Chapter Three

1.2K 38 4
                                    

III

Tahimik akong gumagawa ng mga disenyo para sa aking portfolio ng biglang bumukas ang pinto ng aking kwarto at iniluwa non si Lucia.

Napatingin ako saglit sa gawi nya pero agad ko ding binawi at itinuloy ang aking ginagawa

"What?" Tanong ko habang ipinagpapatuloy ang ginagawa kong designs. Malayo pa naman ang deadline ng mga gowns pero di kasi ako sanay sa cramming so tinatapos ko agad ang lahat pag may oras ako.

"Are you free on Sunday? 7 pm?" Aniya at saka naglakad palapit sa table ko.

Dinampot nya ang isa sa mga iyon at binusisi nanaman ang mga designs ko na nasa portfolio.

"Your designs are really nice. Maybe you should open your own boutique" Komento nya.

"Anong meron sa sunday?" I asked at hindi pinansin ang sinabi nya nung huli.

Patuloy parin sya sa pagtingin ng designs ko. Akala mong pipili, hindi naman.

"Family reunion. My mom invited tita and she'll go daw. How 'bout you?"

Napatigil ako sa aking ginagawa, binaba ang lapis na hawak ko atsaka sya binigyan ng pansin

Every year may reunion ang angkan nila Lucia and every year din nya akong inaaya AT EVERY YEAR din akong tumatanggi.

"You're so persistent Lucia. Bat mo naman naisip na magbabago ang sagot ko this year?"

"Uhm, because patience is a virtue?" Pagbibiro nya, na ikinatawa ko ng bahagya.

"Say what?" Sabi ko at natawa parin

"Baka kasi madaan ka sa kulit" Aniya.

Binaba na nya ang portfolio ko saka dahan dahang lumapit sa aking kama para mahiga

"Haynako Sczha, uso din kasing makihalubilo sa iba diba?" Mula sa pagkakahiga ay bumangon sya

"Tsaka kumpleto ang mga pinsan ko. Malay mo naman diba..." Pagpapabitin nya na sinamahan pa ng pagtaas at pagbaba ng kilay, like saying "I know you know what I mean"

Napairap ako sa hangin.

"Alam mo namang wala akong oras para dyan diba" Sa iba ko inuubos ang oras ko.

"Why not? I mean, you can choose any of my cousins kasi hindi man sa pagmamayabang ha pero walang tapon sa kanila. Take me as an example" Aniya na parang bugaw.

"Binubugaw mo ba mga pinsan mo sakin?" Sumandal ako sa upuan at minasahe ang aking leeg. Kanina pa nga pala ako gumuguhit, di ko napansin ang pangangawit.

"Nope" She said, popping the 'p'

"Then what?" I asked bago tinuloy ang aking ginagawa

"Actually ikaw ang binubugaw ko sa kanila"

Natigil nanaman ako sa pag illustrate atsaka sya tinignan. Pag andito talaga si Lucia wala akong natatapos eh

"As if I'll say yes" nagkibit balikat lang sya sa aking sinabi.

Maya maya ay tumayo na ito at lumapit sakin

"Sumama ka na kasi. Ngayon lang Szcha oh?" Aniya nang makalapit sa pwesto ko

"Ayoko"

"Why not? Ngayon lang, promise hindi na kita kukulitin next time"

"A. YO. KO"

"Szcha naman eh?" Kung bata siguro itong si Lucia, nagtantrums na ito.

"Wag kang makulit" I said with finality

Obsessed To Maximo Galkin [R]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon