"Death is terrible for anyone. Young or old, good or evil, it’s all the same. Death is impartial. There is no especially terrible death. That’s why death is so fearsome. Your deeds, your age, your personality, your wealth, your beauty: they are all meaningless in the face of death."
-Sunako Kirishiki (Shiki)
****
- Stanley Edward -
" Stan manahimik ka nga kahit ngayon lang." Inis niyang sambit sa akin. Kanina ko pa kasi siya kinukulit na samahan niya ako papuntang locker room. Alas syete na rin kasi ng gabi. Lahat naman ng tao may kinatatakutan. Hindi ako bakla , beki , shokla , paminta o binabae. Ang sabi ko nga , lahat ng tao may kinatatakutan. Nyctophobia. May phobia ako sa dilim.
Sa t'wing nalalasing ang bastardo kong tatay , sa basement niya ako kinukulong. Paulit-ulit niyang ginagawa iyon hanggang sa dumating yung punto na sa ginagawa niyang iyon ay kinatakutan ko ang dilim. Isang gabi noon hindi na niya ako ikinulong sa basement, kundi iniwan niya ako sa isang parke na may kalayuan sa amin. Hinding-hindi ko malilimutan iyon,ang isang payaso at ang patalim nito.
" Tara na nga ." Isinarado niya ang aklat niyang binabasa at inilagay sa bag niya. Pareho kaming kasali sa Film Arts Theater at katatapos lang namin roon. Iilan na lang rin ang mga estudyante rito sa loob ng Hearst High.
Inakbayan ko siya at ningitian. " Salamats talaga ,Riyebeybe !"
" isa pang tawag mo sa'kin niyan , hindi na talaga kita sasamahan." Saad niya at inirapan pa ako. I'm really used to her. Sa iisang bahay na rin kami nakatira , hindi lang naman siya ang kasama ko roon kaming magkakaibigan nasa iisang bahay. Kami nina Riye , February at Kid ang magkakasama. Para hindi na kami mahirapan.
Tahimik kaming naglalakad sa corridors ni Riye . Ang lakas ng kabog ng dibdib ko pero kalmado pa rin ang kilos ko dahil kasama ko si Riye. Malayu-layo pa ang locker room. Pakiramdam ko talaga ay may nakatingin sa amin kaya pinabilisan ko kay Riye ang paglalakad namin. Kung hindi ko lang nakalimutan sa locker ko yung susi edi nakauwi na dapat kami ngayon. Napakatanga ko lang talaga.
" naririnig mo 'yun , Stan ?" Mahinang sambit ni Riye sa'kin. Kinilabutan naman ako ng marinig kong may babaeng sumisigaw ng napakatinis. Napasign of the cross na lang ako . Hindi na ako nag-abala pang isarado ang locker ko , gusto ko lang ay makaalis na kami rito.
" ayun nanaman yung sigaw . Shit . Nakakatakot na." Sambit niya ulit habang binibilisan ang takbo namin. Malapit na kami sa parking lot kaunting takbo na lang.
" Shit ! Hiro h'wag ka namang nanggugulat ! " sambit ko . Nagulat na lang ako ng bigla siyang dumaan sa harapan namin. Para siyang multo e . Nagtaka naman ako na gabing gabi na tapos papunta pa siyang locker room.
" H-Hehe sorry . May naiwan lang ako sa locker ko ." Saad niya habang napakamot pa siya sa batok niya.
" o sige bye ! Mag-ingat ka Hiro !" masiglang pagpaalam naman ni Riye. May pakaway kaway pa siya at malapad na ngiti dito na halos mapunit na ang mukha niya. Sinamaan ko lang siya ng tingin.
![](https://img.wattpad.com/cover/39457511-288-k735785.jpg)
BINABASA MO ANG
The Another One Ⅱ: End This Game
Mystery / ThrillerHilaree Rain Remulla. She finally found her true family. She entirely wreck her old self . Pero totoo na nga ba ang lahat ng nasa paligid niya ? Ano ang gagawin niya kung lahat ng nakapaligid sa kanya ay gusto siyang patayin ?