Chapter Five

1.4K 48 16
                                    

V

Hindi na bumalik si Maximo pagkatapos ng pag uusap namin. Malamang ay umalis na yon.


Hindi ko na lang pinansin, pinilit kong enjoy-in ang party hanggang sa namalayan ko na lang na tapos na pala ito.

I looked at my wristwatch, 12:10 na pala.

Isa isa naring nagsisipag alis ang mga tao sa hall. Habang ako ay nakaupo parin, waiting for my mom who is still busy chatting with the Tita Lucy.

Katabi ko na ngayon si Lucia, bumalik sya sa upuan nya nang mapagtanto nyang hindi na babalik ang pinsan nya.

"I'm so damn tired" bulong ng katabi ko na ngayon ay nakadausdos na sa lamesa. She had a few drinks.

"You should be" I chuckled.

Mantakin ba namang libutin ang buong hall para daldalin ang bawat tao dito. Tapos lahat ata ng nakalinya sa program ay sinalihan nya. Mabuti nga at walang auction, dahil kung hindi ay baka sumali rin sya.

"Sayang talaga at umalis agad si Maxx. I was so eager to push the two of you together pero may lahing bula ata ang pinsan ko" Aniya habang natatawa. Malamang dun sa huling sinabi nya. She laughed at her own joke.

"Bakit? Wala ba syang girlfriend?" I asked. Although alam ko naman ang sagot pero gusto ko paring kumpirmahin.

"Parang wala naman. Ewan ko don, masyadong malihim"

Napatango na lang ako.

"Sayang, may something talaga sa inyo ni Maxx eh, may spark"

"Eh kung kuryentihin kaya kita?" Biro ko pero ang loob ko ay nagdidiwang sa kaalamang may tao na sa tingin nila ay bagay kami ni Maxx.

"Edi binabawi ko na. Ito naman hindi mabiro."

Tsk. Nabawi pa.





Kinaumagahan ay alas-dies na ako nagising. Pupunta lang naman ako sa shop ng Auntie ko kung saan ako gumagawa ng designs para sa kanyang mga gown. I work for her. Isang beses lang sa isang buwan ako pumupunta sa boutique nya. As long as may designs ako pagpupunta ako, its fine with her

Pagkababa ko ay dumiretso na agad ako sa kusina para mag-agahan. Isa lang ang plato sa lamesa and I assumed na tapos ng kumain ang aking ina dahil anong oras na rin naman.

Nang matapos ay pumunta ako sa sala at doon ko sya nadatnan na ngayon ay busy at may kausap sa telepono.

"Good morning" Bati ko bago sya ibeso.

"Good morning too dear" Aniya at itinuloy ang pagkausap sa kabilang linya.

"Who's that?" I mouthed.

"Linda"

"Oh" Napatango tango na lang ako. Tita Linda is my father's wife, they are in France.

Well my mom and Tita Linda is in good terms, kahit na noong nalaman niya na may affair ang asawa nya at ang mama ko. Yes, nagalit daw ito for a few months pero napatawad na rin naman daw niya ang mama at papa ko. They are even friends now.

Tita Linda and my father doesn't have a child because she can't bear one. Pero ang alam ko nag ampon sila.

"Yeah sure. See you soon" Rinig kong sabi ng mama ko at maya maya lang ay binaba na nya ang telepono.

I raised my brows because she's staring at me.

"What?"

"Tumawag si Linda. She's asking me if you already have decided about her offer" Simula nya bago sumisimsim sa tasa ng kape sa tabi nya

Obsessed To Maximo Galkin [R]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon