"People SHOULD be doubted. Many people misunderstand this concept. Doubting people is just a part of getting to know them. What many people call 'trust' is really just giving up on trying to understand others, and that very act is far worse than doubting. It is actually 'apathy.' "
-Shinichi Akiyama (Liar Game)
****
- Leila Marie -
" For God's sake , shut your fvcking mouth off. Kakalbuhin kita 'pag nahuli tayo ni Ma'am Dleion. " mahina ngunit nagtitimpi lang ako ng inis dito sa bwisit kong katabi. Sa lahat-lahat ng makakatabi ko sa oras ng english ay bakit siya pa?! Bukod sa ang ingay niya na , namb-bwisit pa. Itinuon ko na lamang ang pagbabasa ng Romeo and Juliet na nahagilap ko rito sa makapal na libro.
Makailang oras ng pagbabasa. Mas nabwisit lang ako sa katangahan ng daloy ng storya nito dahil in the end , namatay lang rin sila. Natapos ang klase ng walang kasigla-sigla. Tinatamad akong tumayo at pinagmasdan lang sila. Marami talagang klase ng estudyante na bumubuo sa isang silid. Pinakauna na ang Queen Bee , na walang ginawa kundi akalain na siya ang masusunod , sikat , popular , at superyor. Sumunod naman ang ' the boring main character ' ng klase. Na ang palaging bida , ang palaging nasa tama at mabuti. Hindi rin mawawala ang mga ' idol wannabe' na walang ginawa kundi magpakasinger oras oras , ang masaklap palagian pang sintunado ang mga taong ganito. Hindi rin mawawala ang 'clingy lover ' na halos matapos ang araw na animo'y pinagdikit sila ng mighty bond tuwing magkasama. Marami pang iba pero dahil nagugutom na ako if-fast forward ko na . Dito sa klase hindi uso ang mga 'nerds o geek' , pero may iisang tao ako na lubos akong nawirdohan. Sa lahat ng ginagawa niya , basta nawiwirdohan ako sa kanya. The Eccentric.
" Hoy Elaiza Katsuragi ! Tara nagugutom nako ." Sambit ko sa kanya. Kanina ko pa nililibang ang sarili ko na huwag makatulog . Ayokong masabunutan ng kapatid ko. Kahit nasa same year kami ng kapatid ko ginagalang ko pa rin siya bilang ' ate ' . Nagkaroon lang ng problema noon kaya hindi niya natapos ang isang year kaya ngayon magkasabay kami. At kung anuman ang nangyari noon...ayoko ng ungkatin pa.
" ano ba kasi yung ginagawa mo sa office of the Pres.? tapos nasaksak ka pa ? " saad ko sa kanya at kumuha ng isa pang slice ng pizza. Wala akong pakialam kung pinagtitinginan ako o pinag-uusapan dahil sa isang box na malaking pizza ang kinakain ko. Pizza is love. And I don't mind their bullshits.
" may ilang files lang ako na kinuha." tipid nitong sambit sa'kin. Hindi ko na siya tinanong pa pero pansin ko pa rin yung mga mata niya na ang dami-daming dinadala na ayaw niyang sabihin. Nakita ko naman ang kapatid kong kumakaway-kaway samin sa 'di kalayuan. Kasama naman niya ang barkada at ang mga dalawang transferee na kasunod nila.
" OHMYGHADD ! BITCH PAHINGI NG PIZZA !!! " sumalubong kaagad samin ang malakas na sigaw ng kapatid kong bitch. Hanggang ngayon ay kumakain pa rin ako ng pizza , limang slices na lamang ng pizza ang natitira. At dahil mahal na mahal ko ang barkada ibibigay ko na lang 'to sa kanila. Ngumiti ako ng malapad nang makarating sila sa table namin. Sinamaan naman nila ako ng tingin .
" wow , lima na lang. E pang kay Isah lang 'yan e." Bulalas naman ni Clare sa akin. Inokupa naman nila ang kabilang lamesa at saka nagsimula ang kwentuhan. Hindi pa rin nagbabago , cafeteria pa rin ang tambayan namin at fries, pizza at rootbeer ang kinakantyaw namin rito. Natigil sa pagsasalita si Hanne at bumaling ng tingin sa dalawa naming kasama na mga transferee. Siya yung weirdo ... ang wirdo niya talaga. Walang emosyon siya kanina na halos may sarili siyang mundo tapos ngayon naman abot ang ngisi niya.
" mmm, nga pala . Siya si Morgiana at siya naman si Hiro ." pagpapakilala ni Hanne sa lahat. May kakaiba talaga sa kanya.
" Mor na lang para hindi mahaba. " saad niya na may ngiti pa rin sa kanyang labi. Naputol ang kwentuhan nang marinig namin ang tunog ng bell. Hudyat na tapos na ang oras ng pagkain. Sabay-sabay kaming pabalik sa silid ngunit nananatili pa rin ang tingin ko sa kanya, kay Morgiana.
Bakit kaya may eyepatch siya sa kaliwang mata niya ? At bakit gusto kong alamin ang rason nito ?
****
- Someone's Point of View -
Abala ang lahat. Iilan lamang ang mga estudyante na nagkalat sa labas ng mga silid. Habang ako naman ay abala sa isusorpresa ko sa aming biktima, isa pa lamang ang nawawala ,marami pang dapat patumbahin. Mas marami mas masaya . Walang humpay na pagmamakaawa nilang mga palahaw at ang saya na aming makukuha. Patas at walang pandaraya.
" Saan mo gusto ? Sa auditorium room o sa harap ng lahat ? " pagtatanong ko ng may sinseridad sa kanya. Kanina pa kami nandirito sa may locker room. Naaasiwa na ako sa amoy ng patay na katawan at natuyong dugo nito . Masakit rin sa ulo ang matinding amoy nito dahil hindi pa ako nag-aalmusal. Mukhang walang pakialam ang mga gwardya at hindi pa napapansin ang ginawa naming ikababaho ng paaralang ito.
" I'm hungry. Let's leave this damn mess." Walang emosyon niyang saad sa akin. Hindi na ako umangal pa at sinunod na lamang siya , tutal makikita't makikita nila ito. At isa pa , wala na nga kaming tulog , hindi pa rin kami nag-aalmusal . Baka mamatay kami sa ganitong paraan. Pero sabi nga nila , ang masamang damo matagal mamatay. At ang mga payaso , hindi natatalo.
Sabay kaming naglakad na balik muli sa normal ang lahat. Parang walang nakita at parang walang nangyari kahit kami na mismo ang gumawa. Ipinamulsa ko ang mga kamay ko at may mapaglarong ngiti sa 'king labi.
Sa pagbilang ko ng sampu ... isang palahaw ng puno ng takot at matinding sakit ang kanilang matatamo. Payaso, payaso... mga sugo mula sa impyerno.
****
- Third Person's Point Of View -
Isang malakas na palahaw ng isang babae ang umalingawngaw sa locker room. Puno ng takot at pighati. Isang malakas man na sigaw ang pinakawalan niya ay itinatago pa rin niya ang matinding takot na nararamdaman niya sa mga oras na ito. Nanlulumo siyang napaupo sa sahig at hindi niya inalintana ang masangsang na amoy na bumabalot sa kinaroroonan niya. Naitakip na lamang niya ang mga palad niya sa kanyang mukha at umiyak.
" H-Heaven ! P..patawarin mo ako ! Dapat hindi kita iniwan ! H..heaven s-sorry ..." humahagulgol niyang saad sa walang buhay na si Heaven. Tumayo siya at pilit na iniisip na hindi si Heaven ang nasa harapan niya ngayon na bayolenteng pinatay. Lumapit pa siya lalo rito at napansin ang singsing ng dalaga. Ang singsing na kaparehas ng sa kanya. Ang singsing na ibinigay niya kay Heaven. Napaluhod na lamang siya at niyakap ang walang buhay na katawan ni Heaven. Iyak lamang siya ng iyak habang yakap yakap ang katawan ng matalik niyang kaibigan.
" H-heaven sinong demonyo ang gumawa sa'yo nito ?! Best friend tayo , sabi mo walang iwanan ! Sabi mo sabay tayong pupuntang langit ! B-bakit nauna ka agad ! Lord ang unfair naman ! Bakit kinuha ninyo pa ang best friend ko ! Wala na kong kapatid...at p-pamilya ..." sa gitna ng kanyang mga hikbi , umagang umaga ay namumugto at marumi na ang kanyang uniporme dahil humawa na sa kanyang damit ang dugo at ang amoy nito. Tinanggal niya ang singsing ng dalaga at naikuyom niya ang kanyang kamao.
" Heaven...m-mahal na mahal kita.. pangako , hahanapin ko ang demonyong gumawa nito sayo. Pagbabayarin natin sila. "
" F-feb ? Anong nangyari ?! " tiningnan lamang siya ng malamig ng dalaga. Mga matang puno ng hinagpis at sakit. Lumakad na siya palayo at iniwan ang binata na gulat at naguguluhan ng may pagkatakot sa kanyang nasaksihan.
____________________________________________________________
END OF GAME 5
![](https://img.wattpad.com/cover/39457511-288-k735785.jpg)
BINABASA MO ANG
The Another One Ⅱ: End This Game
Mystery / ThrillerHilaree Rain Remulla. She finally found her true family. She entirely wreck her old self . Pero totoo na nga ba ang lahat ng nasa paligid niya ? Ano ang gagawin niya kung lahat ng nakapaligid sa kanya ay gusto siyang patayin ?