Game 6 : The path she took

13 1 0
                                    


  

"People are like dice, a certain Frenchman said that. You throw yourself in the direction of your own choosing. People are free because they can do that. Everyone’s circumstances are different, but no matter how small the choice, at the very least, you can throw yourself. It’s not chance or fate. It’s the choice you made. "

- (Black Lagoon)

****

- Kid -

" Kid , ayos ka lang ? Kanina ka pa parang hindi mapakali . " naliligo na ako ng malamig na pawis. Matapos kong makita ang duguan at brutal na walang buhay na katawan ng isang babae sa locker room ay lumiban ako sa klase. Halos takasan ako ng bait ng makita ko iyon. Muli nanamang bumabalik ang mga nangyari noon. Dugo . Puno ng dugo ang paligid...


Nanginginig kong niyakap ang mga tuhod ko . Dali dali akong napatayo ng maalala ko si Feb. Alas otso na ng gabi ay wala pa siya . Nandito na sina Riye at Stan. Dapat ay magkasabay sila , dahil iyon ang palagian naming gawi. Muli ko ring naalala ang mga sinabi niya ng makita ko siya sa locker room. Alam kong hindi niya iyon magagawa , at lalong lalo ng wala siyang balak gawin iyon. She's not a monster. She's a good girl in disguise , for her own, and Heaven's sake. Ginagawa niya ang lahat para kay Heaven, para kay Heaven Nocturna. Ang matalik niyang kaibigan na mahal na mahal niya. Heaven changed Feb into a tough cookie. Ang dami nilang bonding , full of fun. She's the reason why Feb still living her life in this cruel world. Para kay Feb , si Heaven na lamang ang natitira niyang pamilya , ang tanging pinanghahawakan niya para mabuhay, ang tanging nagbibigay ng rason para kumapit at magpatuloy mabuhay ng masaya . Mahirap kay Feb ang lahat ,  dahil galit siya sa mundo.


" nasaan si Feb ?! Nasaan siya ?! " nagmamadali akong lumabas sa'king kwarto at nagugulumihang nagtanong agad sa kanila. Alam ko at kabisado ko na si Feb , hindi siya yung tipo ng mga babae na nagpapalipas ng mahabang oras sa labas o sa ibang lugar kapag gabi na.


" huminahon ka nga Kid . Na----" hinablot ko siya sa manggas ng kanyang damit at kinwelyuhan. Si Feb na lamang din ang rason kung bakit pa ako nabubuhay. She saved my life. She saved me from death. Paulit ulit kong gagawin ang lahat mailigtas lang siya. Maprotektahan siya . At sa pagkakataong ito, ako naman ang magliligtas sa buhay niya. I can't stand here and wait her to go home.




" PAANO AKO HIHINAHON KUNG KANINA LANG AY NAKAKITA AKO NG ISANG PATAY NA KATAWAN SA LOOB NG SCHOOL ?! TELL ME HOW ! alam ninyo bang may namatay na ?! O totoo nga na hawak ng gobyerno 'yang punyetang paaralan na 'yan na protektado ng batas ! Na ang mali ang tama !  " nanggagalaiti kong bulalas sa kanya. Gigil na gigil ako sa pagkakahawak sa kanyang kwelyo. Binitiwan ko siya at hinanap ang susi ng motorsiklo ko. Wala akong pakialam kung mamatay man ako , kung totoo nga yung mga nabalitaan ko noon na may kagimbal gimbal na pagpatay sa loob ng paaralang ito at halos lahat ay namatay, kung dati'y takot akong mamatay. Ngayon, handa na ako. Wala nanaman akong maiiwan na masasaktan at wala na rin naman akong pinanghahawakan rito sa mundo.


" May sinabi silang namatay ! At isa siya sa mga kaklase natin. Si---" napatigil ako ng magsalita si Riye. Hinihintay na sabihin kung sino ang namatay at hindi totoo ang naiisip ko. Na tama ang nasa isipan ko.





" Sino ?!!! " lubos na natakot si Riye ng mapasigaw ako. Ngayon ko lang nakita ang mga matang takot na takot sa akin. Ang mga matang takot na takot mula sa akin na pagmamay-ari ni Riye.

The Another One Ⅱ: End This GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon