Maximo ang pangalan nya. Kung hindi nya pa nga aksidenteng nasabi ang pangalan ay hindi ko iyon malalaman.
"Ok ka lang?" Muntik na akong mapatalon sa upuan ng magsalita si Lucia
"Ha? Ano?" Sagot ko lang na ikinatawa nya ng bahagya.
I sigh, I am making a fool out of myself. I should stop minding him.
"Is there a problem" she asked in between her chuckles.
"Ha? Anong problem? Wala ah" dire diretso kong sagot. Buti na lang maingay ang paligid, kaya malamang kaming dalawa lang ang nagkakarinigan.
"Ikaw ah? Nagkaganyan ka lang simula nung dumating si Maxx. Oh my... don't tell me?" Pagpuputol nya sa malisyosa nyang pag iisip.
"What?" Maang kong tanong.
"Gusto mo sya no?"
"Ano bang sinasabi mo?"
Hindi man ako tumingin, I can till feel his stares that bores unto my bones but I just shrugged it off.
"Sabi ko naman sayo eh, walang tapon"
"Ano?" Tanong ko, I sometimes don't get her.
"Nothing, gwapo ni Maxx no? Actually lahat ng pinsan ko. Pero final ka na ba dyan? Snob yan Szcha, di mo kakayanin"
'Hah! Kung alam mo lang kung paanong pagtitiis ginagawa ko para makasama yan kahit ilang minuto lang'
"Tigilan mo nga yan" bulong ko pero humagikgik lang sya
"He's staring at you. Maybe its mutual~" Aniya.
Alam ko. Ramdam na ramdam ko ang mga titig nya.
"Tumahimik ka nga Lucia, nakakahiya" Sabi ko. At talagang ngayon pa ako tinamaan ng hiya ah?
"Asus kunyari pa. You want his number?" Tanong nya na parang may kayamanan syang ibibigay sa akin.
Kung alam mo lang, matagal ko ng alam ang number ng phone nya. Naka-block nga lahat ng number ko sa kanya, limang sim card ko yon, yung huli ay hindi na ako sumubok pang tumawag.
"Ha? Of course not! Why would I?" Medyo napalakas kong sabi.
"Ay highblood? Ok, fine" Aniya. Akala ko medyo nainis sya sa inasal ko pero mukhang hindi naman
"Ibang pinsan ko, gusto mo?" Aniya at nagtaas baba nanaman ang kilay
"Wag kang bugaw" Biro ko
Maya maya pa ay nagsimula ng magperform ang ilan sa mga kamag anak nya sa entablado. Some of them dance, sing and even do some magic tricks
Ilang saglit lang ay nagpaalam ako kay Lucia na mag cr lang. I need to pee.
Puno ang cubicles sa loob ng hall, gustuhin ko mang mag intay, I can't.
"Lucia, wala na bang ibang comfort room dito?"
"There is, magpasama ka sa kasambahay. Medyo malayo dito yon" Anita na tutok pa din any mata sa entablado
"Sige"
Nagpasama ako sa isa sa mga babae nilang kasambahay na nakatayo lang sa gilid.
"Ay sige po ma'am" Sabi nya at nagsimula na syang maglakad, sumunod naman ako.

BINABASA MO ANG
Obsessed To Maximo Galkin [R]
AcakMisté Rios Series #2 "You lied, you tricked me, you stole something that is irreplacable... Now, I want it back" -Maximo For you, I was just a fan For me you are my everything But not anymore....