II
Kumalat sa social ang ginawa ko. Sa Facebook, sa Twitter. Name it! Kahit sa youtube ay may bahid din ng ginawa ko.
Ang dami kong natanggap na hate comments, bashes and such. Even in the mall, maraming bumulong bulong tuwing dadaan ako. I became an instant celebrity and I hate that!
Ngunit ang katabi ko ngayon ay tila tuwang tuwa sa nangyari sakin. Makailang ulit na rin nyang inulit uilit panoorin ang video ko sa concert.
"Tignan mo oh. Galit na galit parin sila sayo nang dahil sa ginawa mo nung concert" Aniya, ngayon ay binabasa nya naman ang mga hate comments.
Napatakip na lang ako ng unan sa aking mukha. Kinausap narin ang mama ko at syempre pinagalitan ako, after several years ay nakatikim nanaman ako ng sermon. I don't act like my age daw.
Hindi pa din ako lumalabas ng bahay dahil sa labas ng village ay may iilang paparazzi ang nakabantay sakin, natatakot ako na baka sundan nila ako everywhere. Hindi ko nga alam kung bakit nila ako inaabangan, like 'Hey, I'm just a normal fan na may rumaragasa paring hormones'.
Hindi tuloy ako makalabas, nakakainis!
Pano kung sundan ako ng mga iyon habang pinupuntahan ko ang lugar ni Hades? Edi nabuko sya, mas magagalit sakin yon.
Alam ko kasi kung saan siya tumutuloy. Kung saan ang bahay niya. Ewan ko nga kung bakit ang dali dali para sakin na malaman kung saan siya nakatira na hindi nagawa-gawa ng mga paparazzi. Weird right?
Pero sabagay, hindi naman nila alam na ang mukha ni Maxx ay ang mukha sa likod ng maskara ni Hades kaya kahit na makita nila sa daan ay kaunting lingon-likod at habol lang ng tingin ang gagawin dito.
"So, what are you going to do now?" Tanong nya.
"Nothing. Wait until that issue fades out"
Hanggang kelan naman kaya?
Kibit balikat lang ang kanyang ginawa at isang malalim na buntong hininga ang ginawa ko.
Dalawang linggo pa muna ang inantay ko bago ulit ako malayang makalabas ng bahay. Nawala na sakin ang topic. Kaya naman dadalawin ko ngayon si Hades sa tinutuluyan nya.
I bet he missed me. Ha! You wish!
Sumakay na ako sa aking sasakyan atsaka nagtungo sa lugar ni Hades.
Sakto naman na nakaparada ang kanyang sasakyan kaya malamang ay nandyan sya sa loob.
Nang maiparada ko na ang aking sasakyan ay agad kong kinuha ang susi sa ilalim ng kanyang paso na sa gilid lang ng pinto nakalagay pero wala na doon ang susi. Mukhang alam na niya na alam kong may susi siya doon. Good thing at pinaduplicate ko iyon. What a creep. Ikr.
Kinuha ko ang susi sa aking bag at binuksan ang pinto. Bumungad sakin ang mga nagkalat na damit niya at isang bra na nakalapag sa lamesa with a sticky note saying "Call me" and a cellphone number on it.
I didn't expect it. I thought he would missed me even a little dahil ilang linggo rin akong hindi nagpakita, but I guess I was wrong.
Oo nga naman, why would he miss me?
Shet, ang sakit. Pati sarili ko kinokontra ko na.
Umupo ako sa sofa niya at nag-intay ng ilang minuto.
Inikot ko ang aking paningin sa buong paligid. Malinis pa rin naman. Ganon parin ang kabuuang istura ng bahay nya kahit na galos dalawang linggo rin akong di nakapunta.
Don't look Sczharina!
"Ugh!" Pilit ko mang ibaling ang atensyon ko sa bahay nya ay di talaga nawawala sa aking paningin ang bra na may note sa lamesa. Hindi na ako nakapagpigil at tumayo na ako mula sa pagkakaupo atsaka iyon kinuha. Nilagay ko ang bra sa aking bag, i'll throw it once I get out of Hades' place. Pinagpirapiraso ko rin ang note tsaka tinapon sa basurahan nya.
Mag abang ka sa tawag na hindi mangyayari btch.
Bumalik na ako sa pagkakaupo sa sofa para intayin sa Hades. Ang tagal magising. Lalamig na yung dala kong pagkain.
Ilang minuto pa ang inantay ko bago ko makita na bumaba sya. Nagulat pa ito ng makita ako.
"Sht" Aniya at agad napahawak sa sentido. Dali dali rin syang bumaba at pinupulot ang mga nagkalat nyang damit.
"What are you doing here?" Tanong nito. Bumaba ang tingin ko sa kanyang hubad barong katawan. Tanging boxer lang ang suot.
Pasimple nyang hinarang ang mga damit nya sa ibabang parte ng kanyang katawan. Akala ata momolestyahin ko sya.
"I-I came here for a visit." Sabi ko lang bago nag iwas ng tingin.
Tumayo ako mula sa pagkakaupo atsaka bahagyang lumapit pero natigil ako.
"Umalis ka na"
"That's harsh" Sagot ko at ngumiti na hindi man lang umabot sa aking mga mata. Buti na lang sanay na ako.
"Dinalhan kita ng lunch mo, nagluto kasi ako kanina pero mukhang nakakain ka naman na. So alis na ako" I bluntly said before grabbing my bag on one of his sofa.
Gosh, why did I say that? Ganon ba talaga pag desperada na? Selos na selos lang Szcha? Tsaka pakielam nya ba sa inaakto mo diba?
Gusto ko tuloy batukan sarili ko.
Palabas na sana ako ng bahay niya ng marinig ko ang kanyang buntong hininga at ang mahinang pagtawag niya sa pangalan ko
"Szcharina..." Natigil ako sa paglalakad atsaka siya hinarap. May mumunting saya ang sumibol sa puso ko nang dahil sa pagtawag niya na iyon. Eto nanaman ako, umaasa.
"Why?" Medyo umaliwalas ang mukha ko pero pinanatili ko ang seryoso kong ekspresyon.
Bumuntong hininga sya at inangat na ang ulo mula sa pagkakayuko. Tinitigan nya rin ako ng mata sa mata at agad na nanlambot ang tuhod ko doon.
"Sa susunod, wag mo na ulit gagawin iyong ginawa mo sa concert. Pinapahiya mo ako at ang sarili mo" Anito atsaka iiling iling na dire-diretsong pumanhik sa kwarto niya, and because of what he had said, my heart shuttered into pieces.
Yung durog na nga, pinino pa.
Nice.
Ang galing.
Namalayan ko na lang na tumulo nanaman pala ang luha na kanina ko pa pinipigilan.
Ano ba Szcha? Sanay ka na diba? Umayos ka!
Tinuyo ko muna ang aking luha bago ako umalis sa lugar nya.
Tiis lang. Kaya ko pa naman. Kakayanin ko pa. Hindi pa naman ako dumarating sa puntong susuko na ako.
[A/N: Sorry for the VERY late update. I don't have enough and valid reason hahaha. Next Update will be on after my finals and then tuloy tuloy na dahil sem break ko na haha]
BINABASA MO ANG
Obsessed To Maximo Galkin [R]
SonstigesMisté Rios Series #2 "You lied, you tricked me, you stole something that is irreplacable... Now, I want it back" -Maximo For you, I was just a fan For me you are my everything But not anymore....