Game 1: Changes

26 4 1
                                    

" Being happy is not a right, but a duty. A duty to yourself. Waiving rights is one thing, but failing in your duty is downright irresponsible. "




****




- Hanne Raven -



" Matagal pa ba 'yan Ree ?  " ilang buwan na ang nakalilipas matapos ang trahedyang nangyari sa amin. Ilang buwan na ang nakalipas pero parang kahapon pa rin ang lahat para sa akin. Ang hirap ibaon lahat sa hukay lalo na't kung doon pa rin kami mag-aaral nitong si Ree. ' Ree ' is my twin sister. Si Hilaree Rain. She prefer 'Ree' than 'Hilaree' at lalo na kung tatawagin ko siyang ' ate ' dahil mas matanda siya sa akin ng segundo. Maayos na ang lahat para sa amin dahil kumpleto na kami.


" Ikaw nagpaluto , tapos magrereklamo ka pa ~ " nakahalumbaba lamang ako rito sa may lamesa at prenteng prente na hinihintay ang almusalan namin. Maagang umalis si mama dahil tutal raw ay may kasama na ako , inasikaso niya na sa may Canada ang naiwan nila ni papa na trabaho na ipinagbilin nila sa aming Tita.


" hehe , 'di ka naman mabiro , I'm just kidding here , Ree. Pikon ka talaga ! " lumagapak ang tawa ko sa kusina at isang matalim na tingin ang inabot ko sa kanya. Ilang buwan ko na siyang kasama pero ang sungit pa rin niya. Minsan ay naaabutan ko siyang umiiyak habang natutulog , o 'di kaya nama'y nakatulala sa may bintana. Hindi lang siya siguro makalimot sa mga pangyayari. Marahil isang malaking bangungot ang lahat para sa kaniya. Pero handa akong gawin ang lahat para maibaon lahat ng mga iyon at tuluyan na siyang maging masaya.



Inihain na niya ang kaniyang mga niluto. For Pete's sake , ako lang lagi ang kumakain ng mga iyan dahil kape lamang ang sa kanya kapag umaga. Napakawirdo talaga niya , yung weird na sasabihin mong cool kapag siya ang gumawa.



" hey Ravs, tumawag na ba sa'yo si dela Fuego? " pagtatanong niya habang nilalaro ang kutsarita sa kape niya. Isang pag-iling lamang ang tugon ko sa tanong niya at nagpatuloy sa pagkain. Ang sabi nga niya ay tatawag siya sa amin para balitaan sa Hearst High ngayon pero hanggang ngayon wala pang tawag kaming natatanggap mula sa kanya.






" baka busy sa date nila ni Sean. " saad ko sa kanya habang inililigpit yung pinagkainan ko. Ako lang naman yung kumain e, para kasing nagd-diet yung kasama ko e.







Matapos kong mag-urong ay nadatnan ko siya sa may salla na binubuklat yung makapal na lumang libro. Ito yung nakuha namin ni Elaiza doon sa nasunog na silid noong isang taon.




" Hoy Ree , sa tingin mo may mga libro pa ba d'on na katulad niyan ? " salit ko sa kanya habang nakadungaw sa may sofa habang siya naman ay nakasalampak sa sahig.



" hindi naman gan'ong importante yung mga librong nando'n dahil halos sunog na ang mga iyon , habang ito naman parang hindi kasama roon at doon lang isinantabi." Pagpapaliwanag niya na mukhang tama naman , luma nga at maalikabok pero walang parte nito na nasunog pero nakakapagtaka dahil may mga napilas na pahina dito .




" paniguradong mas marami tayong makukuha doon sa opisina ni Mr.dela Fuego. Pero baka si Sir Benafin na ang umasikaso doon." Sabi niya . Matapos ang trahedya na 'yon , ito lamang ang natirang bagay na may kinalaman roon. Hanggang ngayon hindi pa namin napagdudugtung-dugtong lahat. Kung paano nagsimula ang lahat.





The Another One Ⅱ: End This GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon